8

29 0 0
                                    

Natapos ang kainan session namin at bumalik na kami sa room,  sakto naman at dumating na ang prof namin.

"Oh joyrene mukang ready kana para sa Ms. And Mr. Paradise ah?"- tanong ni Mrs.Cuchapin

Napatungo nalang ako sa hiya kasi lahat ng classmate ko nakatingin sakin, lalo na si clauss at cloud, tapos tumatawa pa si joms. Arrghhh! Feeling ko ang panget panget ko.

"Hoy girl! Ano ba? Chin up! Maganda ka kaya nga napansin na agad ni Mam eh" sabi ni angel tyaka inangat ang ulo ko.

Nag discuss lang ang prof namin at nag pa quiz.

Discuss

Discuss

Quiz

Dismiss.

"Hay salamat makakauwi nadin" sigaw ni joms habang kinukuha ang bag niya.

"Tara joyrene shopping?" Sabi ni angel at nakatingin sakin na ngiting tagumpay.

"Sama ko!" Sigaw ni joms na parang bata na nagtatatalon.

"Wag kana" sabi ko naman at umirap.

"Can I come?" Tanong ni clauss at napalingon naman kami sa kanya.

"Wow pre kailan kapa natutong mag shopping? Hahahahaha" pang aasar ni joms sa kanya.

Umalis kaming apat nila Joms, Angel, Clauss at ako at dumiretso sa malapit na mall.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng tumabi sakin si clauss at bigla akong kinausap

"Joyrene you look pretty today" sabi niya habang nakangiti na siyang ikinagulat ko. Shete! Ang pogi niya. Nag thanks lang ako at tumungo ulit. Naghanap at bumili lang kami ni damit ni angel at si joms at clauss naman nakabantay lang samin.

"Angeeeeeeeeeel, ang tagal nyo naman gutom nako" sabi ni Joms at biglang ngumuso.

"Sino ba nagsabing sumama ka?" Pagtataray naman ni angel. Lalong naging malungkot ang muka ni Joms at matyagang hinintay kami habang si clauss eh nakatayo lang at naka earphones na nakasunod sa likod ko

"Sis tignan mo oh! Ang pogi niya" rinig kong sabi ng isang sales lady habang nakatingin kay clauss

"Oo nga eh, single kaya siya hihihi" sagot naman ng kasama niya.

"Hey babe, you're not done yet? Gutom na ko babe" sabi ni clauss sakin at biglang umakbay.

"Ay may girlfriend na ano bayan!"

"Kaya nga eh, pero bagay naman sila bayaan muna"

Para akong na freeze sa kinatatayuan ko, di ako maka galaw. Babe? Wtf! Nakagalaw lang ako ng kalabitin ako ni angel. Di na pala naka akbay si clauss sakin pero parang pabalik balik sa utak ko yung sinabi niya.

Natapos na ang pag shopping kaya naman naisip na naming kumain.

"Sorry sa kanina ha? Harot kasi ng mga sales lady eh" sabi ni clauss at saka ngumiti

"A-ah okay lang hehe" sabi ko tyaka ngumiti din sa kanya.

"By the way, anong talent gagawin natin sa contest? Any idea?" Tanong ni clauss habang hinihintay namin yung order.

"Oo nga, habang maaga pa dapat handa na kayo, magsisimula na ang practice nyo bukas, sure akong magiging busy kayo" sabat naman ni angel

"Hmm, clauss m-marunong k-kaba mag gitara?" Nakatungong tanong ko.

"Yes, oh! Hahaha kakanta ka?" Natatawang sabi ni clauss

"Oo sana eh hehe" sagot ko at dumating na ang order namin.

"Sure practice na tayo bukas" sabi nya at nag simula na kaming kumain, pag tapos namin kumain hinatid na ko ni angel sa bahay at umuwi rin agad. Ayaw nya na magpakita sa kapatid ko at sure ayaw nanaman siya pauwiin.

Habang nag gigitara ako may biglang nang pop up sa cp ko.

Twitter:
@Masayarene Thanks for tonight 😊

Nagulat ako at napatayo sa tweet niya. Pano nya nalaman twitter ko? Myghad! Kung ano ano pa naman pinag t-tweet ko huhuhu!

Reply: @Clausskim paano? Saan? At kanino? Mo nalaman twitter ko?

Pag ka send ko ng tweet ko agad kong binura mga tweet ko, shete nakakahiya puro kabaliwan laman ng twitter ko eh.

Twitter:
@Masayarene secret haha. By the way, too late to delete your tweet. Nabasa ko na lahat :)

Para kong nabuhusan ng malamig na tubig, para kong na freeze nabitawan ko cp ko at napahiga nalang ako sa kama ko. Pinikit ko nalang mata ko at tumili kaya naman agad na umakyat si mommy.

"Hey joyrene what happen to you?" Tanong ni mommy na may dalang ballpen na halata mong galing sa workroom nya

"Wala mommy hehe balik kana po sa room mo" sabi ko at pilit na ngumiti

"Are you sure?" Tanong nya pa ulit

"Yes mom, im fine" sagot ko

Humiga nalang ako at pinilit matulog.

*KINABUKASAN*

Naglalakad ako sa hallway ng bigla kong nakita si cloud.

"Hoy ulap" tawag ko sa kanya at binilisan ang lakad ko. Di siya lumingon kaya naman tinawag ko ulit siya.

"ULAP!!" Sigaw ko pero wa epek! Kaya tumakbo nako at hinawakan bag niya. Lumingon siya pero naka poker face.

"What?" Tanong niya pero walang emosyon ang muka niya.

"Kanina pa kita tinatawag di ka manlang lumingon!" Sigaw ko habang naghahabol ng hininga.

"Because my name is cloud not ulap" sabi nya at tumuloy na sa paglalakad.

"Arte mo tinagalog ko lang naman" sabi ko tyaka umirap sa kanya.

"Cloud lang kasi di pa masabi. Tss." Sabi niya at sinuot earphones nya. Psh sungit.

------------------*------------------*----------------*--------------*

Hanggang dito muna next week ulit 😂

The Campus TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon