Chapter One - Alone

87 1 2
                                    

Chapter One - Alone 

Mag-isang nakaupo si Ramona sa isang sulok na parang tuliro. Iniisip niya ang masasayang sandaling nagdaan kasama ang kanyang mga kaibigan. Kasabay ng pagbabalik-tanaw, ang tanong sa kanyang isipan na mauulit pa ba ang mga iyon. Sa lalim ng kanyang iniisip, hindi niya namalayan na dumating na pala ang kanyang kaibigan, si Junesa.

"Ramona, kanina ka pa ba naghihintay dito? Sorry talaga ha, alam mo na... magtatapos na tayo sa susunod na linggo kaya marami akong inasikaso tungkol dito." 

Ang katawan ni Ramona ay nakapako lang sa upuan ngunit ang kanyang isipan ay tila naglalakbay ng malayo kaya di niya narinig ang kaibigan. Dumating pa ang isa niyang kaibigan, si Leslie, at sinindak siya sa sigaw nito. 

"Hoy!! Ano ba ang nangyayari sayo?! Ba't ba ang lalim ng iniisip mo? Para kang nabagsakan ng langit at lupa sa pinaggagawa mo!" 

Dahil sa malaking bunganga ni Leslie, naputol ang imahinasyon ni Ramona at natauhan siya. "Sorry, nandito na pala kayo! Kanina pa ba kayo? Sorry ha, may iniisip lang talaga ako."

"Friend, ano ba talaga iyon?" tanong ni Junesa. "Napapansin ko na napapadalas ang pagiging tuliro mo. May problema ka ba sa pamilya o di kaya'y sa pag-ibig?" 

Dahil sa kanyang tanong, napangiti si Ramona. "Wala akong problema sa pamilya at lalong-lalo na sa pag-ibig, porket ba malalim ang iniisip, eh problema sa pag-ibig agad?" 

"If thats it, then what are you thinking? We're worried, baka may dinadala ka na di mo kayang pasanin. Remember that, nandito lang ako at si Leslie for you"

"Gusto niyo ba talagang malaman kung bakit ako nagkakaganito?" 

"Wag na, okay na kami." tuksong singit ni Leslie.

"O sige, ganito kasi iyon," patuloy ni Ramona na para bang di naririnig si Leslie.

"Nagkakaganito ako dahil.... dahil magtatapos na tayo sa susunod na linggo" 

Dahil sa kanyang narinig, napatawa ng malakas si Leslie. "Yun lang yun? I don't understand you, ang iba nga dyan hindi makatulog sa sabik na sabik silang magtapos samantalang ikaw diyan ay nagda-drama pa!" 

"Paano ako magiging masaya, maghihiwalay kaya tayo! Mabuti pa kayong dalawa, parehas kayo ng school na papasukan, samantalang ako sa public lang,  lagi pa rin kayong nagkikita pero ako wala ng pag-asa. But just promise me, kahit anong mangyari, huwag niyo akong kalimutan ha." 

"Yan talaga ang ayaw ko sayo, napaka O.A mo!" sabi naman ni Junesa. "Sa school na papasukan lang naman tayo magkaiba but still, our friendship will stay the same, di ba?" 

This Love is ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon