"Baby, wake up. We're here." Nagising ako sa tapik sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang mukha ni kuya. "Welcome to the Philippines."
"Kuya I told you already, stop calling me baby." Naglakad na kami palabas sa airport at inilibot ko ang tingin sa paligid.
"Eh bakit pag si Vince okay lang sa'yo?" Inirapan ko lang siya.
"Iba yun." Nginisihan niya lang ako. "Sila Mommy?" Tanong ko sa kanya. Nauna na kasi sila Mommy 2 days before our flight.
"Oh, I forgot to tell you. Hindi nila tayo masusundo kasi may emergency sila with their business partner." Ngumuso ako.
"Kuya, I don't want to ride a taxi and you know that."
"I know. Sino bang nagsabi na magtataxi tayo? We are waiting for someone."
After a minute, may dumating na sasakyan and that is very familiar to me. Tumigil ito sa harapan namin at bumaba ang nasa driver seat nito. And I was Shocked.
"Bro." Nag fistbump sila ni kuya at lumapit ito sa akin. "Babe." He hugged me and kissed me in the forehead.
"Nakakainis ka, sabi mo di mo ako masusundo kasi busy ka." Yakap niya pa rin ako. Nginitian niya lang ako.
Vince Ramirez, my 3 years boyfriend. Maybe you're wondering paano naging kami, eh nasa US ako at siya dito sa Pilipinas. We met in US, 4 years ago. Nasa Coffee shop ako that time. I was about to pay my favorite coffee na inorder ko pero hindi ko mahanap ang wallet ko sa bag ko.
I was nervous because once the order is served, hindi na pwedeng ibalik kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko that time. Napatingin ako sa likod ko nang may kumalabit sa akin. Lumingon ako at tinaasan siya ng kilay. Nagulat ako nang binayaran niya ang order ko. Sabi niya libre niya daw. And there, si Vince Ramirez. Dun ko siya nakilala. Nagtaka pa nga siya kung bakit marunong akong magtagalog. Sinabi ko sa kanya na si Daddy lang ang may dugong American at si Mommy naman ay pure Filipina. Hiningi niya pa number ko at simula noon palagi kaming nagkikita. Until he confessed at naging kami. Nalaman ko rin that time na nag bakasyon lang sila kasama ng family niya at naging LDR kami pero thrice a month siyang pumupunta doon kaya hindi mahirap para sa amin.
"I was just kidding. Pwede ba 'yun? Eh alam mo namang hindi pwedeng hindi ko masusundo ang mahal kong princesa." Narinig kong tumikhim si Kuya sa likod ko.
"Bro, that's gross." Natawa kami kasi si Kuya parang diring-diri talaga.
"G*go. Makakahanap ka rin ng katapat mo."
"Maglaway muna sila sa katawan ko."
Napailing ako sa sinabi ni Kuya. Well, he's a well-known playboy. Pero he is a responsible person, siya ay CEO sa isang company namin dito sa Pilipinas. Nung pinakilala ko si Vince sa kuya ko, ayun nagulat ang loko kasi kilala niya pala si Vince dahil si Kuya pala ang dating captain nila sa basketball at napalitan lang nung grumaduate si Kuya. Small world isn't it? Ayaw sana ni Kuya kay Vince kasi kilala niya itong playboy. Pero sabi naman ni Vince na nagbago na siya at napatunayan naman niya ito sa loob ng tatlong taon.
Pumasok na kami sa sasakyan at sa passenger seat ako umupo at si kuya naman nasa likod, at ang loko humiga talaga at pumikit. Pagod siguro.
"I'm very happy nung nalaman kong lilipat kayo didto."
"Ako din naman pero half of me is sad. Mamimiss ko mga friends ko dun." Tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Property
General Fiction"I've never been this territorial sweetheart. So when I say MINE, it's you and I'm d*mn serious." -Red Alcantara