Chapter IV

36 6 0
                                    

YNA'S POV

Maaga akong nagising dahil sa pagtatalo ng mga magulang ko, dahil sa nagawa ni papa, nagdesisyon kasi siya nang hindi alam ni mama, ibinenta kasi ni papa ang lupa't bahay namin dahil tinanggap niya na yung trabahong anyaya ni kuya na naninirahan na sa ibang bansa. Binalak ni papa na isama kami dun pero hindi pumayag si mama kaya naman walang nagawa si papa kung hindi ang umalis nang mag isa at kami naman ni mama ay mangungupahan na lang.

"Hayss ang init naman ma" si ako

"Hali ka dito sumilong muna tayo saglit" si mama

"Nagugutom na rin ako ma, bukas nalang po kasi natin to gawin"

"Hindi pwede anak bukas na darating yung bumili ng lupa eh, papa mo kase nagdedesisyon ng hindi ko alam"

"Ihhh kainis naman"

Maya maya lang ay nagpatuloy na kami sa paglalakad at ilang oras ang lumipas nang sa wakas ay may nakita rin kaming paupahan. Dalawang bahay ang mayroon at magkaharap ito sa iisang bakuran lang at iisa lang ang gate nito, pagpasok mo sa gate may hagdan na sasalubong sa'yo at pag-akyat dito roon mo na makikita ang dalawang bahay na magkatapat. May nangungupahan na sa isang bahay at mabuti na lang ay wala pa roon sa isa kaya't kinausap na ni Mama ang may ari at nagkasundo naman sila at bukas din ay lilipat na kami roon.


*KINABUKASAN*

"Anak gising na papasok ka pa" si mama

*sigh*

Hayss ang aga naman, teka ngayon kami lilipat ha?

Bumangon na ako at naghilamos at pumunta na sa hapagkainan

"Ma diba ngayon tayo maglilipat?" panimula ko

"Oo nak pero papasok ka, uupa na lang ako ng sasakyang gagamitin sa paglilipat pati na rin ng mga maghahakot nang makapasok ka" si mama

*pout*"Pwede naman akong tumulong ma eh para bawas na sa gastusin"

"Hindi na, mag-aral ka na lang mas makatutulong ka pa" nakangiting sagot ni mama na para bang nang-aasar "at isa pa pala, mamayang kauwi mo dito ka pa rin tutuloy, pumayag kasi yung may-ari nito na bukas na tayo umalis

"Hayss opo mamehhh" sagot ko na lang sabay *pout*


*SCHOOL TIME*

Maaga akong pumasok dahil maagang nagising si mama dahil nga sa paglilipat kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa loob ng campus habang palakad-lakad maya maya lang ay naramdaman kong naiihi ako kaya pumunta na muna ako sa CR at umihi na muna't nanalamin pagkatapos nang kumakanta

"Now and forever!...~~~

Remember the words...~~~

from my heart~~~

Will always be true!...~~~"

"Binibini?" biglang tanong ng kung sinong nasa likuran ko

"Huh?" gulat kong usal

Sabay akong humarap sa kaniya at laking gulat ko nang makita kong lalaki siya

"Waaaah! Sino ka?! Mamboboso ka!" galit na galit kong pagtataboy sa kaniya

"T-teka! Mali ka! Mali ang iniisip mo!" depensa niya

Hinampas ko siya at sabay na sinipa sa gitnang parte ng katawan niya at sabay na sinuntok suntok at sinapak sapak hanggang sa matumba siya sabay na sinipa sipa pa kahit na nakatumba na siya

My GuardianWhere stories live. Discover now