Chapter 20: Old Days..

77 3 0
                                    

Chapter 20: Old Days..

  (Sophia Kailah’s POV)

“Ugghh..”

“Gising na siya!!”- napa-mulat naman agad ako nga mata at nakita ko yung apat at naka-tingin saakin..

“Hey! W-what’s wrong?”- tanong ko sakanila..

“Maayos na ba ang lagay mo?”- tanong ni Jian..

“Uhh.. yeah.. Medyo masakit pa ang ulo ko, pero ok lang.. Teka, bakit nasa bahay ako ni Raine umma?”- tanong ko ulit sakanya..

“Kasi, nung nalaman niya kung anong nangyrai saiyo, ayy, pinapunta ka niya agad sa bahay niya..”- paliwanag ni Jade..

“Ahh.. Sige.. Teka! Nasaan si Victoria?”- tanong ko ulit sakanila, ang dami kong tanong.. psshh..

“Huh? Ahh.. ‘Yun ba.. Kanina pumunta siya dito sabi ng mama mo pero umalis na din kaagad..”- sabi ni James..

“Si mama?”- napa-taas naman ang kilay ko sa sinabi ni James..

“Si Ms. Raine..”- sabi ni Toffer, napa-tingin naman ako sakanya at napa-tango..

Bigala namang bumukas yung pintuan kaya napa-tingin kami kung sino ‘yun..

“Oh? Gising ka na pala, tamang-tama, nag-luto akong soup para sainyo..”- sabi ni Raine umma at pumunta kung saan ako naka-upo..

“Uhh, tita.. ‘Dun po muna kami sa sala..”- sabi ni Toffer kay Raine umma..

“O sige.. Kumain na rin kayo, marami akong linutong soup, sabihin niyo na lang sa mga maid kung gusto niyo din..”- sabi ni Raine umma sakanila..

“Sige po.. Salamat nga po pala..”- sabi nila at lumabas na..

“Kamusta naman ang pakiramdam mo? May masakit ba saiyo?”- tanong ni Raine umma habang hinahalo yung soup at sabay tumingin saakin..

“Ayos lang po ako.. Medyo masakit lang..”- sabi ko at tinuro yung ulo ko..

“Gusto mo uminom ka ng gamot? O kaya hihilutin ko na lang yan..”- sabi ni Raine umma..

“Hilutin mo na lang po, mas gagaling pa siguro ito kesa sa gamot.. Eww.. Buti hindi ko nalasahan yung gamot nung ininom ko ‘yun kanina..”- nasabi ko na lang..

“Ahahaha!! Sige, kain ka na may kukunun lang ako..”- sabi Raine umma at lumabas muna..

Pagbalik niya ay may dala na siyang sulat..

“Ano yan?”- tanong ko at sumubo sa linuto ni Raine umma..

“Sulat galing kay Victoria..”- sagot pa niya at umupo sa likuran ko para hilutin yung ulo ko..

“Kay Victoria?”- sabi ko at kinuha na yung sulat at binasa ito..

“Umma!! Binasa mo na ito nuh?”- sabi ko kay umma at tumingin sakanya ng masama..

“Hmm.. I guess.. hehe!”- sabi niya at nag-fake ng tawa.. Tumingin na lang ulit ako ‘dun sa sulat at binasa ito..

 ‘Hoy, babae! Alam ma bang nag-alala ako saiyo dahil bigla-bigla ka na lang tatakas sa school.. Naku! Huwag mo ng uulitin ‘yun ahh, kapag nalaman ko lang talaga na tumakas ka ulit lagot ka saakin..’

“Psshh.. Kaya mo ba?”- tanong ko na parang si Victoria ang kinakausap ko talaga..

  ‘Joke lang.. Hindi ko ‘yun kaya.. hehehe!! By the way, pagaling ka huh? Saka mag-thank you ka pala kay Toffer, dahil kung hindi ka niya nakita, siguradong mabubulok ka sa park na yun, at saka alam mo ba na basang-basa siya dahil saiyo..’

(HIATUS) She's A Bitch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon