Elizabeth Reise's
"Ang gwapo no.""Puro ka na naman gwapo eh. Hay nako Elizabeth."
"Ano naman? I only appreciate human being. Sa buong existence ko ba eh ilang ulit ko bang sasabihin sainyo yo'n?" humarap ako kay Polyana. Nakakainis naman kasi diba. Hindi ko naman kailangang pagsabihan ako ng mga gano'ng bagay ng paulit-ulit dahil alam ko naman ang sinasabi ko. Saka ano bang kinalaman ng maingay niyang pwet do'n? Tsk.
"Eh kasi naman, nakakasawa!" ewan ko ba kung seryoso siya ha, but I don't mind. Nilalabas niya ang buntot ng demonyo ko. "Tinanong ba kitang makinig sa akin?"
Natinag siya, alam ko yo'n. Pero hindi niya ipapakita. Napakalakas ba naman kasi ng boses niya, at sobrang masakit 'yon aa tenga. Pareho sila ni Remerie, pero itong si Pol? Ang mas nakakabwisit. "Eh baket? Ako kasama mo eh."
"Ha? So maga-adjust pa ko? First of all, sino ka ba? Sumasama ka lang naman sakin for a purpose." that purpose? Dahil wala naman siyang masyadong nakakasama or consistent na kasama. Wala nga yatang may gustong kasama siya, sa tingin ko. Dahil siya lang naman ang unang lumalapit saka magsisimulang mameste. Napupuno na ko ha.
"Luh! Ang arte mo naman."
"Eh anong tawag sayo?" I don't actually care about shutting people out. If they want to leave, then go. Ipagtutulakan ko pa nga sila eh. Why not? They first came, and I never asked for their presences in my life. I honestly don't need people. Just a person.
Tinabig ko na ang kamay niyang nakapulupot sa braso ko. She's been clingy at all persons. It's irritating. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa mga bench kung nasaan si Francine. Ang tunay kong friend. Hehehe. Kahit minsan nalang kami nakakapagusap. Pero ayos lang. Alam kong pag kaming dalawa lang ang magkasama, I know she listens to whatever senseless I'm saying.
But now I'm doubting.
"Hey! Hans! Over here!" napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang Crane Hans Santiago ang nakatayo mga ilang bundok pa ata mula sa'kin. Malayo siya. But I can clearly see na may hinahanap siyang boses. I just continued walking nang marinig ko si Natania na nagreklamo sa likuran ko.
"Ano ba yan. Ang bagal." ramdam ko pa ang nakagawiang pag-ismid niya kahit nakatalikod ako't di tanaw ang mukha niya. Ilang minuto pa, habang nagbabasa ako ng isang pocket book ay may naramdaman akong presensya na palapit ng palapit sa akin. Wait.
"I'm over here, Hans. Come! Let's have our meeting settled na." J-just what the hell.
Oh yes, I'm or we are enrolled in the same private school but neither of all these people dared to sound so conyo in public. Normal lang makipagusap ang iba dito. Ewan ko lang kung saan nanggaling tong singsing-tanga dito sa likod ko, english ng english. Nakakairita on my hearing senses.
I can feel a minty fresh breath from a mouth na parang hindi lumamon ng mga tig-45 pesos na pagkain sa canteen. Isabay mo pa ang hanging lumalabas rin galing sa ilong niya. Teka? Sino ba 'to?
Nakabaling pa rin ang atensyon ko sa libro pero hindi ko napansin na nakatigil na ako sa paglalakad. May part na kasing exciting! Sinusugod na kasi ng Alpha ng pack nila Naro Argentum ang safe house kung nasaan si Sera. Gosh. Para tuloy na naging bait si Sera para hulihin si Ashton. Tch.
BINABASA MO ANG
How Cupid's Game Works
Fantasía"How Cupid's Game Works" *** Wala nang iba pang hindi tao na mas kukulit pa sa tadhana. Alam nating walang tao ang walang kapareha sa buhay. Pero ako? Mukhang wala na rin talagang kaparehang makakasama habang buhay. Hindi ko alam kung sadya ba per...