☞chapter 41☜

1.6K 50 0
                                    

[Nathalia]

Nagising ako ng makarinig ng mga taong
nagtatawanan. Agad akong napakusot ng mata at tumingin sa paligid. Nagtataka pa ako ng makita ang mga tao na papalabas na ng sinehan. Nakakunot ang
noo kong lumingon kay Zander na nakatitig saken.

"T-Teka.. Ba't sila lumalabas? Hindi pa naman tapos ang palabas ah??" takang tanong ko kay Zander na agad nitong ikinailing habang ngumingiti.

"tapos na po ang palabas. Tinulugan mo pa nga ako ehh.. Tinuluan mo pa ng laway mo ang tshirt ko.." sambit nito na ikinalaki ng mata ko saka kinapa ang
gilid ng labi ko.

F*CKING SH*T!!!

Meron nga!!

Damn!!

Agad kong tinakpan ang labi ko para di makita ang tuyo kong laway.

"DAPAT GINISING MO AKO!!" sabay kurot ko dito.

"Aray naman Bebe ko ehh.. Hindi talaga lumilipas ang isang araw na hindi mo ako nasasaktan.." reklamong daing nito na agad kong kinatigil.

Bigla akong tumayo.

"oh san ka pupunta?" tarantang tanong nito saken.

"Lalabas na ako. tayo na lang ang nandito sa loob ng sinehan eh.. tsaka maghihilamos pa ako." sabay lakad ko palabas ng sinehan.

"Bebe ko hintay!!" tawag ni Zander saken sabay takbo palapit saken.

________

[Zander]

Napangiti ako habang pinapanood si Nathalia na kumakain habang nakakamay. Nasa Mang Inasal kasi
kami ngayon, kung saan pwedeng magkamay.

Agad kong sinenyasan ang lalaking may dalang kanin na agad naman nitong ikinalapit sa mesa namin.

"Rice, Sir Ma'am?" tanong nito saming dalawa.

Napaangat ng tingin saken si Nathalia na
nakakunoot ang noo.

"give her a cup of rice, please.." sabi ko sa waiter na agad naman itong sinunod.

"Zander?! May kanin pa ako eh! Bulag kaba? O malabo lang yang paningin mo??" tanong nito saken.

Hinayaan ko munang umalis ang lalaking nagbigay dito ng kanin saka ako nagsalita.

"Bebe, ayokong nagugutom ka.." malambing kong sabi dito na agad ikinasama ng tingin nito.

"ayaw mong magutom ako, pero ikaw naman tong nagpapakagutom??" sabay lagay nito ng kanin sa pinggan ko na agad kong ikinangiti.

'ang sweet naman ng Bebe Lia ko.. ang sarap tuloy halikan uli' anang isip ko na hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha ko.

"oh? para kang sira jan?" sambit nito habang nakatitig saken.

"nasisiraan kana ba ng bait ha Zander?" sabay subo ko ng kanin.

"Oo yata ehh.. Kasalanan mo to Bebe ko. Totoo nga yung sinabi ng iba na nakakabaliw pala ang umibig.." nakangiti pa ring sabi ko.

"Zander, mandiri ka nga?!" pagalit na sabi nito habang pulang-pula ang mukha.

"aminin mo na kasi Bebe ko, Kinikilig ka sa mga banat ko?" nakangisi kong tanong dito.

Pinanlakihan nya ako ng mata.

"Isa Zander ha?! pag di kapa tumigil ay-"

" Ay hahalikan mo na ako Bebe ko??" Putol ko sa iba pa nitong sasabihin.

Napaaray ako ng pukpokin nya ako ng kutsara sa noo.

"Bebe naman.. yan kana naman. Ipapakulong na talaga kita, sa salang pangnakaw mo sa puso ko." sabay kindat ko at tayo ng makitang aambangan na
naman nya ako ng kutsara.

"Zander, lumapit ka dito, sige na." sabi nito na agad kong ikinailing.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga Costumer, makalayo lang sa sadista kong
Bebe.

"ayoko. sabihin mo munang mahal mo ako. Lalapit ako sayo." nakangisi kong sambit na agad ilinapula nito.

"Zander.." may pagbabanta na sa boses nito.

"say i love you muna, Bebe ko sige na.." sabi ko na agad nitong ikinatayo saka ako hinabol.

Taranta naman akong tumakbo.

Takte!

Ayoko ng mabugbog ulit!

Masakit kaya!!

The Tomboy And The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon