Chapter 4

634 21 1
                                    

     "Princess Jang!" excited na tawag sakin ni Mina.




     "Hi Mina! Anong meron at parang haggard na haggard ka ata? Nagmamadali kaba?" tanong ko.




   "Hindi naman. Diba nga malapit na ang birthday ko? Girl! May birthday gift sakin sila mom at dad!" aniya.




     "Talaga? Anong gift naman yun?"



    "Out of town vacation for 3 days and 2 nights sa Jeju!" D_o Jeju ba kamo?



     "Oy grabe naman yan! Ang saya!" Hindi na ako nakakapunta sa Jeju ever since nung nagcollege ako eh.



     "Kaya nga. Wala na akong party nakatulad ng mga debutant, yun nalang daw. Mas maganda yung ganun. Ang masaya pa dyan, ako na ang bahalang pumili ng gusto kong isama. Pero naisip ko na mas maganda kung tayu-tayo lang. Ako, ikaw, si Sung Cheol, si Kuya and the rest of his friends. Ayos ba?"  aniya.



     "Gusto ko yan kasi kasama si D.O. Pero kailangan bang kasama rin si Sung Cheol?" tanong ko.



   "Ano kaba naman friend, syempre kasama siya. He's OUR friend. Wag mo na nga siyang iwasan, may gusto lang naman siya sayo hindi ba? At ang sabi naman niya last year na gusto niya lang na malaman mo ang nararamdaman niya kasi di niya na kayang itago ito. Humingi ba siya sayo ng kapalit na magustuhan mo rin siya? Di naman diba?" aniya.



    "Hala sige na nga, kung di mo lang birthday sa araw na yun eh. At kung di lang kasama si D.O." bulong ko sa last sentence ko.



     "Yehet! Exciting ito!" nagtatalon siya sa excitement.



     "Hi Mina! Hi Princess! May hindi ba ako nalalaman? Parang ang saya niyo ah." Biglang dumating si Sung Cheol at umakbay sa aming dalawa.



     Di ko pa nababanggit na kaibigan namin ni Mina since last year din, super bait niya at napaka-gentleman. Hanggang sa dumating ang araw na nagtapat siya sa akin na gusto niya raw ako. Kaso nga lang gusting-gusto ko na si D.O. nung mga panahon na iyon, at alam niya yun kaya hindi ako nakasagot. Ang sinabi niya na lang sakin.


"Wag kang mag-alaala, hindi ko naman hinihingi sayo na yun din ang maramdaman mo dahil alam kong nasa KANYA ang puso mo. Ayos lang yun sa akin, basta masaya ka." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

 

 

     Kaya simula nun awkward na ang trato ko sa kanya, nahihiya kasi ako sa pagtanggi ko sa kanya noon.



    "Sung Cheol, may pa-out of town vacation akosaJeju. Birthday gift sa akin yun ng parents ko, at gusto ko andun kayo ni Princess." Ani Mina.



     "Aba masaya yan. Sasama ako diyan. Sino pang kasama natin? When? " excited niyang tanong.



     "Kasama natin sila Kuya and he's friends, at sa Friday na yan."



     "Si D.-O? K-kasama ang kuya mo?" bumaba ang tono ng boses ni Sung Cheol.



     "Oo naman noh. He's my brother. Tsaka treat niya na ang plane natin, sayang din yun. Mas masaya kung sama-sama tayo hindi ba?" aniya.



     "Oo nga naman, Masaya yun kaya sumama ka na." Pagsali ko sa usapan.



     "Okay sige sasama ako." Ani Sung Cheol.



    "So paano uwi na tayo? Kakausapin ko pa sila mommy tungkol sa head count ng registration natin sa Jeju." Ani Mina.



     "Sige tara na. Magsasabi na ako kela Appa dahil hindi na ako makapaghintay!" ako.



     "Princess, ihahatid na kita sa inyo." Alok ni Sung Cheol.



     'Ah-eh, may kotse kasi akong dala ngayon eh. Sorry, next time nalang." pagtanggi ko.



     "Ganun ba? Walang problema, next time nalang." he just smiled.



     "Tara?" pag-akit ko kay Mina.



     "Let's go. Mauuna na kami Sung Cheol. Bye! Sa Friday nalang. I'll just text you about the time." Pagpapaalam ni Mina.



     "Sige ingat kayo. Bye Princess." Aniya.




     "Ingat ka rin." Ang sagot ko kay Sung Cheol sabay ngiti.



———

AN:


Ahem.. malapit na ang 1st moment ng Kyung-Cess :"> wihihihi! Watch out for the next chapter :) Vomment Guys.


Sung Cheol sa MM. Kim MyungSoo of Infinite! He's so adorable!!


-Do Gong Ju

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon