Sa Chemistry Class, naging ka-grupo ko si IZ kasama si Marlyn at yung isa pa naming kaklase na si Rose. Magluluto kami ng pagkain kung saan makikita namin ang kahalagahan ng "Heat", kaya napag-isipan namin gumawa ng Leche Flan gamit ang kawali. Oh diba?! Teka, paano yun?
IZ: Oh tara na, baba na tayo sa canteen para masimulan na natin.
Pagbaba...
Marlyn: Unahin na muna natin yung Brown Sugar.
Rose: Uy, may mantika dapat para di masunog.
Jilian: Dapat butter ang nilalagay diyan, hindi mantika, kasi ganun ginagawa ng Mama ko, yun nga lang di kawali ginagamit namin.
IZ: Ay alam niyo, tama si Jilian, butter talaga nilalagay diyan.
Marlyn: Oo na, butter na.
Nagkangitian kami ni IZ.
Marlyn: Hala! Masusunog na yung Brown Sugar! Bakit di mo haluin Jilian!?
Jilian: Hindi, hindi masusunog yung asukal. Hahayaan mo lang siya matunaw. Siya yung magiging caramelized sugar sa Leche Flan.
IZ: Oo nga, tama si Jilian!
Marlyn: Hinahalo kaya yun! Masusunog na oh!
Jilian: Hmm..sige, haluin mo, ang alam ko kasi matutunaw siya ng kusa (Mahinhin na sagot ko kay Marlyn).
IZ: Amin na nga yan sandok Marlyn! Hindi natin hahaluin yan, tama si Jilian, hayaan mo lang na matunaw! (Malakas na sinabi ni IZ)
Marlyn: Oo na, oo na, si Jilian na palaging tama! Teka, napapansin ko lagi mo na lang siya kinakampihan ah!?
Rose: Oo nga IZ! Halata ka na masyado!
IZ: Eh bakit? Gusto ko siya pagtanggol, kayo kasi eh, di kayo naniniwala kay Jilian. (Sabay tawa at ngiti sakin)
Ugh!!! Bakit ako napapangiti sa kanya? Jusko, ano yung feeling na 'to? Hahahaha...
IZ: Uy, may cheese oh! Lagyan natin ng keso yung Leche Flan! Mukhang masarap!
Rose at Marlyn: Sige! Sige! Para kakaiba.
Jilian: Hala, ano na ang lasa niyan? Di na yan Leche Flan.
Iz: Naku Jilian, maniwala ka sakin, mas masarap yan. Haluin na natin, di din naman yan magiging buo kasi nasa kawali eh. Basta ang mahalaga masarap gawa natin.
Sa isip isip ko, "ano ba yan, di na presentable yung Leche Flan, para na siyang binateng itlog na may keso. Huhuhu.." Pero di bale, si IZ naman na nagsabi eh, baka nga masarap.
At natapos na yung Leche Flan..
Rose: Yes! mukhang masarap kahit di kaaya-aya yung itsura. Hahaha..
IZ: Tikman na natin yan!
At habang sila ay nagkakagulo sa Leche Flan na may keso, tahimik ko lang sila pinagmamasdan dahil naninibago ako sa Leche Flan. Ang big deal no? Eh kasi naman, ba't ganun itsura? Hinalo pa kasi at nilagyan ng keso. "JIlian, Jilian!", tinatawag ako ni IZ.
Jilian: Oh, bakit?
IZ: Tikman mo yung gawa natin oh! Ang sarap! (Sabay subo niya sa tinidor na hawak niya na may Leche Flan)
Kumuha ulit siya ng Leche Flan at lumapit sakin.
IZ: Oh, tikman mo, masarap yung ginawa natin.
Jilian: Huh? Eh ginamit mo na yung tinidor na yan eh.
IZ: Wag ka mag-alala, wala kong sakit, dali na. Oh. (Pilit niya pinapatikim sakin yung Leche Flan)
Edi syempre, tinikman ko na. Hahahah..masarap nga! Hahaha.
BINABASA MO ANG
When Love And Hate Collide
RomanceIstorya ng kabataan na kung saan si Jilian ay ubod ng inis sa kaklase niyang si Ivan, na mayabang pero may puso at tunay kung magmahal. Matutunghayan natin kung paano sila itinakda ng tadhana kung halos lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay hadlan...