Chapter 1

125 5 4
                                    


Elite Village. Dito na raw kami maninirahan simula sa araw na ito.

Tumama kasi sa lotto si Tatay. Sabi ni Nanay, dapat daw, we should belong. Kaya ang una nilang ginawa, tumingin sa luma naming computer na windows 98 pa yata ang operating system at naghanap ng subdivision na kung saan, mayayaman ang nakatira.

Dalawang buwan na ang nakalipas ngayong araw na ito.

Kinagabihan pa lang, inayos ko na ang aking mga dadalhin sa aming bagong bahay. Marami ang ang nireject ni Nanay na dadalhin. Sabi nya fully furnished na raw ang aming lilipatan kaya't hindi ko na kailangang dalhin ang mga aparador, kabinet at study table. Ultimo ang lamp na dinikitan ko ng sea shells para hindi boring ay pinapaiwan ni Nanay.

Sabi rin niya, ilagay ko lang daw sa maleta ang ilang piraso ng damit ko at iwanan na ang iba o ipamigay. Pupunta raw kami sa mall para mag shopping.

Kailangan daw na matched kami sa bago naming buhay.

"Excited ka na ba, Anak?"

"Opo, Nay. Pero mamimiss ko ang mga kaibigan ko sa dati kong eskwelahan. Kahit na yung mga katsismisan ko sa talipapa kapag sinasamahan kitang magtinda."

"Anak, iba na ngayon. Hindi na tayo magtitinda sa talipapa. Sa mall na tayo magbebenta. Kumuha ako ng pwesto dun sa mall sa malapit sa subdivision."

"Nay, magbebenta ka ng isda sa mall?"

"Ano namang masama dun? Di bale, ang ibebenta ko lang ay yung aking famous na gourmet tuyo. Marami kasing naghahanap sa talipapa kung meron daw akong Instagram at Twitter. Saka kung nagdedeliver raw tayo. Papatulong nga pala ako sayo na gumawa nung social media ba yun."

"Madali lang po yun, Nay. Hayaan nyo tutulungan ko kayo. Eh Nay, malayo pa po ba tayo?

"Uunahin nating puntahan ang bago mong school, Anak. Excited ka na ba?"

"Kinakabahan po ako. Excited pero kinakabahan."

"Normal lang yung nararamdaman mo."

"Malayo po ba yun?"

"Mula dito sa atin, malayo. Pero mula sa Village, malapit lang. Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo."

▪️▪️▪️

*screeech*

"Aray!" Naalog yata ang utak ko bukod sa bukol na sigurado akong magkakaroon sa noo ko mamaya. Nagising rin ako bigla.

"Okay lang ba ang lahat?"

"Opo, Tay. Ano pong nangyari?"

"Biglang lumiko yung kotse. Teka't kakausapin ko at bumaba yung driver."

Sinundan namin ng tingin si Tatay habang papalapit siya sa drayber ng kotse. Sa itsura pa lang ng drayber makikitang bigatin ang amo nito. Nakasuot kasi ito ng short sleeve polo at itim na slacks.

"Naku, baka mapaaway ang Tatay mo."

"Di naman po siguro, Nay. Kundi ako sasapak sa driver. Kala nya ha..."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan bata ka. Kababae mong tao. Tigil-tigilan mo yan."

Tumahimik na lang ako at sinunod si Nanay. Nabaling ulit ang paningin ko nang biglang bumaba ang tinted na bintana ng kabilang kotse at may sumenyas sa drayber. Isang matandang lalaki at isang lalaking halos kasing edad ko ang mga pasahero. Tinawag ng matandang lalaki ang drayber at may sinabi.

Habang pinapanood ko ang mga pangyayari, wala akong kamalay-malay na meron palang mga matang nakamasid sa akin. Ngumiti ito at bumulong sa sarili, "Hmmm...fresh meat."

▪️01.14.2019▪️

The ELITÉ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon