"Mlrr....Mlrr....Mlrr" Kumakanta ako habang nag to-toothbruth, nag-iisip din kung anong mangyayari saakin sa paaralan, magiging top ba ako as usual? Hay ewan ko...
Nag vibrate ang cellphone nang malakas sa lamesa kaya napansin ito ni mama,kinuha niya ito at nag-salita "Anak may message ka yata.." sabi ni mama,hindi ako tumingin at nag-salita.
"Uhmm... Ma paki basa nalang" Sagot ko, sa oras na yun parang wala ako sa sarili ko tamad lang talaga akong mag basa kung sino man ang nag text sa akin.
"Galing kay...uhmm..sino ba to?...kay Za....k?" Nanlaki ang mga mata ko, kay Zach?? As in kay Zach??
Zach=
-gwapo-hearthrob
-mabait
-mayaman
-matalino
-kabarkada ko
-At...crush ko since first year highschool
Nasira lang ang pagiging barkada namin dahil nalaman niya na crush ko siya..biggest crush or first crush,hay ewan ko ba.
"Ma ok, wag mo nalang basahin kase uhmm..kaibigan ko lang yan, na-ngungulit nanaman siguro sa uhh...sa-sa akin about lang siguro yan sa damit na gusto niyang bilhin ma kaya pls wag mo nalang basahin"Sabi ko agad,hayss... Ang hirap mag sinungaling ano ba naman yan.
"Ahh sige iiwan ko nalang ito sa lamesa at ikaw na bahala sa bahay kase may pupuntahan pa ako" Sabi niya at iniwan agad ako.
Habang hawak ko ang toothbrush ko at bumubula pa ang bibig, tinignan ko agad ang pinto na isasara na ni mama, nang tuluyan na siyang nawala dali-dali kong tinapos ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa lamesa na di gaanong malayo.
Nang hindi ko namalayang may basahan pala sa sahig kaya dahilan para madulas ako sa sahig
"AHH-RAYY!!!" sigaw ko pero hindi masyadong malakas para marinig ng mga kapit bahay, tumayo ako ng dahan dahan na para bang pilay.
Kahit masakit na ang pwet ko at katawan..pero mas masakit talaga ang pwet hehe, kinuha ko ang cellphone at nakita ang text ni crush, wait ano?? Erase erase erase! Hindi ko na siya crush ok? Pero kahit papano parang wala lang sa kaniya nang malaman niyang crush ko siya.
1 text message
From : Zach👊
Nakita ko sa screen ang pangalan niya kaya ako naman,ngumiti hanggang mata.
Zach👊 : Uyy shan! Kamusta kana? Miss ka na ng barkada😉
Miss din kita...Ha?! Ano ba naman yan shan shan! Nakakainis kana, barkada mo lang siya puppy love i mean crush mo lang siya, wala nang iba at wala na, friends lang kayo na friendzone kalang... dun lang...
You : K lang...ikaw? Hehe miss ko narin sila, ba't ka nga pala napatawag??
Zach 👊: Ako? Ok naman as usual pogi parin hehe ang rason talaga sa pag text ko sayo is Uhmm...pwede ba tayong mag-meet?? I mean kung libre ka
What??! Totoo ba to? Cool lang shan, baka gusto kalang talaga niyang makita ulit duhh ang extra mo talaga, pero wait date ba to? Yiieee...ha?? Hay nako wait lang shan mag-tanong muna tayo.
You : Tayo'ng dalawa lang ba??
Wait lang ok wait kalang kase kung kami lang dalawa, baka friendly date? Wait hindi mag-kikita lang kayo period. After 50 sec. Hindi siya nag-reply kaya nakalimutan ko'ng may pasok pala ako.
BINABASA MO ANG
Notice Me Mr. Crush (NMMC)
Teen Fiction[Highest rank #1 in she's dating the gaster] Would you still risk your heart kahit alam mong Hindi ikaw Yung gusto? Tataya ka parin ba sa pagmamahal na Hinding Hindi Naman magiging sayo? A bad bully that you hated so much turns out to be the one who...