Chapter 18: Everything's gonna be alright..

62 3 0
                                    

Chapter 18: Everything’s gonna be alright..

 (Sofia Lorraine’s POV)

“Umma, ayos ka lang?”- tanong ko mama ko.. Masyado kasing papansin yang Kailah na ‘yan ehh.. Ako pa ang ginagawang masama? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya/ Hindi ba siya masama? Huh? Tss..

“Ibang-iba na talaga si Kailah.. Hindi naman siya ganyan dati..”- sabi ni mama..

“Ma, dati, ganyan din siya, matigas ang ulo, walang pakinabang sa pamilya natin at hanggang ngayon din naman, diba?”- sabi ko mama at umupo sa sofa..

“Hmm.. Tama ka nga naman..”- sabi ni mama at parang may iniisip siya..

“Hmm.. My dear, Sofia.. Gusto mo bang lumipat ng school?”- sabi ni mama ng naka-ngisi.. Napa-ngiti din naman ako sa sinabi niya

“Ummhh.. yeah? Masyado na kasing boring sa school ko.. Gusto ko kasi.. EXCITING!!”- sabi ko..

“Itong school na ito.. MAS EXCITING kesa sa school mo ngayon..”- sabi ni mama, habang may hinahanap sa cellphone niya..

“Hello!! Magtra-transfer ang anak ko diyan.. Si Sofia Lorraine Dela Fuente.. 4th Year High school.. Yeah.. Pupunta kami diyan..”- sabi ni mama at binaba na ang phone..

“Let’s Go!”- Humanda ka ngayon Kailah.. Lahat pa rin talaga akin.. Ang akin ay ang akin.. Paharang-harang ka sa dinadaanan ko, hindi mo naman alam kung sino ang binangga mo.. Humanda ka ngayon..

   (Sophia Kailah’s POV)

Grabe ba yung iniba ko sa sarili ko, na hindi na ako makilala ng iba na kahit pamilya ko.. Pero, naging ganito lang naman ako dahil sakanila ehh.. Napa-tingin na lang ako sa paa ko dahil nakaramdam ako ng sakit pero dinedma ko na lang at tiniis ang sakit.. Mas masakit pa ang naramdaman ko noon kesa sa pag-sakit sa paa ko ngayon.. Pumunta na lang ako sa park at umupo sa isang swing..Napa-tingin ako bigla sa langit.. Makulimlim.. Sana huwag umulan..

“~I want to be happy, no one’s gonna love me, i want to be happy, i want to be happy.. i’m trying my best to.. *sniff sniff* t-to be ha-happy.. But i guess, i didn’t belong to.. *huk huk* Plese help me.. I want to be happy..~”- napa-kanta na lang ako habang umiiyak ng naka-yuko.. Gusto ko lang naman maging masaya, Bawal na bang maging masaya? Bakit pinagkakait saakin na maging masaya..

Ako pa ang naging masama.. Ano na ba ang gusto ko mangyari sa buhay ko? Wala na akong alam kung ano na ang mangyayari.. At WALA AKONG PAKIELAM!!! At gusto ko lang din naman makalaya sa impyernong buhay na ito ehh.. Pero, alam ko namang nangingiiba sila sa ugali ko.. Ito ang gusto ko ehh, ang mahirapan sila..

“tama, ito ang gusto ko.. ang pahirapan sila, ang ipa-mukha sakanila kung gaano kasakit yung ginawa nila saakin noon..”- nasabi ko na lang, bigla namang umulan, pero ambon lang naman.. Dinadamayan mo ba ako.. Mukhang hindi ehh..

“Masaya ka ba?”- napa-tingin naman ako sa nag-salita..

   (Third Person’s POV)

‘Nasaan na ba si Kailah?’ tanong sa isip ni Toffer habang tumatakbo at hinahanap si Kailah.. Hanggang sa nakita niya na naka-upo sa swing ang dalaga.. Linapitan naman niya agad ito, pagod na pagod siya sa kakatakbo dahil nag-aalala siya kay Kailah..

Hindi naman agad napansin ng dalaga ang binata nanatiling tahimik lang si Toffer habang naka-tingin kay Kailah na naka-yuko at umiiyak.. Nag-taka naman si Toffer kung bakit siya umiiyak.. Pero nalaman niya ang sagot sa tanong niya ng mag-salita si Kailah at ang kasabay nun ang pag-ulan..

“tama, ito ang gusto ko.. ang pahirapan sila, ang ipa-mukha sakanila kung gaano kasakit yung ginawa nila saakin noon..”- sabi ng dalaga at nanatili pa ding naka-yuko..

“Masaya ka ba?”- tanong ni Toffer, napa-tingin naman si Kailah kay Toffer..

“Toffer...”- Nasabi na lang ni Kailah at sabay napa-yuko, pumunta naman si Toffer sa harapan ni Kailah, palakas ng palakas na din yung ulan..

“Kailah, masaya ka ba? Masaya ka ba na nakikita silang nasasaktan?”- tanong ulit ni Toffer kay Kailah mas lalo namang napa-yuko si Kailah, at narinig na lang Toffer ang paghagulgol sa iyak si Kailah..

“*sniff sniff* Hindi.. *huk* H-hindi.. H-hindi *sniff* ako magiging..”- hindi na niya natuloy ang sasabihin niyya ng dahil na din sa iyak niya..

“M-masaya *huk huk* katulad n-ng *sniff sniff* i-i-ba..”- pagtutuloy ni Kailah sa sasabihin niya kanina, pina-pat naman ni Toffer yung likod ni Kailah kaya mas lalong umiyak si Kailah at ang pag-lakas din ng ulan..

“Kailah, tara punta na tayo ng school at para na rin makapag-palit ka..”- sabi ni Toffer at tumayo.. Umiling naman si Kailah bilang sa sagot niya..

“Ayoko.. *sniff* D-Dito lang a-ako..”- sabi niya ng nanginginig na, tinanggal naman na ni Toffer yung coat niya at saka linagay sa balikat ni Kailah..

“Tara na, baka magka-sakit ka pa niyan ehh..”- sabi ni Toffer habang naghi-hintay na tumayo si Kailah..

“Ayokong *huk* tumayo..”- sabi ni Kailah, napa-tingin naman si Toffer sa paa ni Kailah at nakita niyang namamaga ito..

Umupo ulit si Toffer pero naka-talikod na siya kay Kailah..

“Sakay na.”- sabi ni Toffer habang naka-tingin lang sa malayo.. Napa-angat naman ng ulo si Kailah..

“Dalian mo, nangangawit na ako ohh..”- sabi ni Toffer..

“Toffer.. *sniff sniff*”- sabi ni Kailah at sumakay na sa likod ni Toffer..

“Everything’s gonna be alright.. Trust me, Kailah.. Just trust me..”- sabi ni Toffer at nag-lakad na pa-balik sa school nila..

Salamat Toffer..”- sabi ni Kailah at nag-lean sa likod ni Toffer..

 END OF CHAPTER 18:

A/N: Na-touch ako kay Toffer.. Bwahahaha~ Hindi talaga ako marunong magpa-iyak.. bwahahaha!! XD WOW! May bago din ahh.. Ahahahaha!!!

(HIATUS) She's A Bitch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon