Chapter Two - Terror Teacher and Strange Seatmate

68 2 5
                                    

Chapter Two - Terror Teacher and Strange Seatmate

Dali-daling pumunta ang magkakaibigan sa room ng una nilang klase dahil limang minuto na silang late. May dalawang babae na nasa unahan nila na kumakaripas din sa paglalakad, at halatang-halata na may hinahabol din na klase ang mga ito. 

Napansin nila na papunta rin pala ang dalawa sa parehong room nila kaya sila'y naging kampante dahil hindi lang sila ang late. Ngunit nang nasa pintuan na ang dalawang babae, sinilip muna nila kung sino ang guro dito at tsaka nagpakawala ng mga salitang di' ka-aya-aya.

"Lintek! Si TERRORISTA ang magiging guro natin! Patay na tayo, hindi tayo makakatagal dito!" sabi ng isa.

"Wala na tayong magagawa kundi i'drop ang subject na ito hanggang di' pa huli ang lahat!?" sabi naman ng pangalawa.

Pagkatapos na mag-usap, umalis agad ang dalawang babae. Dahil sa narinig, napalunok si Junesa at Leslie sa takot at nagdadalawang-isip na pumasok pa. "Ayaw ko na rito, uwi na rin tayo", takot na wika ni Junesa.

"Terror pala guro natin, napakamalas naman!" 

"Oo nga!, mas mabuti pang umuwi nalang tayo at matulog nang mahimbing kaysa bangungutin tayo sa classroom na ito!" sang-ayon ni Leslie.

Tinangka na sanang umalis ng dalawa, ngunit pinigilan sila ni Ramona. "Hep! hep! hep! Saan kayo pupunta? Huwag kayong matakot, akong bahala sa inyo. Kung TERRORIST siya, eh COUNTER-TERRORIST naman ako!" 

Hindi nagpakita ng takot si Ramona kaya naging matapang din sina Junesa at Leslie. Nag-stretching muna sila at huminga ng malalim tapos kinatok ang pinto at buong tapang na pumasok sa pangunguna ni Ramona. 

Binati muna nila ang guro tsaka humanap ng mauupuan. Balak sana nilang umupo sa hulihan pero laking-gulat nila, wala ng bakante kaya wala na silang ibang choice kundi umupo sa unahan. 

Dahil dito, napalunok na naman sa takot sina Junesa at Leslie sapagkat uupo sila malapit lang sa guro tapos makakatabi pa nila ang isang misteryosong lalaki na di naman kumikibo. 

Ang lalaking ito'y mataas na mataas ang buhok kaya halos matabunan na ang kanyang buong mukha. Napakatahimik din nito na para bang may sariling mundo at ang nakapagtataka pa sa kanya'y palagi lang nakayuko ang kanyang ulo.

Samantala ang guro naman nila'y napatingin saglit sa kaniyang relo tsaka tumayo at sinirado ang pinto. Mas lalong natakot ang mga estudyante nang makita nilang may pitong lock ang pintuan at sinirado ito lahat ng guro.

Ano ba namang room ito, parang kulungan. Halatang-halata natakot na ang lahat, maging si Ramona na nagtapang-tapang kanina ay nanginginig na sa takot. Ngunit ang misteryosong katabi ng tatlong magkakaibigan ay hindi pa rin kumibo, na para bang wala itong emosyon. 

Pumunta na sa harapan ang guro at tinanong ang mga estudyante. "Class, bago tayo mag-umpisa, sinong nakakakilala sa akin?" kalmadong tanong ng guro taliwas sa inaakala ng lahat.

Dahil walang nakasagot sa simpleng tanong ng guro, nagbago bigla ang modo nito. Sumigaw ito ng malakas sabay hampas ng kanyang kamay sa mesa at inulit ang tanong. "Siiinong nakakakilala sa akin dito?!!" dahil dito, nasindak ang lahat ng estudyante at sa oras na ito kasama na ang lalaking tila walang kibo. 

Mas lalong walang naglakas-loob na sumagot sa guro dahil sa ugali nito kaya uulitin pa sana nito ang kanyang tanong nang biglang sumagot ang weirdong lalaki habang nakayuko pa rin ang ulo. 

"Dr. Ryan T. Dordado", sagot niya. Kahit na malinaw ang pagkakasabi'y nagbibingi-bingian ang guro. "Ano kamo? Ulitin mo nga"

Nairita ang lalaki kaya tumayo ito at dinagdagan ang kanyang sagot. "You're Dr. Ryan T. Dordado, a graduate of A.B. Pol. Sci. in the prestigious university of the Philippines and earned your M.A in History and Master in Public Administration in the same institution. Earned Doctor in Public Administration and Doctor of Philosophy in Educational Management in Harvard University and you're now currently pursuing Law Studies in San Beda College of Law. You've graduated Suma Cumlaude in your Bachelor's Degree and all your research during you're Master's and Doctor's Degree are recognized as the most outstanding and excellent research." 

Dahil sa kakaibang sagot ng lalaki, lahat ng kanyang kaklase, napanganga sa pagkamangha. Tahimik ang lalaking ito, ngunit maraming alam. Matapos niyang sumagot ay umupo agad ito ngunit 'di naman nagpahalatang namangha ang terror na guro bagkus tinanong pa niya ang lalaki. 

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?" 

Dahil 'di siya nagandahan sa tono ng pananalita ng guro, di rin maganda ang sinagot nito ngunit sa pabulong na paraan. "Hindi ko sinasagot ang mga walang kwentang tanong" Narinig ni Ramona ang sagot ng katabi niya; buti nalang di masyadong narinig ng guro ito kaya iniba ni Ramona ang sagot. 

"Sa google daw po niya nalaman 'yon". Di na nagtaka ang guro sa sagot ni Ramona dahil sikat naman daw siya kaya baka may nagsulat ng kanyang "Biography" sa Internet.

Sinimulan na ni Dr. Dordado ang kanyang klase at maihi-ihi talaga ang iba sa takot dahil sa boses at mabangis nitong mukha ngunit nanatili pa ring kalmado ang lalake na tila hindi natitinag sa guro. 

Matapos ang klase, nakahinga ng maluwag ang lahat pero alam nilang sa susunod na meeting ay kalbaryo na naman. Hinintay ni Ramona na lumabas ang lalaki para pasalamatan sa pagsagip niya sa klase kanina.

Lumabas na ang lalaki at nagpakilala si Ramona, "By the way, ako pala si Ramona Dequito. Salamat pala sa pagsagip mo sa amin kanina. Ang talino mo pala!" 

Kahit na pinasalamatan ay hindi pa rin kumibo ang lalaki bagkus dumiretso lang ito sa paglalakad. Sinundan ito ni Ramona para man lang malaman ang pangalan nito. Ngunit hindi pa rin siya pinansin nito at kumaripas pa ito ng lakad kaya't sumuko muna si Ramona sa pagkakataong ito. Bumalik siya sa kanyang mga kaibigan ngunit laking-gulat niya nang makita ang I.D ng misteryosong lalaki sa sahig. 

Mukhang di napansin ng lalaki na nahulog pala ang kanyang I.D at balak sana itong ibalik ni Ramona kaso di na niya ito mahagilap. Tinignan niya ang I.D tsaka napangiti dahil pati rito ay hindi pa rin makita ang mukha ng lalaki dahil sa haba ng kanyang buhok. Dito niya nalaman ang pangalan nito, 

"So, si Jerome Los Baños ka pala" wika niya sarili.

*******************************************************

See you sa "Chapter Three - Enigmatic" 

This Love is ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon