Ilang oras na akong naghihintay dito sa gitna ng traffic, inabot na ako ng dilim pero parang walang balak umusod ang mga sasakyan dito.
Galing akong mall kasama si Chanyeol, kaibigan kong lalaki. Sobrang bait at palabiro, may mga oras nga lang na nakakainis dahil hilig nya akong asarin. Nag aya syang mamasyal tapos its his treat pa, niyaya nga din ako ng mga pinsan ko gumala pero since nauna si Chanyeol mag-aya, sakanya ako sumama. Syempre dapat kung sino ang nauna siya ang dapat mong piliin.
May dinner kami ngayon dapat, actually kakambal ko nanaman may pakana non and then di kona namalayan yung time. I hope okay lang kami, pero sigurado akong may tampo siya saakin. Pati na din mga magulang ko. Baka magalit sila sakin. Ngayon lang ako wala para sa 'complete' family dinner namin.
Makalipas ang ilang oras na pag-iintay sa traffic,nandito na din ako sa tapat ng bahay. Nang bumusina ako, binuksan na nung katulong namin yung gate at dinrive ko yun hanggang dun sa parking netong sasakyan ni daddy na ako ang nagamit. Nawala na lang bigla yung katulong namin pag baba ko ng sasakyan pero di ko na pinansin
Pagka pasok ko sa pinto sobrang dilim kaya binuksan ako ng ilaw. Muntik na akong mahulog sa iba.
Char.
Nang makita ko ang kapatid ko na nakatayo sa harapan ko pag bukas ko ng ilaw
"Oh my gosh twinny!! Ano ba!! You scared me!" Sigaw ko sakanya but he just rolled his eyes. Nakasuot sya ng pajama at t-shirt na puti. Siya ang kakambal ko na talented at laging pinagkakaguluhan sa school.
"Ewss! Twinny don't tell me you're a gay?" Sabi ko sakanya nang irapan nya ako. Nanlaki na lang mga mata ko nung bigla nya akong hinampas.
"Nakakatampo ka naman,inuna mo si Chanyeol kesa sakin! I hate you, dina tayo kambal" sabi nya sakin sabay sumimangot sya, pero honestly ang cute nya kapag nagtatampo sya lagi. I'm so lucky to have him kasi maalaga sya at supportive.
"Sorry twinny, panonoorin nalang kita sa acting practice nyo tomorrow sa school" Binigyan ko sya ng 'sorry' smile at binigyan nya naman ako ng maliitna ngiti. Tsk! wala nanaman akong maisip na pambawi sakanya na kaya kong panindigan pero I am pretty sure na makakabawi nako
"Sabi mo yan ah! Go to your room now. Goodnight love you. Matulog kana! Kapag dika pa natulog lagot ka samin nila mom and dad" Pagpapa-alis nya saakin at tinulak pa ako papunta sa taas. Nakakaadwa ayaw ko pa naman umakyat
"Bakit? Kuya kita, kuya kita ha?!" sabi ko at pinipilit na hindi umakyat "Eh sabay kaya tayo pinanganak" dagdag ko pa sakanya
"Hey! Excuse me! F.Y.I, I'm 2 mins older than you! Respeto naman sa kuya mo!" Sabi nya sakin at tinutulak pa din ako paakyat. Ganyan kami lagi ni twinny simula bata pa ang cute nga eh
"Lee Dong min! Lee Mi rein!!" Narinig namin ang malakas na sigaw ng tatay namin mula sa kwarto nila kaya pagka sigaw ni dad ay dali-dali na agad kaming umakyat at tumakbo sa kanya-kanya namin na kwarto. Nang makapasok ako ng kwarto, dumeretso ako ng CR at nagbihis ng pajama na mint green ang color at pink na oversized na t-shirt. Nagtoothbrush na din ako at tutulog na sana.