{Play the song Thousand Years on the right --------->
"Wow ang ganda dito Chad!" Andito kami sa isang napakagandang garden.
{Picture on the right ------>
"Surprise Baba!" at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Its a wonderful place here Chad." sabi ko sa kanya habang nakasmile sa kanya. Nagsmile lang siya, isang napakagangdang ngiti.
"Its my world Kath na soon to be magiging world mo rin." Ano daw? "I will wait you here ok."
"Ano Chad?"
"You're always here inside my heart Kath, you're always be."
.
.
.
.
.
.
Nagising ako. Panaginip lang pala lahat ng yun.
Katatapos lang ng funeral ni Chad kagabi. Ginawa ko kung anong sinabi niya. Hindi ako umiyak sa funeral niya. Pero pagkatapos ng funeral, umuwi na ako ng bahay at doon ko binuhos lahat ng emosyon ko. Umiyak ako ng umiyak. Pinabayaan muna ako ni Mama. Alam naman niya siguro yung pinagdadaanan ko eh. Halos maubos na nga siguro yung luha ko dahil hindi ko talaga kayang mawala siya sa buhay ko. OA na kung OA pero kasi hindi ko talaga kaya eh!
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at may nakita ako sa dresser ko. Isang box. Nilapitan ko yun.
To my Dearest Baba.
Binuksan ko iyon. Mga gamit niya. Lahat ng mga niregalo ko sa kanya andun lahat. Wala ngalang dun yung kwintas na binigay ko sa kanya. Naalala ko, sabi niya din sa'kin bago siya mamatay, wag ko daw ihihiwalay sa kanya yung kwintas niya kasi kapag ginawa ko daw yun, babalik daw siya at hahanapin niya yun. Si Chad talaga, mang-iiwan nalang nga siya, tinatakot pa niya ako. May napansin ako sa box, isang CD. Nacurious ako at pinlay ko yun sa player ko.
"Hi Baba, Kapag nareceive mo na itong videong ito, it means wala na ako. Binilin ko kay Kaizer na ibigay sa'yo to after ng libing ko. Alam mo, lagi kong sinasabi sa'yo na sobrang mahal na mahal kita. Sana, kapag wala na ako wag ka ng magmahal ng iba pa ha. Ay! Kaizer cut mo to ha. Pwede kang magmahal ng iba basta wag mo akong kakalimutan ha. Always remember hihintayin kita dito ha kahit gaano man katagal kakayanin ko. Nakaya nga kitang hintayin ng 1 year sa panliligaw at 3 years na hindi ko sinasabi ang pagmamahal ko sa'yo diba. Lagi kitang babantayan tandaan mo yan. Tsaka mumultuhin narin kita minsan. Ay Kaizer pati itong part na 'to cut mo." napangiti ako sa mga sinabi niya. ETo din namang si Kaizer hindi niya sinusunod yung sinabi ni Chad. Baka siya pa ang multuhin ni Chad. "Baba, wag ka ng iiyak ha. Ayaw kitang nakikitang umiiyak eh. Alam mo naman yun. Basta yun lang. Aish! Bakit naman ako naiiyak! Kaizer, cut mo din to, nakakahiya kay Kath. Bye Kath! Always remember you will be Always Here Inside my Heart. I love You."
Naiiyak na naman ako. Ano ba yan.
Chad, you know, I can't imagine na darating ang time na ito na mawawala ka. Sabi mo pa nga diba sabay tayong tatanda at puputi ang buhok. Diba sabi mo, sabay nating makikita ang mga anak natin at ang mga apo natin. Nagpakasal nga tayo pero iniwan mo naman ako kaagad. Ang daya mo naman. Sabi mo pa nga diba, sabay nating sasalubungin ang huli nating hininga, pero nauna ka eh. Ang daya mo talaga! Pero don't worry Chad. Hindi na ako magmamahal ng iba kasi wala talagang makakapantay sa pagmamahal mo. I love You Chad! Sana naririnig mo ako. I love you so much BABA!
Kinuha ko ulit yung scrapbook namin, namimiss ko na siya eh. Teka, asan na yung scrapbook ko? Andito lang yun sa cabinet ko ah.
Biglang lumakas yung hangin sa bintana. OMG! Chad wag naman! wag mo naman akong takutin!
Nakita ko nalang yung scrapbook ko sa kama ko.
Tumingin ako sa paligid ko, at napasmile na lang ako. Binuksan ko na ang scrapbook ko.
1st page ...
.
.
.
2nd page...
.
.
.
3rd, 4th, 5th page hanggang sa last pinakalast page.
Yun yung picture namin ni Chad na kinakasal kami. Nakangiti siya at ako rin. SObrang saya namin nang araw na yun.
Isasarado ko na sana yung scrapbook, pero teka, meron pang picture sa likod ng last page. Tiningnan ko yun. Nagulat ako sa nakita kong litrato .
Picture naming dalawa ni Chad sa garden sa panaginip ko :)
Real Ending!
BINABASA MO ANG
Here Inside My Heart (One Shot)
RomanceThis is only a one-shot story but I hope you will enjoy it. WARNING: Some parts may cause heartbreaks ^___~ www.facebook.com/lhenzified.stories