Chapter Five - Transform!
"Dalian natin, mahuhuli na tayo sa presentation!" sabi ni Ramona sa kanyang dalawang kaibigan.
Binilisan nila ang kanilang paglakad para hindi mapagalitan sa terror na guro. Nang papunta na sila sa kanilang Classroom, nagulat sila dahil sa labas ng room, nagkumpulan ang kanilang mga kaklaseng babae na tila mga sardinas. May sinisilip sila sa loob tapos nagtitili na di mo talaga maintindihan.
"Ano pang ginagawa nila diyan, ba't hindi pa sila pumapasok?" tanong naman ni Ramona.
"Oo nga. Ano ba talaga ang nagyayari sa kanila? May artista ba sa loob at naggaganyan sila?" ani ni Junesa.
May sinisilip sa loob ng room ang mga babae at talagang kakaiba ito na tila mahirap ipaliwanag. Dahil na-iintriga sina Junesa at Leslie, nilapitan nila ito tsaka iniwan si Ramona na mag-isa. Nang makalapit na si Junesa at Leslie sa pinto, sumilip sin sila rito at napatili na rin dahil sa kanilang nakita. Di nila mapigilang sumigaw kapag nakasilip na sila sa loob ng room.
Samatala, parang bulkang sasabog na si Dr. Dordado dahil karamihan sa kanyang mga estudyante ay wala pa tapos karamihan pa ay babae. Napatingin siya sa kaniyang relo tapos pumunta sa pintuan at binuksan ito dahil nagbabakasakali siyang may hahabol pa sa kanyang klase. Pagbukas niya, nagulat na lang siya ng bigla siyang madaganan ng kanyang mga babaeng estudyante na nagsisiksikan sa pintuan. Dahil dito, naipit siya sa kanyang mga estudyante na karamihan pa nama'y matataba.
Nakita ni Ramona ang pangyayari kaya kumaripas agad siya ng takbo para tulungan ang guro. Inalalayan niya ito para tumayo dahil alam niya na masakit ang balakang nito. Dahan-dahan niyang inalayan si Dr. Dordado para tumayo nang bigla nalang siyang napalingon sa likod at napatitig sa isang di-pamilyar na tao ngunit maka-anghel ang itsura.
Siya pala ang dahilan kung bakit nagsisiksikan kanina ang kanyang mga kaklase. Naakit din si Ramona, nakalimutan niya na tinutulungan pala niya si Dr. Dordado na nakatayo kaya nabitiwan niya ang kawawang guro. Dahil dito, bumagsak na naman ang guro at halatang mas lalong sumakit ang balakang nito.
Ngunit imbis na tulungan ulit ang guro, di na ito napansin ni Ramona bagkus panay ang titig niya sa lalaki. Makinis na makinis ang mukha at mala-anghel ang kagwapuhan nito. Ang ilong nito'y napakatangos at ang gupit ng kanyang buhok ay bagay na bagay sa kanya. Naputol lang ang kanyang pagkabighani sa lalaki nang malaman niyang nakaupo pala ito sa upuan ni Jerome.
Ang kanyang paghanga ay napalitan ng tanong kaya nilapitan niya ito, "Sino ka ba? Bakit ka nakaupo sa pwesto ni Jerome? Hindi porket maitsura ka ay kaya mo nang tapakan ang iba!" supladang tanong ni Ramona.
Ngunit imbis na sagutin ay hindi kumibo ang lalaki. Tinitigan lang siya nito saglit sa mukha tapos napatingin ulit sa labas ng bintana. Kahawig niya ang supladong ugali ni Jerome pero kailangang malaman niya kung nasaan si Jerome dahil ngayon ang kanilang presentasyon.
BINABASA MO ANG
This Love is Forbidden
Teen FictionA mysterious, weird guy, na walang pakia'alam sa mundo met a girl which is very opposite from him. He was annoyed but later on, he found out that he was changing because of her. But.... will still they have a happy ending? when this Love is Forbidd...