20 facts 'bout me (I Got Tagged)

161 9 5
                                    

I was tagged by my cutie bestfriend (@-unblissful). Hmm basta sabi 20 fact about me daw. Uki? Uki. And by the way, binabalaan kita. May kahabaan ito. Ayun lang. *le fly

20 Facts About Me:

1. Nang dahil sa wattpad naging book lover ako. 12 years old ako nung nagsimulang magbasa dito. Grateful ako sa schoolmate ko nagpakilala sa akin nitong site na 'to. Dati mabagal ako magbasa ng filipino, pautal-utal. Ganon. Tapos dahil sa wattpad, bumilis ako magbasa, marami akong nalamang tagalog words, mas nagets ko nag english(lol) atsaka lumawak ang imagination ko. Hindi lang wattpad binabasa ko ngayon, nagbabasa na rin ako ng english novels. Yay.

2. Bayolente ako dati. Yeah, bully rin ako. Kapag galit ako kailangan masaktan ko yung taong kinaiinisan/kinagagalitan(?) ko para mawala galit ko. 

3. Sabi ng mga kaibigan ko, "magmature ka na" so naisip ko minsan kung immature ba ako? Alam kong childish ako kasi minsan nagtatantrums pa ako. Pero ang gulo, kapag nag-aadvice ako sakanila, sasabihin nila sa akin, "Nagmature ka na". Hays, gulo niyo friends. (Gets niyo ba? Hahaha)

4. Isa akong hopeless romantic kahit na wala akong lovelife o crush ngayon. Yes wala akong crush in real life. Ang crush ko kasi it's either artista, model or singer. Pero sana makilala ko yung lalaking magpapasaya sa akin. Soon. Kapag kacollege. Busy pa ako ngayon, e. Ang gulo kasi ng curriculum ng K2-12.

5. Marami akong insecurities sa katawan. Mataba kasi ako. So, naranasan ko ng mabully dahil sa apperance ko. Sinasabihan nila ako, "mataba", "baboy", "balyena", "pangit" at "kadiri". Pero hindi ako nagpatinag! Nagpapayat ako pero onti lang pinayat ko. :( :( :( Pero atleast! May konting curves ako at hindi siopao ang mukha ko. Naiinsecure ako sa binti ko, malaki kasi. :(

6. Hindi ako mabubuhay ng walang kaibigan. Kahit na sila minsan ang dahil ng pagiging depress ko. Mahal ko mga kaibigan ko. Kahit na minsan ayaw ni mama sakanila kasi umuuwi ako ng gabi kasi nasosobrahan ang kwentuhan.

7. Maraming nagtataka tungkol sa pangalan kong Tam. Unique 'no? Hindi ko nga nakita name ko sa listahan ng names sa coke e. Well, ganito kasi yan. Name yan ng dad ko na si Torres, name ng ate kong si Angel at name ni madam(madam tawag namin kay mama) na si Margelyn. Puro first letter nila tapos nabuo na yung Tam.

8. Palayaw ko dito sa bahay sa "Cute". Hahahah no kidding. Si kuya kasi nagpasimuno non. Nung pinanganak ako, nakita niya na ako tapos sabi niya ang cute ko naman daw at ang liit. Cute nalang daw itawag sa akin. Pero ngayon, sana pretty nalang palayaw ko. Iyaq bakit cute lang? 

9. Never pa ako nagkaboyfriend na for real. Sa net oo pero yung nakikita ko sa araw-araw, yung niligawan ako. Never. NBSB ako. Well hindi ko kinoconsider yung naging boyfriend ko sa net as totoong boyfriend. Hindi naniniwala mga kaibigan ko na wala pa akong naging boyfriend. Akala nila tinatago ko sakanila na may boyfriend ako. Kahit yung mga lalaki kong kaibigan, akala nila nagkaboyfriend na ako. Ni manliligaw nga, wala. Boyfriend pa kaya?

10. Madaldal ako. Nuff said.

11. 16 na ako. Pero mukha daw akong 18 years old. Lagi akong napapagkakamalang college student. Kaasar!

12. Pangarap kong magkaroon ng Ipad or Iphone. Puro kasi ako Samsung. Hays, pero soon magkakaroon din ako. Itaga 'yan sa bato!

13. Marami akong dream school. Kung pwede nga lang tatlong beses magcollege, gagawin ko kaso hindi kakayanin. Ang tanda ko na non. Punyentang K2-12!(Joke) Dream schools ko: UST, Benilde at XU! Gusto ko rin sa UP atsaka Ateneo. Ang hirap pumili ng school, ang dami kong gusto hahaha!

14. I used to be a Selfie Lord. Yup. Selfie lord, gandang ganda kasi ako sa sarili ko kaya ang hilig ko magselfie. Medyo iniwasan ko na ang pagseselfie ngayon, baka kasi asarin na naman akong Selfie Lord ng mga kaibigan at kaklase ko.

15. Gusto ko maging YFC member. Youth For Christ.

16. Kuripot ako. Sobra. Mabilis din ako mag-ipon. Hehehe. Dahil doon napag-aakala ng mga kaklase ko na marami akong pera, pero sa totoo wala. Yung ipon ko napupunta sa libro. Hilig ko bumili ng libro.

17. Marami akong tigyawat. Puyat kasi ako palagi. Bangag din kung minsan.

18. Kpopper din ako.

19. Makapag may shinip ako, hard core.

20. Isa akong demigod, anak ako ni Mommy Aphrodite. My mom was the goddess of love and beauty. Kaya maganda rin ako. Junakis niya ko e. Hahaha ay alam na. Joke! Uy joke lang. Hahahahaha!

Sabog sa LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon