3 out of 100: Halik ng Bampira

746 2 0
                                    

Dahan-dahan mong tinatanggal ang bawat saplot ng kanyang kasuotan. Simula sa mga damit na nasa pinakatuktok niya hanggang dalawang piraso nalang ang naiwan. Napangiti ka sa ganda niya, ngumiti siya sa’yo at tinanong kung bakit. Umiling ka lang dahil nahihiya kang sabihin na nakakaiyak ang kanyang ganda, naisip mo na baka tawanan ka lang niya kahit seryoso ka naman. Di mo mapigilang maisip na ang swerte mo sa kanya. Hinaplos mo ang kanyang buhok na kasing itim ng gabing walang mga bituin.

Pagkatapos ng ilang segundong titigan, hinalikan ka niya. Noong una ayaw mo pang maniwala pero oo, siya ang humalik sa’yo. Hinalikan mo rin siya sabay hawak sa pisngi niya, hinawakan mo rin ang bewang niya sa kabila mong kamay.

At tuluyan ka na niyang niyakap.

Ang usapan niyo ay bibisita ka lang sa bahay niya para tulungan siyang mag-review para sa nalalapit niyong finals. Hindi naman kasi talaga kayo, ni hindi ka nga niya siguro mapapansin kung nagkataon lang bobo ka at halatang walang gusto sa kanya. Pasalamat ka nalang na nagkataong matalino ang mga magulang mo kaya matalino ka rin. Pasalamat ka na nahuhuli ka niyang nakatingin sa kanya sampung beses sa isang araw, pasalamat ka at alam niyang may gusto ka sa kanya.

Pagkatapos ng halos dalawang oras niyong pagrereview ng Math, tinanong ka niya kung gusto mo ng maiinom. Sabi mo okay ka na sa juice. Tumawa siya, Tanduay Ice pala tinutukoy niya. Tumango ka nalang kahit ayaw mong umiinom ng may alcohol. Hindi ka kasi sanay sa lasa, hindi ka kasi umiinom.

Sinimulan niyo sa tig-isang bote, hanggang naging dalawa na, tatlo, apat, hanggang namalayan mo nalang na naglalandian na kayo at ngayon naghahalikan. Tinanong mo kung titigil ka ba, umiling lang siya sabay hila sa’yo pahiga sa kama niyang kulay pink. Tinanong mo pa rin, kahit alam mong ayaw mo rin naming tumigil. Naisip mo na saying ang pagkakataon.

Pagkatapos nang matagal na halikan at yakapan, dahan-dahan mo na siyang hinubaran ng tuluyan. Nakatitig lang siya sa’yo habang ginagawa mo yun, nakangiti ang mga labi. At nang matapos ka ay tinanggal mo na rin ang natitira mong suot. Halata naming handa ka na, kanina pa.

Pero napatigil ka at napatitig sa kanya.

Tinanong niya kung may problema ba, sabi mo iniisip mo kung ayos lang ba talaga sa kanya ‘tong ginagawa nila. Alam niyang may boyfriend siya. Napailing lang siya at napatawa ng mahina, kinuha niya ang iyong kamay at ipinatong sa gitna ng kanyang hita.

Oo naman siguro ang ibig sabihin nun, naisip mo.

Unti-unti ka nang pumatong sa kanyang katawan. Hinalikan mo na muna siya at tumugon naman ito. Nilakbay ng dalawa mong kamay ang kanyang mala-porselanang kutis. Ngunit bago mo pa man maipasok, nakagat ka na niya sa may leeg. Sinubukan mong tumakbo pero huli na ang lahat.

Bumagsak ka sa sahig, hubad at duguan.

Patay.

100 Daang Kwento ng KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon