Chapter V

27 6 0
                                    

YNA'S POV


Isang panibagong araw nanaman. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon noong uwian namin. Sumosobra na talaga yung Vince na yon

"Anaak, oh kumain ka na" inilapag ni mama ang agahan, hindi na nagluto si mama kase wala na yung mga gamit namin kaya bili na lang mula sa labas yung kinain namin "Oo nga pala nak, hindi ka na dito uuwi mamaya ha? Doon na sa inupahan natin, alam mo naman puntahan yon diba?" dagdag pa ni mama

"Opoo mama, eh paano nga pala tong mga natirang gamit? Iiwan na lang po ba?" si ako

"Ahhh oo hayaan na natin dito may mga bago na rin naman doon" si mama

Ilang sandali pa umalis na ako at pumasok

"Okay class this will be your first assignment in this school year, copy this in your notebooks" sabi ng aming guro sa MATH na si sir Bernie Fernandez

"Hayss ang aga naman ng assignment na yan" nakabusangot na bulong ni Ange pero hindi niya inaasahang maririnig pala yun ni sir

"May problema ba Ms. Hermosa?" seryosong tanong ni sir Bernie kay Angelica

"S-sir, wala po yun sir" kabadong tugon ni Ange

"Kung ayaw niyong gumawa, it's fine with me kayo rin naman ang mamomroblema sa huli" seryosong tugon ni sir sabay na tumalikod at nagpatuloy sa pagsulat

Ang sungit naman ni sir hayss kung pwede lang talaga na hindi gawin yan hindi ko na gagawin yan math pa naman hayss HATE kong subject yan eh

"Okay class, that's all for today. Good day" pagpapaalam ni sir at lumabas na

May pitong subject kami sa isang araw. Una ang English, Math, Science, Recess, AP/ESP, Mapeh, TLE, and Filipino

"Kainis naman yung sir Math nating yon, ang sungit" inis na sabi ni Ange

"Hayaan mo na lang baka may pinagdaraanan lang si sir" ngiti kong sabi sa kaniya

"Pssh pinagdaraanan daw"

"Malay mo" nakangiti ko pa ring sagot

"Nang aasar ka ba?! Huwag ka ngang ngumiti jan!" sabi niya na noo'y nakangiti pa rin ako

"AHAHAHA huwag ka na kasing mainis diyan okay?" pagpapakalma ko sa kaniya

"Psshh"

Hanggang sa dumating na ang Science teacher namin at nag discuss... discuss... discuss


*BREAK TIME*

"Tara na Chayy nang mawala na tong inis ko" aya ni Ange

"Heyy pwede bang sumama sa inyo?" si Jona

"Sige pwedeng pwede, tara na" pagpayag ko

Pero bago pa kami makababa ng hagdan...

"Chaynaa! Sandali lang"

may tumawag nananamang lalaking mula sa likod namin na kakilala't ayaw ko ng malapitan dahil baka masaktan nananaman siya ni Vince pagnagkataong magkita sila

"Hayy bakit LUKE? Ano yon? Bilisan mo lang baka makita ka ulit ni Vince" ako

"Sinasabi ko na nga ba eh! Ang lalandi niyo! Dito pa talaga!" galit na tugon ni Vince sabay sapak nito kay Luke

O_O

Bakit nandito na nga si Vince waaaah! Lagooot >_<

Mygaaash!

My GuardianWhere stories live. Discover now