The last thing Cassie wanted to do at that moment was travel. Ni ayaw niya ngang bumangon mula sa kama niya. Gusto niya lang humilata buong araw, magkulong sa kanyang kuwarto.
She just feels the pain would worsen if she moves. Baka kapag naghintay lang siya at hayaang lumipas ang panahon, mawawala rin nang kusa ang sakit.
At sa totoo lang ay hindi siya sigurado kung may sapat ba siyang lakas para tumuntong uli sa outside world. Para kasing tinakasan siya ng lakas ng loob niya at mukhang nasa indefinite leave iyon.
Tatlong linggo, anim na oras, siyam na minuto, at labindalawang segundo bago napagdesisyunan ng mama niya na tapos na itong pagbigyan siya. Ayaw na nitong makilahok sa pity party niya.
Hindi na raw maganda na nagmumukmok siya sa silid niya. Her mother thought she needed fresh air and sunlight. Kailangan daw niya ng bagong environment. Naniniwala itong sa pamamagitan nang pagtapon nito sa kanya sa middle of nowhere ay makaka-recover siya.
She was too weak to protest and too tired to care. Nang mga oras na iyon ay para lang siyang bote sa gitna ng dagat, lumulutang pero walang direksyon. Kung saan siya ianod ng alon ay sasama siya.
Tatlong araw ang makalipas, hayun nga siya, nakasakay sa bus papuntang
Tandang Sora, isang liblib na bayan na nasa kabilang dulo pa ng probinsya. Iyon ang unang pagkakataong makakapunta siya roon.Balak sana siyang ihatid mismo ng mga magulang pero nagkaroon ng emergency ilang oras bago sila nakatakdang bumiyahe. Gusto sana ng papa niya na i-kansela muna ang pagpunta niya ng Tandang Sora hanggang sa puwede na siyang samahan ng mga ito, pero nagpumilit ang mama niya na lumarga na siya. Tutal ay may susundo naman daw sa kanya pagdating niya sa terminal ng bayan. Kaya na naman daw niyang sumakay ng bus na siya lang mag-isa.
"Hon, she's not an invalid. And she's not stupid. Capable s'yang bumiyahe mag-isa. What exactly are you worried about?" Narinig niya ang usapan ng mga magulang niya. Mama niya ang nagsalita.
"You know she's a little... fragile right now," sagot naman ng papa niya.
"Ano? Natatakot ka bang mag-breakdown s'ya sa gitna ng biyahe? It's been a week since she last cried. Mas matatag s'ya sa inaakala mo. She needs this, okay? Kung 'di s'ya aalis ngayon, who knows kung kelan na natin s'ya puwedeng ihatid? Kapag pinatagal pa natin 'to, baka hindi na s'ya matuloy pa sa pagpunta roon."
"How about we try to look for someone else to drive her there?"
Pero walang nakita ang mga ito na payag na mag-drive ng sampung oras papunta sa isang lugar na hindi masyadong pamilyar sa mga tao. Kaya nag-commute na lang siya.
Binigyan naman siya ng mga magulang niya ng isang papel na may nakasulat na mga instructions kung saang terminal bababa at anong bus ang sasakyan.
Nais pa nga sana ng papa niya na ipasama sa kanya ang isa sa mga kasambahay nila para hindi siya mag-isa pero siya na mismo ang tumanggi.
It would be ridiculous for a grown woman to bring along a maid on a trip to care for her and to make sure she arrives safely to the destination.Noon niya na-realize na ayaw na niyang tratuhin siyang parang batang may malubhang karamdaman. She needs to move on, so everyone else can move on too.
Kailangan niyang subukang bumalik sa dati. Sana nga lang ay puwede iyong gawin nang hindi siya lumalabas ng kanyang kuwarto. She really dreads it, the contact with the real world again. But whether it remains clear or not if that "vacation" would be beneficial or would exacerbate the present situation, it's still worth a try.
Kung hindi para sa kanya ay susubukan niya para sa pamilya niya.
Nakatulugan niya ang majority ng biyahe. Gigising lang siya para kumain ng baong biscuits o umihi kapag tumigil sila sandali sa isang terminal.
BINABASA MO ANG
Tryphon (Tresmonte Brothers #1)
Fiksi UmumTryphon never hated anything or anyone. Pero hindi niya malaman kung bakit pagdating kay Cassandra Aragon ay madaling uminit ang ulo niya. The woman just seems to bring out the worst in him. Nang minsang magalit siya rito ay nahalikan niya ito. Now...