Shan's POV,
"Kailangan ko ba talagang suotin yan? Parang kita na yata pati kaluluwa ko niyan" Sabi ko kay range na pinapakita ang isang mint green floral dress na napaka ikli at bukas na bukas ang likod
"Well,you have to look presentable"Sagot naman niya,andito kami ngayon sa mall,ewan ko ba sa butiking to at sinabi saaking mamamasyal daw kami,mas daig niya pa ang mga babae hayysss
"Presentable? Pero parang pupunta ako sa bar??"
"just wear it!" Sabi niya sabay hagis saakin ang damit at sinenyasan ang isang babaeng nagta-trabaho
"This way ma'am" Sabi ng babaeng naka takong at puting puti ang mukha
Tinignan ko siya at sinundan
Pumasok na ako sa fitting room "woahhh" napa hanga ako sa ganda nito "mas maganda pa yata to kesa sa kwarto ko"
Sinuot ko na ang damit "kasyang kasyang..." Tumingin ako sa napaka laking salamin, kasyang kasya ang damit,parang ginawa para saakin
Lumabas ako sa fitting room at nakita si Range na tumitingin ng mga sandals
"Range" tawag ko sakaniya na hindi parin umaalis sa kinatatayuan ko "Range!" Hindi niya parin ako narinig
"Huyy range!" Finally... Tumingin siya sa akin
Range's POV,
Habang naghihintay tumitingin muna ako sa mga sandals,all of them are nice but not of them can suit her,i crossed my arms while looking
Miss wala na ba kayong iba nito?
"Wala na po sir ehhh""Huyy Range!" Napatingin ako sa aking likuran
It was.....her
She was more different than i imagined
Seeing this stubborn girl in a beautiful dress felt like another girl in disguise
Those cat-liked eyes and those soft full lips
Her long hair and her sweet smile,who is this girl I'm looking at right now?
Shan's POV,
"ang ganda mo" nung sinabi niya yun...tumibok bigla ang puso ko ng mabilis,siguro dahil first time ko siyang narinig na nagcompliment saakin o sadyang mamamatay na ako soon
Pumunta siya saakin at inoffer ang kaniyang kamay,kinuha ko ito at hindi inakalang inikot niya ako para obserbahan ang damit sa aking katawan
Hininto niya ang pagikot nang nagsalubong n aang dalawa naming mga mata,kinuha niya ang kaniyang kamay at nilagay ito sa bulsa
"That dress is perfect for you,only...if you'll have the sandal that matches it"
Nagtataka na talaga ako kay range...ano ba siya? Bakla? O yung mga bading na nag dedesign ng mga damit para ipangrampa ng mga models??
"Miss" tawag niya sa babae "yes sir?" Dali-daling pumunta ang babae sakaniya
Actually kami lang ang costumer nila,siguro dahil ang mahal mahal ng mga gamit dito
"Give me the most expensive pair you have"
"Right away sir" Sabi ng babae at nagmamadaling umalis
Napanganga ako sa sinabi ni range tinignan niya ako at binigyan ng anong-meron-sa-muka-mo na mukha
"Bakit?" Tanong niya
"Pambihira ka,kailangan talaga pinakamahal?"
"Why?,i said you must look presentable"
BINABASA MO ANG
Notice Me Mr. Crush (NMMC)
Novela Juvenil[Highest rank #1 in she's dating the gaster] Would you still risk your heart kahit alam mong Hindi ikaw Yung gusto? Tataya ka parin ba sa pagmamahal na Hinding Hindi Naman magiging sayo? A bad bully that you hated so much turns out to be the one who...