Chapter 19: Her Plan..

63 3 0
                                    

 Chapter 19: Her Plan..

   (Yna Victoria’s POV)

Nasaan na kaya sila? Kamusta na kaya si Kailah? Hinawakan naman agad ni Jade yung kamay ko..

“Okay lang naman siguro si Kailah.. Huwag ka na magalala..”- sabi niya saakin ng naka-ngiti, napa-ngiti na lang din ako..

Napa-tingin naman kami nang biglang dumating sina James at Jian na medyo nabasa pa dahil sa ulan..

“Ano, nakita niyo ba si Kailah?”- tanong ko sakanila..

“Hindi ehh.. Bigla kasing umulan, wala pa naman kaming dalang payong..”- sabi ni Jian at kumamot sa ulo..

“Mag-palit na nga lang muna kayo, baka magka-sakit pa kayo ehh..”- sabi ni Jade..

“Huwag na, mamaya na lang kapag dumating na si Kailah.. Towel muna..”- sabi ni James..

“Nwala lang kami ng ilang saglit pero, nagda-date na pala kayong dalawa..”- sabi ni Jian at sabay kumuha na ng towel.. Nagka-tinginan naman kami ni Jade at napa-tingin din sa kamay namin, tinanggal din naman agad namin ang pagka-hawak sa kamay at sabay tumingin sa malayo..

Feeling ko namumula na ako!! >///<

“Huwag na kayong mahiya!! Kami lang naman ang nandito, buti wala nakakita na ibang students.. Kundi chismis agad ‘yan..”- sabi ni Jian ng naka-ngiti at pinupunasan ang buhok niya..

“Itong lalaking ito.. Manahimik ka nga!!”- sabi ni Jade at babatukan sana si Jian ng biglang may dumating, nandito pala kami sa tapat ng pintuan, hinihintay kasi namin sila Kailah at Mark..

“Guys, tulungan niyo ako na ipunta sa clinic si Kailah..”- sabi ni Mark habang naka-piggy back sakanya si Kailah..

Basang-basa sila, ayy hindi.. may naka-takip na coat kay Kailah kaya hindi siya masyadong nabasa pero si Mark talaga ang basang-basa..

“Kailah!! Ayos lang ba siya?”- tanong ko sakanya..

“Nagka-sprain siya.. And i guess, nagka-lagnat siya dahil naulanan siya..”- sabi niya at pumunta na din kami sa clinic malapit din naman yung clinic sa 2nd floor lang yun.. pagdating namin sa clinic ay hiniga naman agad siya ni Toffer sa isa sa mga higaan doon..

Dumating na din naman agad si Ms. Nurse..

“Anong nangyari sakanya?”- tanong ni Ms. Nurse.. at tinignan kung mainit ba si Kailah..

“Naulanan siya at nagka-sprain ata siya sa paa niya..”- paliwanag ni Mark habang hindi na mapakali..

“Dude, huminahahon ka.. Tawagin muna natin si Ms. Raine..”- sabi ni James, tumango naman si Mark..

“Dito ka lang, Victoria huh?”- sabi ni Jade, tumango din naman ako, bago sila umalis ay kumuha muna si Mark ng towel..

“Oh, yan.. Okay na, pina-inom ko na siya ng gamot para sa lagnat niya ini-spray yung paa niya para mawala na rin..”- sabi ni Ms. Nurse at ngumit saakin..

“Thank you poo..”- sabi ko at ngumit din..

“kapag kailangan niyo ako nasa cafeteria lang ako huh?”- sabi niya at tumango naman ako.. pagka-labas niya ay tumingin ako kay Sophia.. Napa-tingin naman ako bigla nang may tumawag saakin..

“Sofia’s calling..”- pagbabasa ko sa pangalan nung tumawag.. Sasagutin ko ba? Wala akong magawa kundi sagutin yung tawag, tumayo naman ako at lumabas muna ng clinic at nag-lakad lakad..

“Anong kailangan mo?”- tanong ko sakanya..

“Umpisahan na natin ngayon..”- sabi niya, napa-kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya..

“What?! Anong uumpisahan? Saka.. BAKIT NGAYON??”- napa-sigaw na ako dahil sa inis ko sakanya, pumunta naman ako sa malapit sa cr ng girls at pumasok sa isang cubicle at ni-lock ito..

“Nakalimutan mo na ba ang plano natin? Nakalimutan mo na ba kung BAKIT MO KINAIBIGAN ANG MAGALING KONG KAPATID? Nakalimutan mo na huh?”- sabi niya at nailayo ko pa yung phone dahil sa sigaw niya..

“Hindi.. Hindi ko yun makakalimutan.. Pero.. Sofia naman, Bakit ngayon? Bakit ngayon ka mag-uum--!!”

“Dahil!! Ngayon ko na sisimulan ang paghihirap ni Kailah..”- sabi niya, napa- close fist naman ako sa sinabi niya..

“A-ayoko.”- nasabi ko na lang sakanya ng hindi nag-iisip kung ano ba ang ginagawa ko..

“Ayaw mo?! AYAW MO!! NARIRINIG MO BA YANG SINASABI MO? NAHIHIBANG KA NA BA? Siguro, naaawa ka na nuh? Wala ka rin palang k**nta..”- sabi niya at napa-pikit na lang ako..

“Gusto mo sabihin na natin kay Kailah, kung bakit mo TALAGA siya kinaibigan?”- tanong niya saakin..

“HINDI! H-HUWAG MONG... Gagawin ‘yun.. Please..”- sabi ko at halos mangingiyak na ako..

“Aww.. Nagmamakaawa ka? Kung ayaw mo mangyari ‘yun.. Then, itutuloy natin ang plano..”- sabi niya..

“Wala kang kasing sama!! *huk*”- hindi ko napigilan kundi umiyak..

“I’m waiting..”

“O.. S-Sige..”- sabi ko then i hung up.. F*ck that girl.. Lumabas na ako sa cubicle at nag-hugas ng mukha at pinunasa ito gamit ang kamay ko..

“So, ngayon na maguumpisa..”- nasabi ko na lang sa sarili ko..

“I’m sorry, Kailah..”- dugtong ko pa at lumabas na ng comfort room..

END OF CHAPTER 19:

A/N: Let The Game Begin!! Bwahahahaha!!! *Thunder effect*

(HIATUS) She's A Bitch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon