Moly's been checking the rear-view mirror the nth times.
"Final na decision ko ate." Hanggang ngayon kinukulit ka parin nilang mag-beach kasi bakasyon na pero mas pinili mong umattend ng summer school.
"Hindi ka ba nag-seselos sa mga classmates mo? Siguradong nag-out of the country pa ang mga yun" sabi ni Moly sabay iling habang nag-mamaneho. Silang dalawa ni Sara ang nag-hatid sa'yo. "At hindi ka namin sinabihang mag-summer school" dagdag ni Sara.
Nag-out of the country na kayong apat last year kasi gustong mag-bakasyon ni Yona at plano niyong pumunta sa isang white beach. Excited ka dahil ilang years na rin mula nung huling punta niyo sa beach, buhay pa nun parents niyo. Pero pagdating dun tinamaan ng monsoon ang Vietnam ng isang linggo, wala kang ginawa kundi ang humilata lang sa hotel room. Kaya kinaladkad ka literally nina Moly at Sara sa mall para mag-enjoy. *Tsk! Sila lang nag-enjoy mag-shopping
"Ate.."
"-oh please Hana! No more redundant reasons. Ang KJ mo kahit kailan."
Ikaw ang bunso kaya ikaw dapat ang wildest one sabi nila. Ikaw dapat yung mag demand sa mga vacations pero ikaw yung opposite. Minsan nga suko na sila sa'yo.
Nakikinig ka lang sa kanila habang nag-uusap sa newest fashion trend ngayon, na realized mong hindi ka updated dahil hindi mo alam yung term nilang 'street chic utilitarianism'. *Anong klaseng organism yun?
--------------------------------------------------------------
"Tawagan or itext mo kami pagkatapos ng klase"
"Hindi ba pwedeng mag-commute ako pauwi ate?" tanong mo pero nag-sisi ka dahil tiningnan ka nila ng masama.
Sinapak mo sarili mo mentally kung bakit mo pa yun tinanong kahit alam mo na ang sagot. Tumawa ka lang in an awkward way.
"I'll be here by 5pm Hana. And don't you dare....." warning ni Moly *gulp*
Naalala mo nung isang beses naisipan mong mag-commute pauwi para lang maiba. Alam mong mapapagalitan ka pero ikaw si Hana Park eh, matigas ulo mo. Gusto mo lang ma-experience ano ang pakiramdam sumakay ng public transportation dahil mula grade school hanggang ngayon hatid-sundo ka ng mga kapatid mo.
Senior High kana nun, suspended ang afternoon classes niyo dahil may emergency meeting ang mga teachers, absent naman ng araw na yun bestfriend mo kaya walang sumaway sa'yo.
First time mo sa train station, namamangha ka sa lahat; tunog ng mga tren, mga taong busy sa mga ginagawa nila at kung anu-ano pa. Kahit yata amoy nga kapaligiran namangha ka. Bumili ka ng ticket at nag-hintay ng tren. Kokonti lang ang mga commuters ng mga oras na yun dahil hindi naman rush hour. Maya-maya lang dumating na tren at sumakay ka. Hindi naman mapanganib gaya ng sinasabi ng mga kapatid mo. Nag-eenjoy ka ngang tingnan ang mga pasaherong nag-kwekwentuhan, nag-tatawanan at kung anu-ano pa. Maya-maya pa biglang bumigat ang mga mata mo, may apat na stations pa naman bago ka bumaba, di naman siguro krimen kung umidlip saglit.
Tatlong tapik sa balikat ang pumukaw sa'yo. Umunat ka pa dahil ang sarap ng tulog mo. Nakita mo ang isang babaeng naka-uniform at sinabing nasa last stop ka na at kailangan mong bumaba. Your eyes rounded in shocked at agad kang napalabas ng tren.
Time checked: 7:30PM
Phone checked: 35 missed calls, 22 messages.
YOU ARE READING
Hommes At Your Service
FanfictionLiving with men give you headaches! NOTE: THIS WAS LIVING WITH 5 BOYS. I DECIDED TO CHANGED THE TITLE BUT WITH SAME PLOT AND CHARACTERS. Hope you will enjoy your highness~