KULAYAN NATIN ANG ULAP

120 1 0
                                    

KABANATA I

Umaga…

“Tandaan mo, Jack. Kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag mo akong susundan,” ani Mackey habang hinihigpitan ang kanyang piring sa mata.

“Bakit ba kailangang gawin mo pa ‘yan?” tanong ni Jack na tumigil na sa pagnguya ng popcorn dahil nakaramdan na siya ng pangangalay ng panga.

“Kapag lumipas na ang dalawang oras at kalahati at wala pa ako, puwede mo na akong hanapin,” sagot ni Mackey kasabay ng paghimas niya sa lumang kotse ni Jack na nakaparada sa gilid ng makitid na daanan sa paanan ng bundok. “Palitan mo na itong kotse mo, Jack. Bulok na bulok na!”

“Huwag mong pakialaman ang kotse ko. Talaga bang hindi mo na kailangan ng tungkod? Gubat ‘yang papasukin mo, Mackey! Mabato d’yan, matinik, mapuno...  eh,  may takip pa iyang mata mo! Kapag may ahas na ba sa harapan mo, makikita mo ba? Bakit mo ba gagawin iyan?”

“Ilang ulit ko ba kailangang ipaliwanag sa iyo, pare? Paano ko madarama ang pakiramdam ng isang bulag kung hindi ko ito gagawin?”

At ibinuka ni Mackey ang kanyang mga bisig, huminga ng malalim, at may kasiyaghang dinama ang sariwang hangin sa lugar na iyon. Ginalaw ang mga braso at inisip na ang mga tio’y bagwis ng AGUILA na nagsasayaaw sa himpapawid.

“Ipipikit mo lang ang mga mata mo. Ganooon lang namang kasimple ‘yon! Hindi mo na kailangang magpunta pa rito! Kahit sa bahay ka lang puwede na!  Kahit sa CR! Kahit saan puwede!” sabi ni Jack nang manlaki na ang mga mata niya sa inis.

“Hindi ganyang kababaw ang gusto kong madama. Paano ko maililimbag sa aking tula na makulay din ang mundong ginagalawan ng isang bulag kung hindi ko ito mapapatunayan sa aking sarili? Jack, nagpunta tayo dito sa lugar na ito dahil dito masasalat ng isang taong walang paningin ang kagandahan ng mundo… ang kagandahan na gawa ng Diyos!”

Umikot si Mackey upang higit pang madama ang anyo ng malamig na hangin na humamalik sa kanyang balat. Nang lumakas ang pag-ihip nito, ang mga dahon sa paligid ay lumikha ng sabayang tunog na para bang palakpakan ng mga sanggol na naglilibang sa kanilang kamusmusan.

Higit pang tumingkad ang ngiti ni Mackey. Hinubad niya ang soot na sapatos upang damahin ang tinitungtungang lupa. Napailing na lang si Jack.

“Pare, sigurado ka ban a maigagawa mo pa ako ng loveletter bukas?” tanong ni Jack.

“Sure na sure, pare! No sweat!”

“Sa ginawa mong iyan… para kasing hindi ka na makakabalik ng buhay, e!” pangungutya ni Jack. At bigla niiyang tinungga ang binuksang Coke. “Alam mo ba? Kung hindi ko lang talaga kailangan ng loveletter bukas… hinding hindi ako sasama sa ‘yo dito!” patuloy niya.

“Do not worry for yourself, my friend. Tinitiyak ko sa iyo na kapag nabasa ni Tricia ang loveletter na gagawin ko para sa iyo… sasagutin ka niya kaagad!” nangingiting wika ni Mackey habang inihahanda ang sarili sa pagpasok sa kasukalan. At masuyo niyang sinipol ang awiting YOU’VE GOT A FRIEND.

Nakinig si Jack, at sa bandang huli ay sumabay na rin sa pagsipol. Pagkatapos noon ay nakita niyang kumakaway na ang kaibigan niyang makata.

“Ingat, Pare… Good luck!” may pagmamalasakit na boses ni Jack. “Mackey…sumigaw ka lang! Nandito ako!”

Tumango si Mackey. Maingat siyang humakbang papalayo, tinuwid ang dalawang kamay sa hangin upang maabot ang ano mang bagay na maari niyang mabangga.

“Tama ba ang direksiyon ko, Jack?”

“All’s clear. Sige diretso lang.” tugon ni Jack. Hindi niya inalis ang kanyang mata sa papalayong kaibigan. At hindi na rin niya tinigilan ang bagong bukas na chicharon sa kanyang kamay.

KULAYAN NATIN ANG ULAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon