Chapter 1

90 6 3
                                    

Meet the Queens

Ericka's POV:

Nangdumaan ako sa may corridor sa second floor dito sa school ay nakita kong masayang nagtatawanan at nagkukulitan ang mga studyante. Pumasok ako sa Hell room sa may dulo ng second floor building. Hell room ang tawag sa room ng mga secretary ng Heavenly Queens.

Kinuha ko ang mga paper works ni Zandra sa table ko. Project nya ito sa english at ngayon nila ito ipapasa. Kami kasi ang taga gawa ng mga Assignment, project at kung ano ano pang pinapagawa nila. Kaya nga secretary di ba?!?!

Pagkatapos kong kunin yung project ni Zandra ay agad akong lumabas ng Hell room.

Pagkalabas ko ng Hell room ay nakita ko kaagad ang mga estudyante nag mamadaling umalis sa daanan. Sa isang iglap biglang nahati ang mga tao sa gitna parang Red sea na nahati sa dalawang linya ang grupo ng mga estudyante na magkukumpulan kanina. Ang dating maingay na hall way ay napalitan ng nakakatakot na katahimikan.

Nakita ko sa gitna ang mga taong may gawa ng lahat, kung bakit nagmamadali ang mga estudyante, kung bakit nahati ang mga estudyante sa daanan, at kung bakit nakain ang buong hall way ng nakakatakot na katahimikan...

Dahil sa kanila...

Dahil sa limang taong nasa gitna ngayon...

Sila ang may gawa.

Sino sila???

Sila ang Heavenly Queens...

Ang leader ng school na to at sila din ang dahilan kung bakit nasa Top ang school namin ngayon. Sila din ang officers ng school namin.

Dahil sa kanila...

Napatigil ang lahat nung dumaan sila. Iba talaga ang takot na hatid nila sa amin. Titig palang nila ay nakakatakot na.

Para bang nag slow mo yung paligid nung dumaan sila sa sarap ko. Yung iba sa kanila nakangisi habang yung iba naman ay seryoso.

Dumeretso sila sa classroom nila dahil may klase sila. Agad ko naman silang sinundan dahil dun din ang klase ko.
Sabay sabay silang umupo lima. Tag dalawa kasi per row and two groups yung arrangement ng upuan namin.

Si Zandra Hale Villegas. Sya yung pinagsisilbihan ko. Sya yung nasa gitna sa first row. Sa una aakalain mong isa lang syang hamak na gangster, dahil sa galaw nya. Pero lingid sa kaalaman ng iba ay sya ang pinakamatalino sa grupo nila. Maganda sya, medyo matangkad at mahaba ang buhok na medyo kulot. Mahilig magbasa ng libro pero magaling sya sa pakikipag laban. Isa syang magaling na hacker. Sya ang Head ng Healer ng Gang U.

Katabi naman ni Zandra ay si Maxhine Reyes, Max for short. Sya ang pinakamakulit sa lahat. Pinaka bully at pinaka malala makipag away. Dahil sa salita palang ay bubogsarado kana. Sya yung pinaka childish sa kanila na kahit galit ay sobrang saya parin nya makipaglaban. Sobrang akakatakot sya kapagnakikipag laban, aakalain mong baliw. Maganda din sya singkit at matangkad pero mas matangkad si Zaile sa kanya. Sya ang Head ng Warriors ng Gang U.

Sa likod naman ni Max ay si Gianne Zhanell Quevido, ang pinaka masungit sa kanila. Sobrang maldita nya. Kasungitan palang nya ay nakakatakot na. Tumakbo kana kung ayaw mong masigawan ka nya. Sya yung pinakamaarte sa grupo kaya walang nakakatagal sa kanya sa sobrang kaartehan nya. Ewan ko kung paano na tiis ng kaibigan nya. Sabi kasi nila hindi daw sya ganun sa kaibigan nya at sa mga close nya. Maganda sya at maputi, medyo may katangkaran. Sya ang Head ng Assassins ng Gang U.

Sa tabi ni Gianne ay si Ziazan Suarez. Ang anak ng may ari ng school. Sya ang pinaka tahimik sa kanila at laging seryoso. Bihira mo sya makitang ngumiti. Bihira lang din makipag away. Akala mo sobrang bait pero pag kinalaban mo na ay sobrang lakas nya. Kaya nyang pumatay...Pag nang gigigil na talaga sya. Sya ang
Co-head ng Assassins ng school na toh.

Gang University (on-hiatus)Where stories live. Discover now