»» ────── ⋆⋅ 𝒫𝒶𝑔𝓉𝒶𝓃𝑔𝑔𝒾 ⋅⋆ ────── ««
Lahat ng makikita niyong mga pangalan ng mga tao, lugar, kompanya o mga pangyayari ay kathang isip lamang ng nagmamayari ng maikling nobelang ito. Hinango ang mga lugar base sa iba't ibang lokasyon ng Pilipinas, maliban nga lang sa mga establisyemento. Ano man ang maaaring maging kapareho ng mga narito sa mga buhay, patay or mga iba pang kaganapan ay pagkakataon lamang.
»» ────── ⋆⋅ 𝒩𝒶𝓀𝒶𝓉𝒶𝓁𝒶 ⋅⋆ ────── ««
"Narito lang naman ako. Tsaka ka lang naman nariyan kung may kailangan ka."
Magdadalawang taon na tayo, wala na bang mas nakakasawa sa ganito Nathalie? Handa naman akong gumawa ng paraan para sa iyo pero parang hindi mo na ako binibigyan ng rason para lumaban. Seryoso, sino na nga ba ulit ako para sayo?
Puro katanungan na lang ang laman ng buong isipan ko. Hindi ko na rin alam kung bakit nga ba ito yung pinasok ko. May nagbago ba o sadyang ngayon ko lang namalayan na ganito 'yong buong relasyon natin. Sana lang naman makita ko pa kung bakit pa ako narito. Parang ang labo na ng lahat ng alam kong katotohanan.
Diba sa isang relasyon wala naman talagang problema kahit hindi mo naman siya kasama. Sadyang ang tanong ko na lang talaga ay kung bakit parang ginagamit mo na lang ako. Kaya siguro hanggang dito na lang tayo.
»» ────── ⋆⋅ 𝒮𝒾𝓂𝓊𝓁𝒶 ⋅⋆ ────── ««
Typical new comer set-up, yung tipong papasok ka sa eskwelahan na parang mga walang bibig ang pakiramdam. I mean, sino nga ba namang school loyalist ang sanay na sa makipag usap sa mga kaklaseng 'di naman kakilala. Tapos mapapatransfer ka na lang agad sa Maynila. Baka nagtataka ka na rin siguro kung bakit mo binabasa 'to. Paano ba kaya naging main character yung ganitong napaka weird na set-up.
Parang masyado yatang cliché kung ganito yung mababasa mo, diba? Anyway, baka sakali lang naman na magbago yan kapag tumagal, ba't hindi na lang ituloy ang kwentohan.
"Kumusta? Christopher nga pala. Senior high palang naman ako sa ngayon at nage-excel naman ako sa mga Math subjects ko at kadalasan sa research na rin, 'di nga lang kasing athletic na parang yung ibang main guy na mababasa mo sa mga highschool novels. Siya nga pala, base 'to sa mga naranasan ko paglipas ng panahon dito sa Divine Integrated Academy. Hindi ko alam kung sino man ang makababasa ng mga isusulat ko dito pero ewan. Baka pang balik tanaw ko na lang rin siguro ito kapag dating ng panahon."

BINABASA MO ANG
Where Are We Again
RandomChristian James Zamora's Story ft. Doubtful Series Divine Integrated Academy Started: 30th April, 2021 Ended: ___ ______ ____ "Narito lang naman ako."