Mi rein's Pov
Medyo napahiya yung Jungkook sa nangyari, nalaman ko na may gusto siya kay munshie. At pinagtawanan ko naman siya. Wala syang choice kundi magmakaawa sakin para daw hindi pa lalo kumalat sa buong school ang about sa pagkakagusto niya kay Munshie. Napaka bakla talaga!
Flashback
"Mi rein?!" Gulat na gulat siya nung makita nya ako
"HAHAHAHA" Tumawa lang ako sakanya dahil sa reaction nya talagang hindi makapaniwala, para bang nakakita ng multo
"What are you doing here?!" Takot na may halong gulat sa muka niya habang nakikipag-usap sya sakin
"Gusto mo si munshie? Tsk!" Sabi ko sakanya with matching pang asar face
"Siguro inutusan ka ng mga kaibigan mo na ikaw ang sumipot dito" Aba sinisi pa mga kaibigan ko ha, ganon ba talaga kasama mga kaibigan ko charr
"Ikaw ba yung nag text?" Tanong ko sakanya ng maayos
"Ano naman sayo?" Sagot niya sakin at may pagtataray pa sa tono nya
"FYI! Ako lang naman yung tinext mo" Sabi ko sakanya pero dedma lang ako
"Oh? Anong balak mo?" Tanong ko sakanya kasi halos 1 minute na kaming nakatulala
"Umalis ka nga jan!" Sabi nya at binangga pa ako ha, bastos na lalaki
"Ikaw pa talaga may balak magalit" Sabi ko sakanya, grabe gusto ko ng sapakin tong lalaking 'to
"Para saan ka ba? Umalis ka na nga dito" Ah ganon? Naglakad ako paalis habang masama ang tingin sakanya
"WAIT!" Pagpigil nya sakin pero hindi ko sya pinansin.
"Please wait!" Hinarangan niya yung dinadaanan ko pero binangga- bangga ko lang sya
"Ano ba?! I'm here!" Hindi ko sya pinansin at tinuloy ko lang ang paglalakad
"LEE MI REIN!" Malakas nyang sigaw na sobrang nakakabingi kaya nilingon ko na
"WHAT?!"
"Don't tell this to anyone please" Lumapit sya sakin na nagpapaawa
"Ayaw ko nga"
"Please" Pagmamakaawa nya pero umiling- iling lang ako sakanya. Bigla naman syang nag smirk na parang mang iinsulto
"Baka gusto mong ipagkalatan ko yung nangyari nung lasing ka" Pananakot pa niya pero di ko alam kung anong sinasabi ng lalaking 'to
"I don't remember na you're there" Lumapit pa sya ng konti at umuko kasi mas matangkad sya than me
"Babe... Alam mo ba shiniship nila tayo" Sabi pa nya pero wala talaga akong maalala
"May record ako non, ipaparinig ko-" OH MYYY GOODNESSSSS!! NAAALALA KO NA!
"Tama na nga" Awat ko sakanya
"Okay, then don't tell anyone" tinignan ko lang sya bago ako sumagot
"In two condition" Sabi ko sakanya dahil hindi naman ako papayag ng ganun- ganun na lang
"Only one baby" Sagot nya saken kaya tumalikod ako sakanya at nag-umpisang maglakad papalayo sakanya
"Fine! What is it?" Sigaw nya sakin na halatang labag sa loob nga