— Yanin —
Pagkatapos ko makatanggap ng text mula kay tatang Koley nagmadali akong lumabas ng campus. Ilang oras rin yung biyahe mula District 9 hanggang dito sa Sorae Village... hay si Jeongin talaga.
Mabilis akong tumakbo palabas at dali-dali kong inikot ang mga mata ko sa mga sasakyan na nakapark sa harapan ng campus nang makarating ako sa waiting shed. Pero imbis mahanap iyon naagaw agad nang cellphone kong nagriring ang atensyon ko. Napakunot na lamang ang aking noo nang bumungad sa screen yung pangalan ni Jeongin.
"Jeongin? Why?" tanong ko pero nanatili siyang tahimik sa kabilang linya.
"Hello? Jeongin?" sabi ko bago ulit tinignan yung screen ng phone ko. Umaandar pa naman yung tawag kaya ibinalik ko ito sa tenga ko at pinakiramdaman lang yung kabilang linya.
"Hey.." para nalang akong nakuryente nang bigla itong nagsalita.
"Anin? Look on your right side" tanging sabi nito kaya mabilis naman akong lumingon sa direksyong sinabi niya. And to surprise me.. nakita ko na lamang ito na nakatayo sa tabi ng kotse nila habang nakasandal doon sa bumper. Nakauniform pa ito na halatang kakagaling lang ng school. Don't tell me nag-cutting siya para lang pumunta dito?
"Ate Yanin!" sigaw nito saka ako kinawayan habang yung isa naman niyang kamay ay nasa loob ng bulsa niya. Pati iyong mga estudyanteng nandito rin sa waiting shed ay napatingin sakanya. Si Yanin kayo? Si Yanin kayo? Kaagad akong nagsimulang maglakad papalapit sakanya, baka may iba pa dyan na lumapit nalang bigla at magfeeling si Yanin. Hahaha
Kahit medyo malayo kitang-kita ko yung ngiti ni Jeongin. Nagwawala na naman yung puso ko.. this is not okay.
"Jeo—" hindi ko na naituloy ang pagtawag sakanya dahil sa bigla nitong paghila sa akin walang sabi-sabing niyakap ako nang mahigpit. Potek! Someone please call 911!
Dahil narin siguro sa excitement niya rinig na rinig ko ang pagbungisngis ni Jeongin habang yakap yakap ako. Bwiset naman. Bat siya bigla-bigla nangyayakap!
"Namiss talaga kita Anin" sabi nito nang maghiwalay kami. "Hah oo ako rin namiss kita. Pero bakit ka nandito? Nagcutting ka?" mabilis kong tanong saka nagcross arms sa harapan niya.
"Hindi. Haha early dismissal kami mabilis ko kasing natapos yung book report namin kaya kaagad akong naidismiss" sabi nito at nagawa niya pang mag-pogi pose.
Imbis na iabot sakin yung portrait isang pagbukas ng pintuan nung sasakyan ang ginawa niya.
"Get in" napakunot na laman ako ng noo sa sinabi niya habang nakangiti at nagawa pang ilagay yung kamay niya sa likod ng batok niya."Ha?"
"Let's eat something nagugutom ako haha I'll treat you." nang hindi ako kaagad nakasagot siya na itong nag-gaya sakin papasok sa sasakyan at siya naman itong nakasunod lang.
"Tara na tatang" sabi nito kaya ako naman itong napatingin kay tatang koley na nakangiti pa saming dalawa at napapailing nalang dahil sa sobrang giddy ni Jeongin.
Tahimik lang kami buong biyahe papunta sa kung saang lumalop gustong kumain ni Jeongin. Ramdam ko ang presence niya na maski yung perfume niya ay abot na abot dito sa pwesto ko. Kapwa naman sana kami nakaseatbelt pero mukhang naglalakbay ang isang 'to.
Ilang saglit naramdaman ko nalang yung ulo ni Jeongin sa balikat ko. Mabilis ko siyang tinignan pero nakapikit lang siya at mukhang tulog na tulog na. Pinagmasdan ko lang siya sandali at binaling sa rear mirror ni tatang Koley yung tingin. Baka kasi sinisilip niya kami at isipin niya pang may gusto ako dito sa alaga niya!
"Yanin. I missed you" bulong nito dahilan para mas lalong magwala yung sistema ko. Kala ko ba tulog! I can really feel my cheeks burning right now epekto nang pinag-gagagawa nitong isang to pero I remain calmed. I need to look calm at umakyong na walang epekto yung mga weird na ginagawa ni Jeongin pero ang totoo I'm already dying deep inside! Mababaliw na yata talaga ako. Napakaweird ng batang to!!
"Oh nandito na pala tayo" sabi ni Jeongin ang mabilis bumangon mula sa pagkakasandal sa balikat ko. Sabay kaming nag-alis ng seatbelt nang ihinto ni tatang Koley yung sasakyan.
"8pm mo po kami sunduin tatang ha? 8pm po." ulit nito.
"Sus ikaw talagang bata ka. 7:30 kita babalikan baka maabutan tayo ng traffic." sagot ni tatang koley.
"Ihh tatang naman masyado maikli yung oras. Mag-aarcade pa kami ni Yanin mamaya"
"Jeongin okay lang naman e. May 2 hours mahigit pa tayo" sabi ko saka siya nginitian pero mas lalo lang bumusangot yung mukha niya at halata mong nagpapaawa talaga.
"Hay oh siya 8:30 ko na kayo susunduin. Ayos lang ba sayo yun Yanin hija?" tanong ni tatang koley na agad kong tinanguan at hindi na nagawang pag-isipan pa. "Yes naman po." dagdag ko pa habang nakangiti hindi alintana na may klase pa bukas at may long test kami sa school bukas. Kung may subject sigurong Jeongin paniguradong uulanin ako ng uno.
Nagpaalam narin naman si tatang samin pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Jeongin papasok sa isang cafe. Siya iyong nagorder saming dalawa habang ako naman ang dumeretso para kumuha ng table. Hindi rin naman ito nagtagal at dumating sa harapan kong may dala-dalang isang buong strawberry cake at dalawang strawberry smoothie.
"Best birthday ever" bungad niya nang makapag-ayos siya nang upo sa vacant seat na nasa harapan ko. "Kahit hindi ko pa naman talaga birthday" mabilis niyang dagdag saka tinusok ng straw yung dalawang smoothies. Hindi ko iyon pinansin at nagpatay malisya nalang may plano pamandin ako sa birthday niya sa friday.
"Sana ganito nalang palagi" sabi ko na siyang ikinatigil niya at dahan-dahang tumingin sakin.
"Libre. Sana palagi mo akong nililibre para makapag-ipon ako. Ang mahal kaya ng foods sa cafeteria" biro ko siya naman itong natawa at sinakyan lalo yung sinabi ko.
"Pwede rin naman. Gusto mo araw araw after dismissal deretso ako dito sa Sorae tapos susunduin kita para lang kumain tayo tapos ihahatid pauwi?" sabi nito na kaagad ko rin namang sinang-ayunan. Kapwa kaming tawang-tawa sa kalokohang naisip pero natigilan ako nang bigla siyang nagsalita.
"Seryoso ako ate Yanin."
-
Anyways sorry sa late update! Last week pa dapat to bago yung bday ni Jeongin :( pero ayun ;; saka yung scene nga pala nila sa kotse kagaya nito,Si Changbin si Yanin tapos si Jeongin si Hyunjin 😂 You're welcome.
BINABASA MO ANG
uninstall | yang jeongin
Short Story"Sana kagaya ng mga applications at softwares... pwede ring i-uninstall yung feelings mo. Lalo na kapag pagod na pagod ka na at sobrang sakit na." 「 stray store series ③ 」 . .⃗ jeongin x reader ᵎᵎᵎ