Chapter 19

477 18 0
                                    

     Dali-dali akong pumasok sa hospital kung nasaan daw si Sung Cheol. Pumunta agad ako sa nurse station. "Nasaan ngayon si Lee Sung Cheol?" Tanong ko sa nurse.

     Hinanap agad ng nurse sa listahan kung asan si Sung Cheol ngayon. "Mam, sa operating po." Aniya. "Salamat." Sagot ko at tumungo agad sa operating room.

     "Kayo po ba si Ms. Princess Jang?" Lumapit sa akin ang isang magandang babae na duguan.

     "Ako nga. Ikaw yung kausap ko kanina?

     "Oo ako yun. Ako si Woo Tae Yang. Sunny na lang. Overspeeding siya kaya nawalan ata ng brake. Buti na lang at nakita ko siya kaya inilabas ko siya sasakyan niya at dinala dito.

     "Salamat Sunny. Salamat talaga." she smiled.

     "Princess!" Si Mina kasama ang mga kaibigan namin.

     "Mina!" Di ko na napigilan ang pag-iyak "Kasalanan ko toh. Naaksidente siya dahil sakin. Dapat di na lang ako nagpahatid sa kanya!" Sabi ko.

     "Wag mong sisihin ang sarili mo." Aniya.

     "Aksidente ito kaya wala dapat sisihin. " Ani Kai.

     "Kayo po ba ang mga kasama ng pasyente?" Dumating ang doctor.

     "Kami nga po." Ani Sehun.

     "Stable na ang kalagayan niya. Ang bad news nga lang, he's in state of coma. We have to wait for him to wake up para malaman ang totoo niyang kondisyon." Paliwanag ng doktor.

     "Salamat po doc." sabi ko.

     Dumating ang parents ni Sung Cheol at ipinaliwanag namin ang nangyari. Sabi nila ay hindi ko daw dapat sisihin ang sarili ko sa nangyari. Pero hindi ko maiwasang di sisihin ang sarili ko dahil alam kong may pagkakamali ako. 

Umuwi na muna si Sunny para makapagpahinga. Babalik na lang daw siya bukas para kamustahin si Sung Cheol.

     Andito kami ngayon sa loob ng room ni Sung Cheol. Umuwi muna ang parents ni Sung Cheol para kumuha ng gamit niya. Naiwan ako, si Mina, Kai, Suho, at Luhan sa kwarto.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon