Ihing-ihi na talaga ako!!! Tumakbo ako papunta sa Comfort Room ng Girls ng.....eh!?! Ba't naman sarado??? T_T paano na ako iihi niyan? Feeling ko sasabog na.
Dali dali ako tumakbo papunta sa Comfort Room ng Boys, ng walang kahit anong pag-aalinlangan. Binuksan ko ang pinto...may tatlong lalaki dito at sa pagkakaalam ko e sa kabilang section ito.
"Uy! Anong ginagawa mo dito?? CR to ng boys at bawal ang babae dito. Pervert" sabi nung maputing lalaki na Reille(reyl) ata ang pangalan
"Sarado ang CR ng girls at kaya pwede kami ditong umihi o tumae." Sabi ko. Dinig kong tumawa ang mga kasama nito.
"May tao ba rito?" Nagpipigil ng inis kong tanong dahil na din sa ihing ihi na ako. "Walang tao diyan" sabi naman nung matangkad na lalaki. Agad kong hinawakan ang knob at binuksan ito ng...
_______________________________________________
"Morning Ma! Asan po si Christine?? At si papa??" Tanong ko sa aking nanay na naghahanda ng almusal para sa amin. "Ang kapatid mo eh maagang sinundo ng service niya" sabi ni mama at saglit na tumigil sa pagsasalita.
"Ang papa mo naman ay pumunta sa shop ng tito mo at kakausapin daw niya"
Umupo na ako sa upuan, malamang. Sumandok ako ng kanin at kumuha ng isang hotdog at ng scrambled egg. "Oo nga pala anak, diba ngayon ang unang araw ng pasukan mo? Aba't late ka na ah?" Parang sinampal ako ng katotohanan...at ngayon ko narealize na talagang late na ako!!!
Mabilis akong kumain at nagbihis ng aking uniporme since nakaligo na ako, kinuha ko ang aking bag at mabilis na tumakbo palabas ng bahay pero tumigil muna ako "Bye ma!" Ako ulit ay tumuloy sa pagtakbo papunta sa sakayan ng jeep.
17 minutes na lang late na ako! First day na first day eh.
Mabuti na lang at walang traffic.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa labas ng school.
7:28, 4 minutes left.
Tumakbo ako paloob ng school, at sa wakas! Nakapasok na din ako! Pumunta agad ako sa gym para makasabay pa ako sa flag ceremony.
"Yin! Dito!" Narinig ko agad ang tawag sa akin ng bestfriend kong si Lian. Liana S. Marindin, pwede mo din siyang tawaging Lian, cute daw kasi at ako naman si Yoshie Quenell H. Puran. Pwede mo din ako tawaging Yin at nagaaral ako sa Gelleo International School sa Laguna.
Yun lang naman. Ay wait! 16 years old na pala ako.
Tama na nga ang dada!
_______________________________________________
"...Ang mamatay ng dahil sa iyo..."
Natapos na ang pagkanta namin ng Lupang Hinirang.
"Everyone. Listen." Yes my period talaga, ang diin kasi ng pagkakasabi ni Sir Jay. "Ngayon ang first day ng klase niyo and siguro naman e alam niyong bukas pa ang start klase? Am i right?" Sir Jay. "Yessss" Students.
"Introduction lang ang meron tayo ngayon and i hope na makaget-along agad kayo sa new classmate o schoolmates niyo. Am i clear?"aniya "Yesss" rinig ang excitement sa mga boses ng mga estudyante.
"Okay, maaari na kayong bumalik sa mga classroom niyo" Sir Jay.
Agad namang nagsitayuan ang mga estudyante para bumalik sa kanilang mga silid-aralan.
"Lian! Anong section ka??" Tanong ko. "9-B section ko eh! Ikaw??" "9-A ang section ko! Sayang di tayo magkaklase! Malayo pa naman ang room mo sa room ko!" Sabi ko kay lian. Ngumiti na lang siya as a reply.
YOU ARE READING
Unang tingin
Non-FictionStarted: [January 13, 2019] Ended: [Present] Ating subaybayan ang storya nila Tahj at Yin