"Bilis na Meilleur Ami!"
Napansin niyang nakatitig sa sa isang picture ng Eifel Tower
"Meilleur Ami? Okay ka lang?" tanong niya nang hawakan balikat mo.
"Tinitingnan ko lang itong Eifel Tower, ang ganda pala. Tapos ka na? Tara!"
Pero alam ni Arissa na hindi yun ang dahilan kung ba't napatitig ka sa picture.
Aalis sina Yona, Sara at Moly papuntang London dahil sa kompanya, matagal mo ng alam yun pero ngayong papalapit na ang pag-alis nila hindi mo maiswasang malungkot. Eto ang unang pagkakataong malalayo sila ng matagal sa'yo. Yes, video call is an easy access pero ang makausap sila ng personal ay special.
Pero kailangan nilang umalis.
Bago ka pa maging emotional, dinala ka ni Arissa sa paborito niyong snack bar. Natural na ang pagkakaroon mo ng sweet tooth kaya nga nag-aral din ng pastry si Sara para sa'yo. Pagkatapos niyong umorder umupo kayo sa good-for-two table malapit sa glass window kung saan nakikita niyo ang mga dumadaang tao. Kinwento niyang uuwi ang kakambal niya, pero magbabakasyon lang ito at babalik din agad. Yun pala rason niya kung ba't pupunta siya ng Europe, to visit her twin. Close ang magkapatid kaya medyo nakaka-konsensya rin na ikaw ang dahilan kung ba't di siya tumuloy.
Pagkatapos niyong kumain, nag-decide si Arissa na bumili ng sapatos. "Pero ang dami mo ng sapatos Arri. Diba kakabili mo lang last 2 weeks ago?". Sinabi niyang hindi naman sapatos binili niya nung nakaraan kundi stilettoes *pareho lang yun sinusuot sa paa and having a nice shoes is a must for a woman. *Ibig sabihin..hindi ako babae? Kokonti lang pairs of shoes mo, well mostly are sneakers. Nanghihiram ka lang kay Moly ng heels.
Busy si Arissa kaka-fit ng mga sapatos nang maisipan mong tumawag kay Sara. "Ate.."
"Hana? Ba't ka tumawag? Wala ka bang klase ngayon?" Teka. Chineck mo ulit ang contact name baka namali ka ng tinawagan, pero it's Ate Sara. Bakit si Moly ang sumagot?
"Ate Moly? Ba't ikaw ang sumagot? Nasan si ate Sara" Tanong mo. "B-busy si ate Sara. May kausap. " Moly stutters sa kabilang linya. May ibang boses kang narinig.
"Nasaan kayo ate? Ba't may naririnig akong ibang boses? Sino yun?" may iba kang nararamdaman. Hindi nabubulol si Moly at may naririnig kang ibang boses. "Diba sabi ko may kausap si ate Sara, tsaka ba't ka nga tumawag?"
"Maaga kasing natapos klase namin ngayon, at kasama ko si Arri. Baka ihatid na niya ako pauwi ate." Nag-agree agad si ate Moly saka binaba ang phone.
That's strange.
Ang nakakapagtaka ay yung narinig mo bago binaba ni Moly ang phone, very clear kasi ang pagkakasabi.
'Wag kayong mag-alala. Sumusunod sila sa utos.'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng 48 years na shopping ni Arissa, hinatid ka na niya pauwi. Ito ang isa sa mga kinaiingitan mo kanya; driving on her own. Marunong kang magmaneho, tinuruan ka ng uncle mo and you're ready to have your license pero ayaw ng mga kapatid mo not until you graduated college gaya ng ginawa ng parents niyo sa kanila.
"Nagpapasalamat talaga ako sa mommy mo" sabi mo sabay unlocked ng seatbelt.
"Bakit? Kasi ipinanganak niya ang kagaya ko na bestfriend mo?" she was blinking her eyes like a puppy. "Tss. Hindi"
"Kasi timing ang tawag niya". Bibili pa sana si Arissa ng mga damit buti na lang tumawag mommy niya at pinapauwi siya dahil may bisita raw na darating. You mentally thanked the angels na nakarinig sa hinaing mo, kanina pa kasi sumasakit binti mo kakalakad. Arissa is a big spender sa fashion kaya nga match sila ni Moly.
YOU ARE READING
Hommes At Your Service
FanfictionLiving with men give you headaches! NOTE: THIS WAS LIVING WITH 5 BOYS. I DECIDED TO CHANGED THE TITLE BUT WITH SAME PLOT AND CHARACTERS. Hope you will enjoy your highness~