037

11 1 0
                                    

 Yanin –


Kagaya nga nang pakiusap sa akin ni Hyunjin, na kahit medyo labag sa loob ko sinubukan ko pa ring pumunta sa "competition" raw ni Innie. He said Jeongin needs me.. He said he wants me to be there. That's all I wanted to hear and besides ano nga naman itong dinadrama-drama ko rito at saka malay natin chance na rin 'to para ma-confirm ko yung nararamdaman ko.


I've been all over the places lately, more like confused. Confused about my own feelings or baka kasi busy lang talaga ako sa Acads ko kaya ako nagkakaganito ngayon.


Hell week is coming. Ang dami pang group projects and research na kailangan ng polishing tapos may defense pa. Pero swerte na rin siguro ako kasi maliban sa Exams at sa Mock Interview namin tomorrow halos group works na lang yung natitira tapos matitino pa mga ka-grupo ko.


Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa Auditorium. Bahagya pa akong natigilan nang mapansin ang iilang taong nakatayo sa itaas ng stage habang may isa namang babae ang nakahandusay sa gitna. Sinundan ng tingin ko ang bawat galaw na nangyayari sa stage hanggang sa may isang lalaking lumapit doon sa isang malaking kahon. Dahan-dahan nitong hinila iyong kumot na nakatakip hanggang sa bumalandra sa amin ang kabuoan nung kahon. Isa itong rectangle na kahon na gawa sa transparent glass.


Ilang sandali lang din ay may biglang sumulpot sa gilid ko, si Beomgyu at nakuha pa ako nitong kalabitin bago mag-cross arms. He's smiling as if he's aware of everything.


Gumala ang paningin ko sa stage. Nagpatuloy lamang ako sa panonood sakanila hanggang sa pinagtulungan na nung dalawang lalaking buhatin yung isang babaeng nasa sahig saka nila ito inihiga roon sa hugis kahon. Habang ang ilan naman ay naroon sa likod. Pito silang lahat at mga kapwa humahagulgol pa ang mga ito.


Akala ko ba rito yung competition? Nasaan si Jeongin?


"Ayan na ayan na malapit na." sambit ni Beomgyu na mahahalata mong excited sa mga susunod na mangyayari.


Binuhay ko iyong cellphone ko upang tignan ang oras. May time pa naman ako para sa next class pero what if i-message ko si Hyunjin? Ayos lang naman siguro 'yon. Mamaya naghihintay ako rito tapos wrong place naman pala. Magtampo pa sa akin ang mga 'yon.


To: Hyunie
Jin! Saan kasi yung place ng competition nila Innie? ><


Iyon lamang ang tinype ko at handa na sana ako itong i-send nang matigilan ako dahil sa isang familiar na boses.


Na kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam ko kung kanino ito nagmumula.


Mabilis akong nag-angat ng tingin. Rinig ko pa ang bungisngis ni Beomgyu sa tabi ko pero hindi ko na inalintana iyon at ang buong atensyon ay nanatili lang sa taong kasalukuyang nakatayo ngayon sa stage.


"Puti ko.. Hahanapin kita, Puti. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nahahanap! Hahanapin at hahanapin kita, aking Sinta."


What. The. Heck-


Ramdam na ramdam ko ang pagbagsak ng puso ko nang dahil sa gulat, na kung iyon siguro ang napapanood namin ngayon sa stage ay kitang-kita ko kung paano ito nahulog mula sa kinakapitan niya.

uninstall | yang jeonginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon