Ito status ko ngayon. Ano bang feeling ng single? Well, masaya na malungkot. Bakit? Masaya kasi malaya ka. Malaya, walang kumukontrol sa'yo. Hindi kailangan ireport kung anong ginagawa ko, nasaan ako, anong oras ako matutulog at anong kinakain ko. Ganun kasi nakikita ko sa mga ate at kuya ko. Nagrereport sila sa bf at gf nila. Hay. Pero bakit ganon? Yung mga kaibigan ko, hindi sila naniniwala na hindi pa ako nagkakaboyfriend. Asus! Alam ko namang pretty ako (charot) pero hindi ko kailangan ng boyfriend. Masaya naman ako e. Maraming rason para maging masaya! Masaya ako sa piling ng mga collection kong libro. Hahaha! Pero mas masaya ako kapag marami akong pera, may pambili ako ng libro
Hehehe.Malungkot ako kasi hindi ko maiwasang mainggit. Naiinggit ako sa mga nababasa ko. Yung bidang babae pinagaagawan ng dalawang gwapong lalaki. Tae naman! Pwede namang akin nalang yung isa! Hehe, biro lang. Yung mga nababasa ko kasi ang gaganda ng love story nila. Mahal na mahal nung bidang lalaki yung bidang babae. Pero iba ang realidad sa fiction lang. Naiingit din ako sa mga katropa kong may manliligaw, may ka-m.u, may boyfriend. Grabe! Ganun ba ako kapangit? Pero buti nalang wala akong mahal o gusto. Puro fangirling ako. Artista, Koreano o kaya Fictional Character.
Pero minsan, tinatanong ko yung sarili ko kung pangit ba ako. Kung bakit walang nagkakagusto sa akin. May problema ba sa akin?
BINABASA MO ANG
Sabog sa Loob
عشوائيKunwari story. Kunwari blog. Kunwari hugot. Kunwari inlove. Kunwari broken hearted.