— Yanin —
Pagkasagot na pagkasagot ko ng video call seryosong pagmumukha agad ni Jeongin ang bumungad sakin. He's on his resting bitch face! Napano 'tong batang 'to...
Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama niya habang nakasandal doon sa headboard. Napalunok na lamang ako doon. Lord, bakit po ganito nalang ang epekto sa akin ng lalaking 'to?
Bagsak na bagsak yung buhok ni Jeongin at hindi messy, ang cute niya nga eh pero grabe nalang talaga maghurumintado yung sistema ko."Patingin ako nung mga nagawa mong portrait" seryosong sabi niya na mas lalo kong ikinakaba. Alam ko na 'to. Magpifeeling kuya na naman to sakin!!
"Ate Yanin" dagdag niya nang hindi ako agad kumibo. Dali-dali ko namang kinuha yung sketch pad ko at pinakita isa-isa sakanya yung hindi ko matapos tapos na mga sketch. Parang mga guhit nga lang iyon at kapag ayaw na gumawa ng utak ko mabilis ko itong inuulit.
Mag-aalasdos na at kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang tingin ni Jeongin sa screen ng phone niya habang pinapakita ko yung sketch. He's already sleepy. Ikaw ba naman magsagot ng sandamakmak na math problems at gumawa ng essay. Jeongin's probably drained na.
"Hmm" sabi nito sa kabilang linya at nakuha pang humawak sa baba niya."Dating gawi ate Anin" desididong sabi niya at walang anu-ano't tumayo doon sa kama niya at kinuha yung sketch pad niya. Dating gawi... kahit lumipat na sila sa District9 hindi niya parin nakakalimutan yung mga nakasanayan namin. Hindi parin siya nakakalimot.
Noong nandito pa sila Jeongin nakatira sa Seorae Village siya iyong laging tumutulong sakjn sa mga drawing, portraits at mga sketch na sinasubmit ko sa school. Minsan pa nga siya yung nagbovolunteer gumawa.
Hinarap ako ni Jeongin saka ako binigyan ng ngiti. Ngingitian ko rin sana siya kaso—naalala kong madami rin pala siyang ginawa kanina. Siguradong pagod na to.
"Jeongin ako nalang kaya? Sa susunod na bukas pa naman yung submission nun." sabi ko. Siya naman tong binaba yung lapis niya sa kama.
"Correction. Bukas. Bukas ang deadline ate. Saglit lang naman to. Ideas mo, drawing ko."
"Look Iyen, alam kong gusto mo talaga akong tulungan at naaappreciate ko iyon. In fact, I'm so grateful to have someone like you pero ang dami mo nang school works na ginawa today for sure nadrain ka sa math pati narin doon sa essay na ginawa mo. You need to rest. At late na kaya maaga pa pasok mo bukas" derederetsong sabi ko pero parang di niya naman ako narinig at busyng-busy sa pagkalkal sa pencil case niya.
"Tatasahan ko lang yung lapis ko. Isipin mo na mabuti yung mga ideas mo" seryosong sabi niya kaya ako naman itong napakagat nalang sa labi ko. I am so dead! Ano bang dapat kong sabihin para di na niya ako paglaanan ng oras at hindi na siya mag-effort.
After ilang minuto bumalik na siya at may dala-dalang sparkling. Hindi coke? Pinagmasdan ko lang siya sa kabilang linya na nakayuko habang nagbibusy-busyhan doon. Kitang-kita ko yung side profile niya dahil narin sa angle nung pinagpatungan niya ng cellphone niya. Mygosh. Self, pakalmahin mo 'yang loob mo.
Wala niisa samin ang nagtangkang magsalita kaya wala narin akong nagawa kundi sabihin sakanya yung ideas ko. Hindi naman 'to papatalo. Ipipilit niya yung gusto niyang gawin tapos kapag patuloy akong tumanggi sa tulong na binibigay niya hindi niya naman ako papansinin. Ako rin ang talo and that's what scares me. Hindi ang matalo ha kundi ang tuluyang mawala kung ano ang kinakapitan ko.
BINABASA MO ANG
uninstall | yang jeongin
Short Story"Sana kagaya ng mga applications at softwares... pwede ring i-uninstall yung feelings mo. Lalo na kapag pagod na pagod ka na at sobrang sakit na." 「 stray store series ③ 」 . .⃗ jeongin x reader ᵎᵎᵎ