A/n: enjoy reading :))
*************
Training
Nariah's POV:
Grabe! Nakakapagod:<
First day na first day palang ng training di ko na kinakaya. Medyo mangiyak mangiyak na ako habang nakikipag laban ng arnis kay Zia. Sa tuwing matatamaan ako ng arnis ay mapapangiwi nalang ako, minsan ungol na dahil SOBRANG SAKIT DRE!!!
Una naming ginawa kanina ay nag jogging at nag warm up. Ginising ako ng secretary ni Zia. Since si Zia naman ang trainor ko, sya na ang incharge sa lahat. Pinag palit ako ng secretary ni Zia ng training clothes ko. Actually na papaisip nga ako kung training clothes ba toh or pang gala?? Like duhh crop top na jacket tapos track pants, kapag nag jo-jogging nga ako ehh tshirt ang jogging pants lang ehh.
Tinanong ko kay Zia kung bakit ganoon yung training clothes ko ehh ang sagot nya lang naman ay...
"Dapat masanay ka na ganyan ka sexy suot mo, mas sexy pa yung uniform ng Heavenly Queens jan"
Tama nga naman sya. Mas sexy yung suot nila pero at the same time sobrang astig ng uniform ng HQ(heavenly queens).
Iba kasi ang uniform ng HQ sa mga normal Gang students. Yung sa HQ kasi ay blouse na top with black coat na parang tuxedo then red and black comouflage neck tie, Tapos sa baba naman ay half skirt na red ang black comouflage yung kulay and half shorts na kulay black, then yung sapatos nila ay black combat boots. Tapos may pin pa na nakalay sa may left chest nila. 'HQ' yung nakalagay sa pin. Habang yung sa normal Gang students ay blouse top with black vest, then red and black comouflage ribbon. Then yung skirt naman nila ay yung black leather skirt na may dalawang slit sa gitna na kulay red and black na comouflage. Tapos sapatos nila ehh black high cut convers. May pin din sila sa left chest. 'GU' yung na kalagay.
So going back. Sobrang nahihiya ako sa suot masyadong sexy. Kahit na yung puson ko lang ang na kikita di ako sanay.
Na conscious naman ako. Pano ba naman mukhang sanay na sanay na talaga si Zia sa ganoong pa nanamit, hindi lang si Zia buong HQ. Kasabay namin kasi silang mag jogging nung umaga.
Yung jogging clothes nila ehh aba pwede nang pang gala at pang club, sexy pero astig tignan.
Omayyy gaddddd!!! Holyyy mother of fudgibarss!!! Di ko na kaya na koconscious na ako!!
So ayun na nga...
Pag katapos namin mag jogging ay nag palit na sila Zandra, Max, Gianne, at Kyle ng uniform nila tapos pumunta na sila sa royal room, habang kami naman ni Zia ay dumiretso sa training hall para sa training namin.
May sariling training hall ang HQ. We do boxing, kung fu, Tai Kwan do, and other different martial arts. At dahil alam ko naman na kung paano yang mga yan ay tinuruan nalang ako ni Zia ng mga mahihirap ng moves. Tinuruan na kasi ako ni Papa nung 11 years old ako, pang self defense ko daw.
Akala ko nung una madali nalang yung mga ituturo na moves ni Zia kasi alam ko naman na yung mga moves pero mali ko...
-_- DI KO KINAYA -_-
Ang hirap ng mga pinapagawa nya. Puro pasa na ako tapos masakit na katawan ko. Last training na namin ito for this day. Naglalaban kami ngayon ng arnis.
Napangiwi nalang ako ng tamaan nya ako sa may tyan ko. Aishh ang sakit na!! Bigla akong napaupo sa sakit ng tamaan nya naman yung side ng left leg ko.
"ahh shit!!" nakangiwing singhal ko. Napahiga nalang ako. Manhid na manhid na buong katawan ko dail sa sobrang sakit, di ko na mafeel katawan ko. Huhuhuhu!!