Chapter 2

80 4 3
                                    


Saglit lang ang pag-uusap nina Tatay at nung drayber at naayos na rin agad. Walang sapakang nangyari kung iyan ang naiisip nyo.

Pagkatapos ng insidente, pinaandar ulit ni Tatay ang sasakyan patungo sa aming unang destinasyon, ang ELITÉ Academy.

Gaya ng Elite Village, isa itong ekslusibong paaralan para sa mga mayayaman, kilalang tao o mga nagmula sa mga angkan ng pulitiko. Bibihira ang nakakapasok dito na hindi kasama sa tatlong klasipikasyong nabanggit ko. Ang mga estudyanteng may scholarship ay dalawa lang bawat grado. Salang-sala ito kaya maituturing na henyo ang mga scholars ng Elite Academy.

Nakakalula ang taas ng mga bakod dito na pumapalibot sa ilang ektarya ng lupa. Malayong lakaran ang gagawin ng mga estudyante upang makalipat mula sa isang gusali patungo sa isa. 

Gayunpaman, ang malalawak na daan ay makikitaan ng linya ng mga malalaking puno sa gilid. Animoy may umbrella shade dahil sa kapal ng mga dahon nito kaya kapansin-pansin ang kakaibang klima sa loob, malamig na kala mo nasa Baguio ka.

Hindi lang ang kakaibang klima ang kapansin-pansin sa loob ng paaralan. Halos lahat ng matanaw ng mata ay kulay berde. Ang mga hindi sementadong daan ay natatakpan ng lawn grass. Ang mga halamang namumulaklak ay punong-puno ng bulaklak at ang mangilan-ngilang punong namumunga ay hitik sa bunga. 

Mula gate hanggang sa administration building, para akong batang first time nakarating sa Disneyland. Mala-fairy tale kasi ang lugar. Halos nakasubsob na ang mukha ko sa salamin ng bintana ng kotse.

Mahigpit rin ang security. Halos lahat ng entry points na dinaanan namin ay may security check.

"Ah, iyon ba? Mahigpit lang talaga ang security dito lalo na sa mga outsiders. Pero bago matapos ang registration mo, ibibigay sa'yo lahat ng mga ID cards at car pass na kakailanganin mo kapag nagsimula na ang klase." Sabi ng admin.

Nagkatinginan kami nila Nanay at Tatay. Wala kasi akong kotse pero sa nakita namin, kakailanganin ko ito sa pasukan. Mabuti na lang at meron na akong lisensiya.

"Ito ang magiging schedule mo simula sa pasukan. Ito naman ang school guidebook. Mainam na kabisaduhin mo yan. Ito ang iyong locker info. Nandiyan ang temporary password at instruction kung papano baguhin ito. Ano pa ba?"

"Yung uniform, Miss." Suhestiyon ni Nanay.

"Oo nga pala. Sandy! Kuhanin mo yung measurement ni Miss Mendez para sa uniform. Kakadeliver lang ng stock kaya siguradong merong available ngayon sa stockroom."

Ilang saglit pa at natapos na rin akong kuhanan ng measurement at nagpunta na si Sandy sa stockroom. Sabi ng admin, kasama na yun sa tuition fee ko sa loob ng isang taon. Gusto ko sanang silipin kung magkano ang tuition fee pero hinablot na agad ni Tatay ang resibo. 

Ayon din sa admin, wala akong kailangang bilhin dahil sila na ang magpo-provide ng school supplies. Gaya ng uniform, kasama na raw sa tuition ko iyon.

Habang naghihintay sa uniform, nagawi ako malapit sa bintana. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang soccer field. Merong mga naglalaro rito. Sa suot nila, mukhang buong soccer team ng academy ang nasa field. 

Merong isang katangi-tanging player akong napansin. Mas mabilis itong kumilos kesa sa mga ibang manlalaro. Graceful kung gumalaw, animoy sumasayaw ito imbes na naglalaro ng sports. 

Wala pang isang minuto, narinig na ang malakas na pito. Hudyat ito para ang mga players ay lumapit sa matandang lalaki na may hawak-hawak na parang whiteboard. Hula ko, coach nila ito na nagbibigay ng instruction sa kanila. 

Napansin ko ulit ang player. Lumakad ito papunta sa bench at may kinuha sa bag. Bigla itong nagtanggal ng t-shirt at nagpunas ng pawis. Walang kakurap-kurap kong pinagmasdan ang lalaki. Matipuno ang katawan nito pero tama lang para sa kanyang taas. Parang nananadya namang humarap ito sa kinatatayuan ko at ibinuhos ang tubig sa ulunan niya.

"Nakikita kaya niya ako?" Tanong ko sa aking sarili. "Pero paano? Mukhang malayo naman ang admin building sa field."

Nang maubos ang tubig sa bote, itaas niya ito na parang sumasaludo. 

"Sh*t, buking." Mahina kong sabi.

Luminga-linga ako sa paligid upang tingnan kung may nakarinig sa akin. Saka ko lang napansin na pinagtitinginan ako ng admin at nila Nanay. Kanina pa pala ako tinatawag pero hindi ko naririnig.

Nilingon ko ulit ang kinaroroonan ng player. Sumilay ang malaking ngiti nito sa kanyang mga labi at kumaway sa direksyon ko. Dali-dali akong umalis sa tabi ng bintana at nagpunta kina Nanay.

"Alis na po ba tayo, Nay?"

"Oo, kanina ka pa nga namin tinatawag pero para kang estatwa na nakatayo dun."

"Sorry po, Nay. Halika na po, alis na tayo." 

Lingid sa kaalaman niya, ang player na kanyang pinagmamasdan kani-kanina lang ay kanina pa siya nakita, simula pa lang nang bumaba sila ng kotse at pumasok sa admin building. Kitang-kita rin siya na nanonood sa soccer practice mula sa bintana. Hanggang sa makaalis ang sasakyan nila, nagmamatyag lang sa kanila ang lalaki.

"Dude— "

"Don't even think about it, she's mine." Mariing sabi ng lalaki sa kaibigan nitong nakamasid din.

▪️01.14.2019▪️


The ELITÉ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon