Chapter VIII

29 3 0
                                    

YNA'S POV



"Chaynaa! Gusto mong lumabas mamayang kauwi?! Kasama sina Brent at Kent!" salubong sa akin ni Angelica na kasama si Althea

"Oops kung pwede lang tawagin mo na lang akong Yana maliwanag, ibalik natin ang dati" sabi ko habang pinipigilan ang kilig dahil sa sinabi ni Ange "At tungkol naman dun sa pag-aya mo sa akin...... Sige! Game ako riyan!" dagdag ko pa na may pagkamalandi ang tono

"He-he-hey tama ba ang narinig ko? Makakasama niyo sina Brent at Kent mamaya??" sabat ni Jona sa kasiyahan naming tatlo

"Oo Jooo!!! Waahhh!" si Ange

"Pwede ba akong sumama sa inyo?!" parang hindi makapaniwalang tanong ni Jona

"Ahh uhmm p-pwede naman" tugon ni Ange na halata namang labag sa kalooban niya




*BREAK TIME*

Pumunta kami ngayon nina Angelica't Althea sa kung saan nagpapractice ang mga iba't ibang team ng larong basketball para panooring mag practice sina Brent at Kent

Maraming player ang naroon na magkakaiba ang team pero siyempre sa team Chronus lang kame na kung saan naroon sina Brent at Kent ang mga star player nila at kasama rin nila roon si Vince pero wala ngayon dito sa practice si Vince at marami pang iba ang kasali sa team

Nakaupo kami ngayon sa malapit sa bench ng team Chronus

Maya't maya ang mga tilian ng mga manonood, pero siyempre hindi kami isa sa mga iyon pwera na lang kapag lumabas na ang dalawang magpinsang sina Brent at Kent! Kyaaah!

Maraming oras na rin ang lumipas at panay ang tilian lalo na ang kaibigan kong si Ange napakaingay kanina pa wala sa tabi namin si Jona dahil pumunta na siya sa upuan kung saan naroon sina Brent

Si Brent Santos kasi ay sikat dito sa campus lalo na sa laro niyang basket napakahusay kasi niya't napakagwapo pa kaya hindi na kahina-hinala pa kung bakit siya sumikat. Pinsan niya si Kierkent Dawn o mas kilala bilang si Kent napakasikat din niya at parang 2nd version siya ni Brent. First crush ko si Brent simula noong tumuntong ako rito sa highschool level pero kay Vince ako unang umibig napakabait naman kasi niya noong nanliligaw pa lamang siya at noong nagsisimula pa lamang kami katapos ko siyang sagutin pero nang tumagal saka na lumabas ang tunay niyang pagkatao, doon ko napatunayang hanggang sa simula lang magaling ang mga lalaki hmmp!

Habang nanonood kami ng mga nag papractice ginutom ako kaya naman inaya ko na munang bumili si Angelica at si Althea sa canteen

"Kainis ka naman Chayna panira ka ng kilig eh noh" nakabusangot na sabi ni Ange

"I said call me Yana na lang pshh" paalala ko "Eh sa nagugutom ako eh bakit ba, kailangan din nating kumain noh huwag puro lande!" pang-iinis ko

"Ayan natawagan ka pa tuloy na malandi" natatawang sabi ni Thea

"Heh! Manahimik nga kayo riyan!" si Ange

Sa loob ng court na ito mayroon din canteen dahilan para hindi na namin pang kailangan lumabas

Tapos na ang game practice ng mga players kaya nag sh-shooting na lang sila ngayon

Habang patuloy kami sa paglakad papuntang canteen may biglang sigaw kaming narinig mula sa gilid ko sa kung saan naroon ang mga manlalaro at ang mga manonood ay bigla ang sigawan habang nakatingin sa akin, paglingon ko sa mga naglalaro biglang may bola na napakabilis ang papalapit sa akin at mukhang dederetso ito sa ulo ko at kapag hindi ko to naiwasan pwede akong matumba at tumalsik at pwede rin akong himatayin o makaloy ang utak ko pero sa sobrang bilis nito napaka imposibleng maiwasan ko pa ito kaya naman sa laking gulat ko'y napapikit na lang ako at napasigaw na lang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My GuardianWhere stories live. Discover now