Tumahimik ang mga classmates ko ng dumating ako. Lahat sila nakatingin saken na para bang may ginawa akong isang karumaldumal na krimen at owww?!
Nandito na pala yung teacher nmen. ""Your late again miss Clifford!" Bati saken ni maam Ree Donovan. Our Adviser.
"Go to detention room! Araw araw ka na lang late! Malapit na kitang ibagsak!" Dagdag pa nito.
Nagmarcha na ako paalis. Sanay na ako sa ganitong eksena dahil hindi nman ito ang unang pagkakataon na nangyari saken. Araw-araw naman kasi akong late.
Nabasag ang katahimikan ng aking paglalakad sa hallway ng biglang may alien na tumawag saken.
"Hey miss! Ikaw na naglalakad!" Tawag saken ng lalaki.
Hindi ako nag-abalang lumingon. Hindi ko kase ugali ang pumansin ng hindi ko nman kilala.
"Sunget. Di man lng ako pinansin.
Ang bilis mong maglakad, hintayin mo naman ako!" Reklamo niya.Tumakbo siya papunta sa akin at sumabay sa aking paglalakad.
Leche Feeling close 'to ah!
Habang naglalakad, ang dami niyang kinukwento na non-sense.
Tapos magsasabi siya ng joke,
pero siya lang din nman yung tatawa.Napapa-iling na lang ako sa mga pinag-gagagawa niya. Para kasi siyang sira.
Nang makarating kame sa dulo ng hallway ay paliko na dapat ako sa may kanan papuntang cafeteria ng bigla niya akong hawakan sa kamay at pigilan.
Tinaas ko ang aking kilay to the highest level at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Agad siyang napabitaw.
"Ah... Ano... Kase... hindi diyan yung daan papuntang d-detention room.
Doon yun banda sa may k-kaliwa." Nahihiya niyang sabi saken.Tsk. Napairap ako.
Anong akala niya saken? New student na naliligaw kung saan pupunta? Tsk."At sino nman nagsabing pupunta ako sa detention room?" Mataray kong sabi.
"Huh? Teka, classmate mo ako at narinig kong sabi ni maam Ree na pumunta ka sa---"
"Ugh! Di ko kailangan ng paliwanag mo. Gutom na ko kaya pwede ba, wag mo akong pigilan?" Nagmarcha na ako paalis.
Iniwan ko siyang nakatanga doon.Di ko alam na classmate ko pala siya.
Ay muntikan ko nang makalimutan, wala nga pla akong pakialam sa mga taong nakapaligid saken. I used to be alone."Teka lang! Huy Hintay nman! Sama ako. Libre mo ako ah, gutom na ren ako eh!" Habol niya saken. Di ko nga siya kilala kung makaasta parang close ko ah!
***
Kanina ko pa kasama 'tong lalakeng 'to.
Kahit saan ako magpunta, nakasunod siya. Feeling ko mababasag na eardrums ko sa boses niya eh. Napakadaldal!
Tulad na lang nito..."Wag mo nman akong iwan. Ang liit liit ng paa mo pero ang bilis bilis mong maglakad. Di ka ba napapagod?" Siya.
"....." Ako.
"Alam mo, para kang si Dora the explorer! Ang hilig mong gumala. Kung saan saan ka pa nagpupupunta." Siya.
"....." Ako.
"Buti na lang talaga at kasama mo ako. Mababantayan kita at Hindi ka malulungkot kase lagi kang may makakausap na gwapo." Siya.
"....." Ako.
"Chaka ba't ang tahimik mo? Baka mapanis na laway mo ah. Try mo kayang magsalita."
At sa wakas! Pagkatapos ng mahabang paglalakad at pagtitiis sa maingay na bunganga ng kasama ko ay nakarating rin ako sa aking pupuntahan. Ang Restroom!
Ang layo kase nito mula sa pinuntahan namin kaya mapapagod ka talaga.Bubuksan ko na dapat yung pinto ng bigla kong maalala yung maingay na lalakeng kasama ko.
Tinignan ko siya at tinignan niya ren ako.
"B-bakit ganyan ka makatitig?
May d-dumi ba ako sa m-mukha?" Pagtataka niyang tanong sakin habang kinakapa-kapa ang kanyang mukha."Ah, alam ko na! Siguro na-gwa-gwapuhan ka na saken no? Hahaha. XD!
Di sa nagbubuhat ng sariling bangko ah, pero inaamin kong gwapo talaga ako!" Proud at confident niyang sabi saken."Sira! Hindi iyon. Papasok kase ako sa CR. Wag mong sabihing pati dito sa loob ay balak mo pang sumama?!" Ako.
"Kung gugustuhin mo, okay lang nman sa gwapong tulad ko. Kaya ano pang hinihintay mo, tara na!" Nakangisi niyang sabi at kumindat pa ang loko.
Aba't ang kapal tlaga ng mukha nito!
*PAAAAAKKKKKK!!!*
"Araaaayyy!!! Joke lang. Di ka naman mabiro. Ang bigat ng palad mo huy."
***
"Saan na ba tayo pupunta? Kanina pa tayo nag-aalay lakad ah. Kung saan saang planeta mo na ako dinadala." Reklamo niya.
"Di ko naman sinabing sumama ka saken, kaya kung ayaw mo, pwede ka nang umalis" sabi ko.
"Hindi kita pwedeng iwan dito. Ano ba kaseng gagawin mo? Buong araw na tayong nagka-cutting!" sabi niya.
"Yan! Nandito na tayo." Nakangiti kong sabi.
"H-ha? dito?" Nagtataka niyang tanong.
Nasa dulo kase kame ng campus ngayon.
Sa likod ng lumang building.
Walang katao-tao dito, kundi kame lang. Medyo nakakatakot din dahil abandonado na ito. Pero sanay na ako kase madalas ako dito kaya wa-epek na saken yun."Nakikita mo ba yang punong yan?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. May mata ako eh. Ikaw ba, may mata ka din ba?"
Napairap ako sa sinabi niya.
Leche. Ang pilosopoooooo!"Tatambay lang tayo dito at magpapahinga." sabi ko sabay higa sa may damuhan sa tabi ng puno.
Tumabi siya saken at humiga din.
Ipinikit ko ang aking mga magagandang mata. Dumilat din ako agad ng maramdamang nakatingin siya saken.
Teka? Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan?
Ang lalim ng kanyang iniisip. Mas malalim pa sa dagat. Nakita ko sa kanyang mga mata na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong iniisip niya ngayon.
"Oh, baket? May problema ba?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
Magsasalita na dapat siya kaso bigla siyang napahinto. Parang pinigilan niya ang sarili niya na sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin.
Mas lalo tuloy ako naguluhan sa mga kinikilos niya. Nakakawindang ah.
Nag-iwas siya ng tingin sabay sabi na wala lang. Eh? Biglang ganun? Weird.
Lumipas ang ilang oras ay tahimik paren siya. Himala. Di na siya nagkwekwento ng kung anu-ano. Baka napagod na siya sa dami ng mga sinabi niya kanina?
Ah, oo Tama. *tango* *tango*-
BINABASA MO ANG
Harrika Darkahreum
Short StoryBasahin at Alamin kung paano biglang nagbago ang mundo ni Annika sa kanyang nalaman na sikreto.