Ayan, medyo maaga ulit ako papasok ngayon. Tignan ko nga kung may kakausap sakin. Siguro naman di na nila ko titignan na parang gutom na gutom sila. Maka-akyat na nga sa room. Pag akyat ko sa 3rd floor, aba, mukhang tahimik ah. Pagpasok ko ng room, konti pa lang pala yung tao. Hay salamat! Buti na lang pala maaga ako ngayon. Ano naman gagawin ko ngayon, tunganga muna? Hay, magbabasa na nga muna ko. Padami na nang padami yung mga pumapasok, hinahayaan ko lang naman. "Excuse me", sabi ni Mico. "Ay, nandyan ka na pala, sorry", sabi ko. Napatingin ako sa pinto, nakita ko na naman si IZ, ano ba naman to, sa dinami-dami ng makikita ko, siya pa talaga. Ay, kaklase ko nga pala siya, at seatmate kami, malabong di ko siya makikita araw-araw, except na lang kung absent siya.
IZ: Pre, ready ka na ba sa ID picture?
Martin: Naman! Eh ikaw, ready ka na ba hingin friendster niya?
IZ: Shh..wag ka maingay Pre.
Feeling naman nila nakikinig ako, eh malakas kasi kwentuhan nila kaya talagang maririnig ko. At biglang nag-ring ang bell. Tumayo silang lahat at humarap sa kaliwa, kinanta ang Hymn ng skul, sorry naman, di ko pa memorize eh. Then nagpray ng School Prayer. Pagtapos nun, pumasok na si Mrs.Bee.
Mrs.Bee: Good Morning.
Class: Good Morning Mrs.Bee.
Mrs.Bee: May ipapapasa akong papel, fill up-an niyo yan at ipasa.
At umikot na yung papel. Hmm..ano kaya yun? Pagpasa sakin ni IZ, nahulog yung papel sa gitna, tinignan ko pa siya para kunin. Aba! Nginitian niya lang ako! Tumayo na lang ako at kinuha, pero nagkauntugan kami kasi sumabay siyang tumayo para kunin yung papel at nakipag-agawan pa sakin.
Jilian: Aww! Sakit!
IZ: Aray! Sorry. (Sabay ngiti)
Jilian: (Sa isip-isip ko) Pa-aray aray ka pa jan. Bakit nakangiti ka pa?!
Tumayo na lang ako, hinayaan ko na sa kanya yung papel, tumagilid na lang ako at humarap kay Mico. "Jilian, Jilian", tinatawag pala ko ni IZ. Binigay niya sakin yung papel, sabay sabi, "Sorry ulit ah, di ko sinasadya". Dedma na lang, ayoko siya kausap. Di ako makaharap ng diretso sa board kasi naman nakikita ko na nakatagilid siya at nakaharap siya sa akin. At take note ah, naka-dikwatro pa siya. Yabang ng dating! Errrrr!!! Asar! Dumating na ulit si Mrs.Bee at nag-announce na after lunch daw ID picture na. Nalaman ko na din kung sino yung ibang teachers namin sa bawat subject. So far, mababait naman silang lahat at mukhang approachable.
Ayan, lunch break na, habang kumakain ako, may bago na naman akong nakilala. New comer din sila. Si Marlyn at Ariane, kasama ko na din sila kumain at mukhang okay naman sila kasama. Pagtapos ng lunch break, umakyat na kami at nag-ayos para sa ID picture. Nauna yung boys, pagkatapos nila, girls naman ang sumunod. Nagsuot ako ng hairclip sa kanan bahagi ng aking buhok para naman medyo may dating sa picture. Oha!?
Pagtapos ng picture taking, umakyat na ko, as usual ang ingay na naman. Biglang may tumawag sa akin, "Jilian, Jilian!". Nung una ayaw ko pa tumingin kasi tingin ko tini-trip na naman ako ni IZ hanggang sa napaharap ako nung sinabi na..
Martin: Jilian! Ang snob mo pala!
Jilian: Ay sorry, ikaw pala. Hindi naman.
Martin: Bakit hindi ka lumilingon kanina? Wag ka mag-alala, ako may tawag sayo hindi si IZ.
Jilian: (Napangiti ako) Hindi naman, bakit mo pala ko tinatawag?
Martin: Meron ka?
Jilian: Huh? Anong meron ako? Alin?
Martin: Hahaha...meron ka nga?
Jilian: Ano ba yun? (Napaisip ako bigla na baka may period ako. Shoot!! Nakakahiya naman)
BINABASA MO ANG
When Love And Hate Collide
RomansaIstorya ng kabataan na kung saan si Jilian ay ubod ng inis sa kaklase niyang si Ivan, na mayabang pero may puso at tunay kung magmahal. Matutunghayan natin kung paano sila itinakda ng tadhana kung halos lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay hadlan...