Walang tigil ang pagpatak ng ulan at malas mo dahil may pasok ka kahit signal number 3 na ang bagyo. Waterproof daw kasi ang mga estudyante sa college, biro sa klase niyo kanina pagkatapos pumasok ng barkada mong nagmukhang sisiw pa rin kahit may suot na kapote. Ayaw mo na sanag pumasok dahil nakakatamad ang panahon pero roommate mo ang magaling mong kapatid na wala nang ginawa kung hindi itawag sa mga magulang mong nasa probinsya ang bawat galaw mo.
Naglalakad ka papunta sa sakayan ng jeep habang yakap-yakap ang bag mong may butas na may lamang mga readings at notebook na hindi pwedeng mabasa dahil may long quiz ka bukas sa lintik mong prof. na panot na malamang ay nagmemenopause at hindi ka pa nag-aral.
Napatakbo ka ng biglang lumakas ang ulan dahil wala ka ngang payong, tinatamad kang bumili dahil kukulangin ka sa allowance at naisip mo na mawawala mo lang na naman. Ayaw mo din naming sumilong at makipagsiksikan sa kakarampot na biyayang dulot ng yero sa may kanto. Tatakbuhin mo nalang kesa naman gabihin ka pa. Magdodota ka pa sa bahay mamaya, makikipagsabayan sa mga manliligaw mong lalaki. Ilalampaso sila isa-isa.
Alam mong malapit ka na kaya ayaw mong tumigil kahit nanginginig ka na sa lamig. Di ka na rin nag-iisip kaya sugod ka lang ng sugod, parang tanga. Tutal tatawid ka nalang naman at sakayan mo na.
Sa kung ano mang katangahan at kamalasan mo, bigla kang nadulas sa gitna ng daan na tinatawiran mo. Tumilapon ang iyong mga gamit at napahiga ka sa basang daan. Wala man lang tumulong sa’yo.
Babangon ka na sana at tatakbo ulit iwan ang bag mong pwede nang mapiga nang nakita mong may paparating na nagraragasang bus, na nagraragasang mga bus pala.
Hindi ka na nakagalaw.
Patay.
![](https://img.wattpad.com/cover/1996762-288-k955652.jpg)