Chapter 1 - How Hate Started
Hala?! Anong oras na? First day of class ko pa naman ngayon. Sabi nga nila, sa sobrang excited di na ko makakatulog ng maayos, ayan tuloy, 1 hour na lang yung time ko para mag-ayos. Nagmamadali akong mag-ayos, naligo, kumain ng almusal at nagsuot ng polo shirt at pantalon, new comer kasi ako, kung baga, bagong estudyante kaya pwede pa mag civilian. Medyo di ko kasi feel magsuot ng uniform dahil di pa ko maka-move on sa dati kong skul. Eh kasi naman, kung kelan 3rd year highschool na ko, tsaka pa ko lumipat ng skul. Hayaan na, nandito na eh. Pagkalipas ng 30 minutes, tada! Ready na ko pumasok. Nung palabas na ko ng gate ng aming bahay, biglang may sumigaw ng pangalan ko, "Jilian!". Aba, si papa yun ah! "Jilian, bakit ang aga-aga mo naman papasok?", kunot na noong sabi ng tatay ko. "Eh kasi pa, male-late na ko oh, 30 minutes na lang late na ko sa skul", aking sagot sa tatay ko. "eh ano ka ba, ayan lang ang skul mo oh! Ang lapit lapit lang, kapitbahay lang natin" dagdag ng tatay ko. Sabi ko naman, "ah, eh, oo nga no? Kahit 5 minutes before the time pala ko pumasok, sakto lang at di ako male-late". Pero dahil nagpumilit akong pumasok ng maaga, pinagbigyan naman ako ni papa, "Oh sige, first day naman eh, pumasok ka na para makapili ka pa ng upuan sa klasrum niyo", YES!
At pumunta na ko sa skul, hinanap ko yung room ko at nakita ko na nasa 3rd floor pala ito. Nasa labas pa lang ako ng pintuan, rinig na rinig ko na yung ingay ng mga kaklase ko. Bago ako pumasok, nagdasal muna ako na sana mababait mga kaklase ko at di strict ang teacher. Pagpasok ko, napatingin ako sa isang lalakeng payat na matangkad na masayang nakikipagusap sa katabi niya, bigla akong bumulong na "Ay, ang gwapo niya kaso mukhang mayabang, sayang naman!". Binalewala ko siya at naghanap ako ng mauupuan. Halos lahat ng upuan ay may nakaupo na, pwera na lang sa nag-iisang upuan na bakante sa harap. "Wow! Reserved ba to para sakin? Hay naku! Whatever! Ayoko pa naman sa harap, err!" Pero dahil wala nang choice, ano pa ba sa tingin niyo yung gagawin ko? Edi umupo na lang dun. Hahahah. Grabe ang ingay at naririnig kong tsismisan sa likod ko. Ang hirap talaga pag bagong estudyante sa isang paaralan tapos yung mga tao dun magkakakilala, at lahat sila all-eyes sakin nung pumasok ako. Grabe ah! Di bale, di naman nila ko makakain, tao din naman ako. Ayun, napakatahimik ng diwa ko hanggang sa may kumalabit sakin at lumingon ako sa likod, "Hi! Di ba ikaw yung sa simbahan, yung sa choir at nagpa-pyano?", sabi sakin nung isa kong kaklase na familiar yung mukha sa akin. "Ah, oo, ako yun, paano mo nalaman?", sagot ko sa babaeng nagtanong. "Eh kasi madalas kita makita sa simbahan, dito ka na pala mag-aaral. Welcome sayo classmate!" masayang sabi niya. Napangiti naman ako at kahit papano ay may nakakakilala sakin. Tinanong niya din kung ano pangalan ko at nagpakilala siya sakin. Siya si Ynnah. Nanumbalik ulit ako sa pagkatahimik ko at humarap na ulit ako sa harapan. Naisip ko na naman yung lalakeng umagaw ng pansin ko kaninang pagpasok ko. Ang cute niya ngumiti pero sinabi ko sa sarili ko bago ako pumasok na hindi muna ko mai-in love, studies muna priority ko at magfo-focus ako sa pag aaral, ang goal ko ay makasama sa TOP 10 :)
Biglang pumasok yung teacher namin at biglang naging tahimik ang klasrum. "Hala! mukhang strict yung teacher namin, lahat tahimik. Patay! bago pa naman ako dito, di ko alam kung ano ugali nilang lahat", sinasabi ng aking isipan. "Naku, nakita ko na naman kayo, ang worst section ever!", sabi ng teacher na nasa harap. Ano daw? "worst section ever?" Patay! Baka pati ako madamay sa title na binigay ng teacher namin. Nagpakilala na yung teacher namin "sa mga di pa nakakakilala sakin, ako si Mrs.Bee, ako ang adviser niyo at magiging pangalawang magulang niyo dito sa paaralan". Oh no! Siya ang adviser namin! Syempre sa unang araw ng klase, di mawawala ang walang kamatayan na "Introduce Yourself". Hay hay hay...ano ba naman to. At ang masaklap, kailangan kumanta ng isang kanta kung ano man yung nararamdaman mo. Oh diba! 1st day na 1st day, kahihiyan na agad? Oh well, madami naman nang nagsabi na maganda ang boses ko, kayang kaya ko to. Since nasa unahan ako, malamang sa alamang, kasama ko sa mga mauuna, pangatlo lang naman ako. Err! So, kumanta na yung unang kaklase ko, pagtapos niya syempre yung pangalawa at pagtapos ng pangalawa yung pang-apat, hanggang sa may kumalabit sakin at sinabi, "Classmate, classmate, ikaw na next". Ano daw?? Ako na daw? So dahan dahan ako pumunta sa harapan at with confidence akong tumingin sa teacher ko "Hi everyone, ako nga pala si Jilian Gonzaga, 14 years old, mahilig magvolleyball at makinig sa iba't ibang music", hay salamat tapos na, "Hi jilian! Ano kakantahin mo?", tanong ng teacher ko. Sayang! Kala ko makakaligtas na ko eh. At dahil updated ako sa mga music, kinanta ko yung "Bubbly" ni Colbie Caillat, yun kasi yung sikat nung time na yun. Eto lang naman yung part na kinanta ko..
BINABASA MO ANG
When Love And Hate Collide
RomanceIstorya ng kabataan na kung saan si Jilian ay ubod ng inis sa kaklase niyang si Ivan, na mayabang pero may puso at tunay kung magmahal. Matutunghayan natin kung paano sila itinakda ng tadhana kung halos lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay hadlan...