Zandra Hale's POV:
Nakangisi ako habang pinapanood kong sinusuntok at pinag tatadiyak ang isang kaawa awang babae.
"t-tama na" pagmamakaawa ng babae.
"Anong tama na?!? Kulang pa yan sa ginawa mo!" sigaw ni Gianne sa kanya. Kinuha naman ni Maxhine ang kuwelyo nya at pinatayo sya. Nanginginig sa galit si Maxhine, habang si Gianne naman Sobra na yung pamumula nya dahil sa galit. Seryoso namang nakatingin si Ziazan sa kanila ngayon.
"Malalagot ka talaga kay Montecillo kapag nalaman nya na nakipag tulungan ka sa Dark Academy dahil lang sa lalakeng iyon." Pailing iling kong sabi sakanya habang papalapit sa kanila. Binitawan ni Maxhine sa pag kakakwelyo yung kaawa awang babae. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya at isang malakas na sapak ang iginawad ko sa babaeng yun. Hinablot ko ang panga nya at iniharap ang duguang mukha nya sa akin.
"wag na wag mong subukan kalabanin ulit kaming mga Heavenly Queens at hindi lang yan ang aabutin... Pasalamat ka at hindi pa to alam ni Montecillo. Hindi mo alam kung paano magalit yun." inis na sabi ko sakanya. Pagkatapos ay malakas ko syang itinulak.
Napatingin naman ako kay Ziazan na papalapit sa amin, seryoso at muhkang kanina pa naiinis sa babaeng yan. Napatingin naman ako sa hawak nyang baseball bat. Nanlaki ang mata namin sa gulat nang bigla nyang hampasin ng malakas sa ulo gamit ang baseball bat nahawak nya sa babaeng kaawa awa."Shit! " gulat kong sabi
"What the hell?!?!" sigaw naman ni Gianne
"That's my girl... Tama lang yang ginawa mo." proud na proud naman si Max sa ginawa nya.
"Bakit mo ginawa yun, Zia!!" pasigaw kong taning sa kanya
"They're here" bulong ni Zia sa amin. Luminga-linga ako sa paligit. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ang mga lalaking nakablack tuxedo at black slacks.
Dark Academy
Napangisi nalang ako ng makita ang boyfriend ng babaeng binugbog namin.
So kaya pala tinapos na ni Zia ang tangang babae nayun. Tsk tignan lang natin kung matutuloy yung bulok at cheap nilang plano. Tsk...
Tumingin ako kay Zia at tumango sakanya bilang pagsang-ayon sa plano nya. Tinginan palang alam na agad namin kung ano ibig sabihin nyan.
Pagkatapos naming pagbubugbugin at pagtripan ang jowa ni ate girl at iba pa nyang kasama na taga Dark Academy din, bumalik na kami agad sa school baka hanapin pa kami ni Montecillo.
Habang naglalakad...
"Putang ina! Buti nalang nalaman natin agad yung plano nila." inis na sigaw ni Gianne.
Kaya namin pinagbubugbog yung babae kanina kasi nalaman namin na nakipagtulungan sakanya ang Dark Academy na sugurin ang school namin. Buti nalang talaga nalaman namin agad kundi siguro kalahati na ng students sa amin ay patay na at hindi namin hahayaan mang yari yun. Isang kahihiyan sa school kung hinayaan lang namin yun.
Kakaiba ang school namin sa school ng iba dyan. Imbes na pagalingan sa katalinuhan ay pagalingan naman kami sa pakikipag laban. Hindi kami bobo dahil nagaaral din kami katulad ng ordinaryong magaaral, may klase din kami at teachers. Ang pinagkaiba lang ay lahat ng mga illegal na gawain ay pwede dito.
Hindi rin namin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga lectures namin(dahil masyado na kaming matalino) wala rin kaming test dito. Meron naman kaming test pero hindi yun ordinaryong test lang.
Kailangan mong kalabanin ang masnanakatas sayong ranggo para makaangat ka. Kailangan mong makipaglaban para makapunta ka sa itaas. May limang schools na naglalaban laban para sa posisyon na yun. At kami ang nasa pinakamataas na posisyon ngayon.Isang gang school ang pinasukan namin, kung saan lahat ng gangster ay dito nag aaral.Gang University
Isang paaralan para sa mga gangster na girls... Sa ngayon ay pinamumunuan ito ng lider namin na si Montecillo at kaming Heavenly Queens.
Sunod naman sa amin ang Dark Academy. Isa sa pinakamatinding kalaban namin.
Pagkarating namin sa Gang U, agad kaming tumaas sa royal room. Royal room ang tawag kung saan nakatira ang mga lider ng mga gangster school.
Agad akong umupo sa coach upang magpahinga, ganun din ang ginawa nila Gianne, Max, at Zia.
"soooo fuuucccckkkiiin' tirrreeedd... " sigaw ni Max sabay higa sa coach.
Ilang sandali pa at biglang bumukas ang pintuan at iniluwal si Ericka, ang secretary ko.
Every Heavenly Queens ay may kanya-kanyang secretary. Mas kilala sila sa tawag na Hisho. Sila ang pangalawa sa mga may matataas na posisyon dito sa school, sila yung prumoprotekta sa amin.
Kaya naman Heavenly Queens ang tawag sa amin dahil kami yung may pinaka mataas na posisyon dito sa school. Kaya 'Heaven' dahil parang nasa lagit kana kung magiging isang lider ka sa isang Gangster School.
"what?" matamlay kong tanong kay Ericka.
"Ms. Zandra... May nakarating sa akin na mensahe, may nakapasok daw dito na mga Dark Kings." nanginginig na sabi nya sa akin. Nanlaki naman ang mata namin dahil sa gulat. Ngayon alam ko na kung bakit ginawa yun nung babae. Sinadya nyang magpahuli. Hindi talaga yun yung plano. Nagsinulangaling yung babae sa amin. Shit! Bat ngayon ko lang na realize.
Tumayo ako at seryosong tumingin sa kanila.
"Nalinlang nila tayo..." inis kong sabi. Si Gianne at Max nagtatakang tumingin sa akin habang si Zia walang kaemo-emosyon yung muhka nya, muhkang alam nya na ang ibig kong sabihin.
"what do you mean??" tanong ni Max.
"hindi talaga yun yung totoong plano nila... Yung sa babaeng binugbog natin ay hindi talaga nagsabi ng totoo. Ginamit lang sya ng mga Dark kings upang lituhin at linlangin tayo. Kaya agad silang nakapasok sa school natin. Habang busy tayo sa punyetang babaeng yun ay nagawa na nilang pasukin ang teritoryo natin. Mas madali kasi silang makapasok dito dahil wala tayo. " pag eexplain ko sa kanila. Ano nanaman kaya ang ginawa nila?? may pinatay nanaman ba silang Student Gang??
May 5 rankings kasi dito sa school:
Una, kaming Heavenly Queens.
Pangalawa, ang mga Hisho. Ang secretaries namin. Iisang gang sila.
Pangatlo, mga Healers. Sila yung mga matatalino at hacker namin sa school. Sila yung nagiging alas namin laban sa mga kalaban. Ang mga Warriors at Assassins. Sila naman yung prumoprotekta sa school at sa iba pang students. Per gang din ito.
Sumunod naman ang mga Wakagashira-hosa. Sila yung mga solo gang student na walang mga ka gangmates. Yung nasa under training palang.
At ang pang huli ang Gang Student sila palang yung mga newbie.
Tataas lang ang rank nila kapag natalo nila ang masnakakataas sa kanila, in short kapag natalo sila sayo na ang pwesto/rank nila.
"M-miss Z-zandra..." nanginginig na tawag sa akin ni Ericka.
"n-napatay nila si C-Catherine y-yung p-president ng H-healers" napa luhod nalang ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi maaari! Malaking kawalan si Cath sa school namin. Gulat na gulat naman ang reaksyon ni Max at Zia habang si Gianne naman ay pulang pula sa galit.
Isang nakakalokang ngiti ang nasilayan namin sa labi ni Zia.
"Let the battle begin." nakakatakot ang awra ni Max. Para bang handa na syang pumatay.
Ngumisi naman si Gianne " another animals to be killed. " rinig kong bulong ni Gianne. Napapikit nalang ako sa inis. Kinuyum ko ang aking mga kamay. Shit! Nagsisimula na sila.
Sa limang taon na pagiging tahimik namin, ginagambala nanaman kami ng mga hayop na yun para makuha ang posisyon namin. Well wrong move, Dark kings... Wrong move Mr. Mendoza.
You don't know us. You don't know what we're capable of. We are Demons. We have devils within our soul...
This is Gang University, once you enter, you become a gangster. Once you killed someone, you're a monster...
Let the battle begin...