Second Night

33 0 0
                                    

Kagaya ng plano ko alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay nakahanda na ako.


Aalis na talaga ako sa bahay na ito.


Maingat na binaba ko ang hagdan. Mabuti na lang at hindi masyadong mabigat ang maleta ko kaya hindi naman ako nahirapang makalabas ng bahay.


Marami pang mga ilaw na nakasindi kaya lakas loob kong tinungo ang labas ng gate na malaki.


Naglalakihan ang mga bahay sa lugar na ito. Halatang mayayaman lahat ng mga tao. Nakakainis lang dahil feeling ko lahat ng mga nakatira dito ay weird.


"Saan na ang mga sasakyan dito?" Napakamot na lang ako sa batok ko ng wala man lang ako makitang isang sasakyan sa paligid.


Ang weird.


Humangin na naman ng malakas. Sobrang lamig ng paligid. Kakaibang lamig ang bumabalot sa lugar na ito. Nakakakilabot.


Nabuhayan ako ng loob ng may makita akong mga kaseng edad ko lang na makakasalubong ko. Inihanda ko ang ngiti ko.


Tatlo silang kabataan At naka suot silang lahat ng itim na damit. Uniform ba yun?


Nilapitan ko ang isang babae na unang nakasalubong ko.


"H-Hello?" Bati ko dito. Para akong naaalangan na kausapin ito.


Kasi naman ang puti-puti nya at para syang maputla. Para syang walang dugo. Na over enject yata ng gluthathion?

"Yes?" Nakangiting sabi nito. Medyo napanatag naman ang loob ko sa ngiti nya. Mukha naman syang mabait.


"Itatanong ko lang sana kung may mga sasakyan ba na dumadaan sa ganitong oras?"


Nakunot naman ang noo nito.


"Sasakyan?"


"Yeah. Car. Vehicle. Jeep? Anything that I can ride on to get out of this place."


Mas lalo lang nakunot ang maganda nitong mukha.


"Your not from here. Are you?"

"Isn't it obvious-"

Nakakaluka na ang ngiti nito, saka ko lang napansin na may mga pangil sya. Hindi iyon halata pero ngayong nakalabas na ang pantay nitong ngipin ay nakasiwil naman ang kanyang mga pangil.


Para siyang bampira!

Napaatras naman ako sa gulat ko. Natakot ako bigla.

Dun ko lang napansin na nakalapit na pala sa akin ang dalawa nitong kasama na lalaki at nakangiti din sa akin.

Tulad ng babae ay may mga pangil din sila. Para silang nanggagalaiting lapain ako.

Napansin ko rin na nag-iba ang kulay ng kanilang mga mata. Namumula ito...

Tao pa ba sila?

"H-huwag kayong lalapit..." Banta ko sa kanila.

Living with VAMPIER (EDITTING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon