Chapter 5

50 1 1
                                    

"Btw, I'm Gray."

"Short for?"

"Just Gray."

"Okay, 'Just Gray,' I'm Angel. And here's my schedule. Pwede mo bang ituro sakin lahat ng building or rooms ng classes ko?"

"That's the idea. Start tayo dito sa Main Building. Mostly this is for Language and Arts courses. So lahat ng subjects mo sa Communication, Literature, Journalism and the likes, dito lahat yun. Basic lang naman ang way dito. All the stairs are on the left and right sides of the building and the numbering is ascending from left to right and From the bottom to the top. Comfort rooms are located near the stairs left for girls, right for boys. Lahat ng floors meron. Is that clear?"

"Hmmm... Wait... OK na."

"Let me see the rest of your schedule. Okay...you have Algebra, Earth Science, Asian History and gym. Let's go to Math and Science Building."

Mabilis maglakad si Gray kaya halos lakad-takbo ang aking ginagawa para lang makahabol sa kanya. Balak pa yata akong iwanan nito! Bigla siyang huminto, muntik na akong masubsob sa kanyang likod.

"So, this is the MS Building. All math, science and computer classes are held here. Science is on the ground floor. Math is on the second. Third, computer. Then, on the fourth floor, lahat ng advance classes. Same with the LA Bldg, ascending from left to right. Stairs on both ends and C.R. near the stairs - left sa girls, right sa boys. Naintindihan mo ba yun?"

"Yep. Madali lang pala."

"Ok, as you can see, almost the same ang layout ng mga buildings dito. So you wouldn't have any problem locating your room assignments. The only tricky place is the gym but later na yun. Let's go to the Social Studies building," dagdag pa niya pagkatapos, lumakad na naman siya palayo.

Nang huminto siya sa Social Studies Building, pagod na pagod na ako. Tiningnan ko siya at napansin kong hindi man lang siya pinawisan. Nagulat din ako dahil nasa harapan kami ng Library.

"As you can see, this is the main library. It also houses the Social Studies Department. Halika dun tayo sa gilid..." 

Lumakad kami papuntang gilid ng library. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob, ipinagpatuloy ni Gray ang kanyang explanation,

"...This is the entrance to the Social Studies Department. All Social Studies classes are held here. Since these are electives, you get to choose the course. Merong Asian History, World History, Ancient Civilization, Mythology and Folk Lores, etcetera. At ang classmates mo, hindi lang freshman. Halo-halo na dito, from freshmen to seniors."

Tango lang ang naging tugon ko. Feeling ko kasi, mas mababawasan ang aking energy kapag nagsalita pa ako.

"Are you okay?" tanong niya sakin. Umiling ako.

"We have two more buildings to see but first, let's go to the cafeteria. You look parched."

Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako sa kanya. "Ooops! Sorry. Nakakapagod pala kasi." 

Tawa lang ang naging reaksyon niya sa ginawa ko. Buti sports siya at hindi niya naisip na nag-take advantage ako.

"You'll get used to walking long distances in time."

"Okay, sabi mo eh. Pero wait muna ha. Napagod talaga ako."

Biglang nag-bell. Kasunod nito na bumukas ang mga classrooms at naglabasan na ang mga estudyante.

"Gray, bro!" May tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Tatlong gwapong lalaki ang naglalakad papalapit sa amin. Ang isa ay si Rafe na nasa dulong kaliwa ng formation nila. Naalala niya siguro ako kaya sobrang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Naisip kaya niya na ako ang nagturo sa kanya dun sa girl na humahabol sa kanya sa park?

Ang katabi niya ay ang masungit na ipininakilala niyang si Vincent kanina. As usual, nakasibangot na naman ito. Pero kahit mukha siyang suplado, hindi makakaila na gwapo siya.

Sumunod sa kanya ay isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Nakasuot ito ng eyeglasses at mukha itong nerd. Kung anong angas ni Vincent, siya naman ang amo ng mukha niya.

Nasabi ko na bang gwapo rin si Gray? Hindi siya papahuli kung height at good looks lang din ang pag-uusapan. Nilingon ko siya at nakita kong pinagmamasdan niya ang reaksyon ko. But, why?

Nang huminto ang tatlo, nagsalita si Gray. "Angel, these are my brothers. Rafael, Vincent and Michael. Bro, si Angel. Student buddy niya ako hanggang bukas to help her familiarize with the school."

"H-Hi," nahihiya kong bati sa kanila.

"Angel!" Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Rafe. Inakbayan niya ako pagkatapos.

"Hey, Rafe," yun lang ang aking nasabi habang nakatingala ako ng slight para tingnan siya.

"So...what do you think?"

"Of what?" 

Tinatanong niya ba kung sino ang pinakagwapo sa kanilang apat? I can't decide!

"Of your new school. Bro, she's new here," paliwanag ni Rafe sa kanyang mga kapatid.

"Obviously," sarkastikong sabi ni Vincent.

"Hey, what's with the attitude?" Saway niya kay Vincent na umismid lang. 

"Don't worry, Angel. Lilipas din yang bad mood ni Vincent." Inilapit niya ang kanyang bibig malapit sa aking tenga at bumulong, "constipated kasi siya kaya bad mood."

Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas. Sobrang lakas. Para kaming siraulo ni Rafe na tawa ng tawa. Nang tumigil kami, napatingin ulit ako sa iba.

Iba-iba ang kani-kanilang reaksyon. Si Vincent ay mukhang malalim ang iniisip. Si Michael ay nakangisi. Si Gray ay iiling-iling lang.

Finally, nagsalita na ulit si Gray. "We are headed to the cafeteria. Are you all going with us?"

"H*ll, yeah!" 

Pinakamalakas ang sagot ni Rafe. Napangiti lang ako sa kanya. I know for sure na hindi magiging boring ang stay ko sa Elite Academy hangga't nandiyan si Rafe kaya hinayaan ko lang siya na nakaakbay sakin habang naglalakad sa cafeteria. Wala namang malisya sakin because I think Rafe and I are going to best of friends. Silang lahat.

Well...except for Vincent.


—- 10 July 2019 —-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ELITÉ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon