[As The Ink Flows] Vol 1-1

14 0 15
                                        

The cupcakes

Ein's POV

Pagkatapos kong magbihis at kumain, lumabas na ako sa bahay,start na ng first semester ko, well I'm currently studying Engineering, because thay say that I'm good with math, kaya naman 'yon ang kinuha ko..

Pagkalabas ko sa gate ay may naramdaman akong presensiya na tumatakbo patungo sa akin.

"Ein!! 'tayin mo ko!" Sabi ng isang pamilyar na boses na patungo sa akin.

Tumalikod ako para makita kung sino ang tumawag sa akin, nakita ko si Zarah na tumatakbo patungo sa akin.

Si Zarah ang kaibigan ko mula pagkabata, hmm... wala na pala akong kaibigan maliban sa kanya, haha dahil kasi pinipili ko ang mapag-isa nung namatay ang mga magulang ko, ang naiwan lang sa akin ay ang bahay namin, at ang mga naipon nila para sa pag-aaral ko, well sabihin nalang natin na mahigit sa sampung Zero ang nakita ko sa bank account nila, nung namatay sila ay si Zarah lang ang nagpasaya sa akin, dahil sa kanyang kakulitan at pagka isip-bata(refers today) madalas.

"Ein!!! Sabay na tayo!" Sabi niya habang naka-ngisi, wala namang akong kasabay so.. ba't hindi?

"Sige." Sagot ko, ngumiti siya ulit dahil sa sagot ko.

Sa maya-maya naming paglalakad, may nasisilayan na akong ibang estudyante, malapit lang naman sa amin ang university kaya mas pinipili kong maglakad.

"Ein! May napili ka na bang club na sasalihan?" Tanong niya sa akin bigla, Club? First day palang ah?

"Ahh wala, kung may anime club dun nalang ako." Sagot ko, well gusto ko ng anime eh.

"Wala namang anime club ah?" Tanong niya, kaya nga sinabi 'kong "kung" diba?

"Ah mamaya na ako pipili." Sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na kami sa school, marami-rami narin ang mga estudyante na nakarating sa school kaya naman naghiwalay na kami ni Zarah, fine arts kasi siya so magkaiba kami ng room.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na ang klase ng hindi ko namamalayan, ang normal lang kasi.

Naka-upo sa silya sa room.

Wala na akong magawa, hmmm makahanap nga ng anime club sa lugar na toh.

Nung akmang tatayo na ako ay may nakita akong babae na sinesenyasan ako, si Zarah!

Pumunta ako sa kanya, ngumisi siya nung pagkarating ko.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko.

"Hinahanap ka!" Sagot niya, ang lakas ng pag-kakasabi niya, nakakahiya, para kaming may relasyon dito.

"So nakahanap ka na ba ng club na sasalihan?" Tanong niya sa akin, umiling lang ako, wala naman kasi akong mahanap na club, at sa tingin ko ay walang anime club sa lugar na to.

"Wala? So follow me then!" Sabi niya, wew ang fluent ng pagkakasabi niya ng sentence na 'yon ah? San kaya natuto tong babaeng to? At saka 'san niya ako dadalhin? Baka isasali niya ako sa isang club.

Sumunod nalang ako sa kanya, naglakad kami patungo sa 3rd floor ng isang building, wala ng tao dito ah? Dito ba talaga ang lugar na pupuntahan niya?

Naglalakad lang kami, dinadaanan ang mga classroom na wala ng ni-isang tao, ang laki pala ng building nato, kanina pa kami nag lalakad eh.

Tumigil kami sa gitna ng lobby, lumapit siya sa isang closed room pero may ilaw at naka-bukas ang ibang bintana at saka kumatok.

"Hello! Zarah!" Sabi ng isang babae.

As The Ink FlowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon