4

48 1 2
                                    

Pag punta namin dun todo turo ako ng kung ano anong pagkain wala eh libre daw edi sulitin ^_^

"Hmm isa nung chococake, tyaka cream-o tyaka malaking chocolate juice tapos 10 na krim stick at dumako tayo dun isa pang burge--"

"Teka teka teka di ba masyado ng marami? ano magiimbak ka ng pagkain sa bag?" reklamo ni angel

"Wala kang pake ^_^ Game isang burger , tapos chicken w/ rice ^_^" sabi ko habang nakangiti sa kanya

"Tapos na? baka meron pa? -.-"

"actually meron pa nga"

"Joyrene!"

"Ahe! Joke lang"

Nag poker face lang sya tyaka binili lahat ng tinuro ko . Wieeeee ang dami ko nanamang pagkain ang saya saya!

Habang kumakain kami biglang nagtilian yung mga babae sa cafeteria kaya napalingon kami pag tingin ko si clauss lang pala -.- makatili tong mga to sarap sungalngalin -___-

"Hi Cous! Hi Joy!" bati ni clauss tyaka tumabi sakin

"Hi" sabi nalang namin ni angel

"Tinitingin tingin mo dyan?" tanong ko, pano naka titig sakin habang kumakain ako

"Wala naman ^_^ " sabi nya tapos tumayo kumuha ata ng pagkain nya

Habang tahimik kaming kumakain na tatlo biglang tumili ulit yun mga babae! deputa kanina pa sila ah nabibingi nako

Di ko na pinansin kung sino yun pero napa tingin ako ng tinawag nila si clauss

"Clauss!" bati nung isa

"Hi pre!" bati naman nung isa

"Oh Shi at Joms bakit kayo nandito?"

"Baket bawal na kami kumain dito?" sabi nung Shi ata yun

"Ah so binabara mo na ko ngayon?" sabi naman ni clauss

"Hehe sabi ko nga joke lang ^_^v"

Nung tapos na silang mag usap umupo si Joms sa tabi ni angel tas sa tabi ni joms si Shi

"Hi my Angel" sabi nung joms kay angel

"Tigil tigilan mo ko joms masasapak talaga kita!"

"Ganyan kana ba talaga angel? ayaw mo naba sakin" sabi nung joms na kunwari malungkot -.-

"Isa pa pepektusan ko yang ngala ngala mo!" sabi ulit ni angel

At nag asaran lang sila ng nag asaran yung Shi naman kung san san umuupo tas nanlalandi ng babae hayss

Nagulat kami ng biglang tumahimik lahat ng tao sa cafeteria as in ang tahimik

"Hey bro" sabi ni clauss kay cloud, oo si cloud ang dumating kaya pala tumahimik sila

"Hey buddy!" si Shi yan na naka akbay pa sa isang babae tss playboy

"Hi pre!" sabi naman nung joms at ni isa sa kanila walang pinansin si cloud -.-

"Hays hanggang kelan ba sya magiging ganyan!" sabi nung joms "Ay teka matanung ko lang sino nga pala tong si Ms. nerdy?" sabi nya

"Sya si Joyrene! Joyrene si Joms" ngumiti nalang ako tas ganun din sya

Nagkwentuhan lang kami at inis na inis ako kay joms kasi kanina pako inaasar ang nerd ko daw kase , tae pake nya ba! pero syempre close na kami nyan tanggap naman nila ko kahit nerd ako pinipilit nga nila akong mag make over daw kaso ayaw ko! ayaw ko na binabago ang nakasanayan ko.

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami sa room at yun nag uwian na! Sabay kami ni angel hanggang gate sasamahan nya daw ako baka daw kasi maligaw ako .

Nang maka uwi nako nagpahinga ako. grabe ang saya first day of school ang saya saya ko ang dami ko na agad friends kahit transferee ako feeling ko tuloy ang tagal ko ng nag aaral dun . At sa kakaisip ko nakatulog nako.

*Kinagabihan*

Nagising ako dahil sa ingay ng bwiset kong kapatid na nanunuod ng T.V sa kwarto ko.

"Hoy panget bakit dito ka nanunuod may tv ka naman sa kwarto mo?"

"Wala lang trip ko lang" sabi nya habang kumakain ng chitchirya at nakatingin sa T.V

Matutulog ulit ako ng bigla kong matandaan na may kailangan pala akong bilhin sa national kaya naman nagbihis nako tyaka pumuntang national nagpahatid nalang ako sa driver namin sabi ko magtataxi nalang ako pauwi para di na sya maghintay .

Pauwi nako ng may makita akong lalaki sa isang bench dun . habang nag aabang ako ng taxi nagulat nalang ako ng may biglang nabasag pag tingin ko yung lalaking naka upo sa bench parang nagwawala kaya lumapit ako

"*sniff* hannah bakit mo ba kasi ako iniwan *sniff kala ko ba walang iwanan *sniff ba-bakit iniwan mo ko *sniff

Pagkarinig ko ng nga yan ngayon alam ko na kung sino sya .

"Clo-Cloud?" tawag ko nanginginig ako kasi baka mamaya sungitan nya nanaman ako

"Oh ikaw pala Ms.clumsy *hik ba-bakit ka nandito?" tanong nya namumula mata nya halatang lasing na lasing na sya

"A-ah wa-wala nagiikot kasi ako" sabi ko

"Ah ga-ganun ba *hik tara upo ka muna dito" sabi nya

"*sniff naramdaman mo na ba kung pano maiwan? *sniff ang sakit sakit halos madurog puso ko nung gawin sakin ni hannah yun *sniff sabi nya di nya daw ako iiwan *sniff tae! ilang taon nakong naghihintay *sniff nawawalan nako ng pag asa na babalik pa sya *sniff haha ito oh *sabay pakita nya ng singsing* dahil dito kaya hanggang ngayon umaasa pa din ako na tutuparin nya yung mga sinabi nya na ikakasal pa kami at mag kaka-anak*sniff mahal na mahal ko talaga sya" yan ang napakahaba nyang speech na di ko akalaing masasabi ng isang CLOUD KIM grabe matagal na pala syang may mabigat na pinagdaanan at hinanakit sa puso nya

"Krrrrr Krrrrr" napa face palm nalang ako ng narinig ko yan . deputang to kanina lang nagdradrama ngayun tulog na

Tinawagan ko nalang si Angel na sunduin yung bwiset nyang pinsan sa likod ng mall

*Kinabukasan

"Ate! gising na!" sigaw ni wendy habang tumatalon sa kama ko

"Oo na 5mins pa!"

ng biglang ...

"Waaaaaaaaaaaaah! LANGYA KA WENDY PATAY KA TALAGA SAKIN!" pano ba naman tinapunan ako ng ipis sa kama waah kadiri talaga huhu

Naligo nako tyaka pumasok ng hindi pinapansin si wendy tss. naiinis ako tuwing naaalala ko yung nangyari kanina eww!

"Anyare sa feslak mo?" sabi ni angel nasa corridor kasi kami wala pa namang teacher

"Bwiset kasi yung kapatid ko eh tinapunan ako ng ipis sa kama"

"Pfft-Ahahahahahahahahaha jongina takot ka sa ipis? Ahahahahahaha"

"Tawa pa! ang saya no?" sarcastic kong tanong

"Ahahhaha sorry na kasi eh Ahaha ayoko na nga" sabi nya pero halata namang natatawa parin sya, dumating na teacher nila kaya pumasok na ko sa loob

Pag pasok ko nakita ko si Cloud hmmm mapagtripan nga >:) humawak ako ng libro at nagkunwaring nagbabasa

"Hannah huhu bakit mo ba kasi ako iniwan huhu kala ko ba walang iwanan huhu" sabi ko na kunwari umiiyak, unti unti akong lumingon kay cloud at nanlaki yung mata ko nung ang sama ng tingin nya sakin

"Hihi hi cloud!" sabi ko pero nagulat ako nung bigla nya kong hilahin at kaladkarin papuntang field

------

(A/N) Hi :) sorry late ud ^_^ busy kasi ako sa school at di maka pag isip ng maayos baka ano pa masulat ko dito so yun :)

The Campus TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon