☞chapter 8☜

2K 64 0
                                    

[Nathalia]

"PERVERT!" sigaw ko dito.

Agad nyang tinakpan ang bibig ko.

"Damn! ang ingay mo talaga!" bulong nito saken. Sabay kaming napatigil ni Zander ng biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Nathalia, can i talk to you?" maarteng tanong ni Maggie.

Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Zander saka
ako umalis sa ibabaw nya.

Dyos ko nababakla na ata ako..

"Nathalia? are you there?" tanong pa ni Maggie.

I roll my eyes upward.

Flirt!

Agad kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Samantalang si Zander naman ay nasa likod ng pinto. Napakunot ako ng noo sa ginawa nya.

"shh.. wag kang mainggay.." bulong nya saken.

"Nathalia, alam mo ba ang number ni Zander? may itatanong lang kasi akong importante sakanya." nakangiti pang tanong nito saken.

hehe ang galing nyang makipagplastikan! SUPER
GALING!!

"sorry hindi ko kasi alam ang number nya." sagot ko dito.

"is that so.. ahm you know where he is??" tanong nito.

Nakataas ang kilay ko ng tingnan ko si Zander.

he mouthed me. 'No! Im not here please??'

Napangisi ako sa aking naisip.

"He's he-"

"Nathalia? ikaw ba ung narinig kong sumigaw kanina?" tanong ni Dad saken.

Agad akong napapikit.

SH*T! SH*T! SHIT!

ng dumilat ako ay saka ako napatingin kay Zander. Nakangisi ito saken.

Ang sarap lang nyang sipain sa totoo lang!

"Nathalia?" untag saken ni Dad.

"ahm wala un dad. m-may pinapanood lang po ako sa cp ko." saka ako tumingin uli kay Zander.
"ung unggoy ho kasi na pinapanood ko ay ninakawan
ng halik ng isang gwapong tao." dugtong ko pa.

"eww that's gross!" maarteng sabi ni Maggie.
"anyway i'll go ahead. toodles.." paalam nito saka
maarteng naglakad sa hallway ng bahay.

"Anak, dumating na ba si Zander? nasa garahe kasi ang kotse nya."

sh*t naman!

akala ko pa naman ligtas na ako dito. hindi pa pala..

"i-i don't know Dad." sagot ko na lang dito.

"ok, anyway. bumaba kana. magsisimula na kayo ni Zander." sabi nito saka umalis sa harap ko.

"huh? magsisimula saan?" takang tanong ko.

"hinahire ako ni Ninong para maging tutor mo." sagot naman saken ni Zander.

"what?! ikaw? magiging tutor ko?! eh ang bobo mo
kaya."

"oy! hindi ako bobo ah!" sagot naman agad nito.

"ewan ko sayo. lumayas ka nga sa kwarto ko.
naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh!"
pagtataboy ko dito.

-------------------------------------

"ULIT!" sigaw ni Zander saken ng malaglag ang libro sa ulo ko.

"bweset! ba't kailangan ko pang gawin to!" sabay pulot ko libro na nasa paanan ko.

Paano ba naman.

Nakasuot ako ng 2 inch highhels. at nakapatong sa ulo ko ang isang makapal na libro.

"kailangan kasing maayos ang paglalakad mo. kailangan babaeng babae ang lakad mo." sagot nito habang nagbubuklat ng isang magazine.

"hindi ako babae. Tomboy ako. at pwede ba?! ano bang pakialam nila sa lakad ko ha?" galit na sabi ko dito.

"Nathalia, ikaw ang hahalili sa Dad mo sa companya nyo kaya dapat bago sumapit ang birthday mo ay alam mo na ang lahat-lahat ng gagawin mo."

"tsk. fine. wala naman akong ibang choice diba?" Napangiti ito.

Na agad ikinabilis ng tibok ng puso ko.

sh*t may sakit na ata ako sa puso.

The Tomboy And The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon