"Happy birthday dear Vanerica."
Matapos kong ma blow ang candle ko ay hinanap ko agad si mommy. Kaka 16 ko lang at masayang masaya ako dahil ngayon lang makokompleto ang pamilya ko dahil isang espesyal ang araw na ito.
"Dad, wheres mom?" Tanong ko kay daddy nang makita ko syang nakabukod sa mga bisita. Nakita kong Namumula pa ang mga mata nito na halatang galing sa pag-iyak.
"Baby..." Malungkot na tawag nito sa akin. Ang nakangiting mukha ko na dala-dala ko kanina paggising ko ay unti-unti nang napapawi.
"Where is mommy?" Ulit ko sa tanong ko.
Hindi ito nakasagot.
"No!" Narinig kong sigaw ni daddy sa likuran ko.
Tumakbo ako papasok nang bahay. Naririnig kong tinatawag ako ni daddy sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Dumeretso ako kaagad sa kwarto ni mommy.
"Mom?" Nanginginig ang boses ko.
Nagulat naman ang reaksyon ni mommy nang makita nya akong nakatingin sa kanila. Nakita ko! Nakita ko na kahalikan nito ang isang lalaki!
"Baby..." Tawag nito sa akin. Pero hindi na ako nakinig sa kanya dahil naglupisak na ako sa sahig. Naabutan narin ako ni daddy at pagalit nitong hinarap si mommy pati ang lalaki nito.
"How dare you Vanerica? How dare you two to reveal your true nature in front of my daughter? Wala ka na sa pag-iisip Vanerica. Lumayas ka na sa pamamahay ko!"
"A-Albert-" napahikbi pa si mommy.
"Lumayas na kayo bago pa ako may magawang masama sa inyo! Tiniis ko lahat nang kataksilang ginawa mo Vanerica, pero sa pagkakataong ito ay dinamay mo ang anak ko! Hindi kita mapapatawad! May lakas pa kayong magkalat sa papamahay ko?!"
"H-hindi ko ito ginusto... Pinilit nya ako!" Dahilan ni mommy.
Tinutukan ko ang mukha nang lalaki na katabi ni mommy. Isa syang magandang lalaki na sa tingin ko ay nasa mga 18 pa ang edad nya. Hindi ako makapaniwalang papatol ang mama ko sa ganyang kabata at sasabihin nyang pinilit lang sya nang lalaki? Para saan? Para anu?
Tumayo ako sa pagkakasalampak ko. Inalalayan naman ako ni daddy sa pagtayo.
Unti akong napatawa. Nakakalukang tawa ang pinakawalan ko.
"Whore..."
"What did you say Van?" Mommy ask.
"You are whore!!!" Sigaw ko sa pagmumukha nya. Napaatras naman si mommy at agad na dumapo sa pisngi ko ang sampal nya. Hinawakan naman ni daddy ang balikat ko sa pag-atras ko.
"Dont ever say that! You dont even know whats going on with me!" Umiiyak na sabi nito.
"Anu pang sasabihin mo? Alam na naming lahat. Pagtatakpan mo pa ba? Wala ka nang dapat pang sabihin dahil nasaktan mo na kami ng anak mo!" Singhal ni daddy.
"Hindi nyo ako naiintindihan!"
"Kelan man ay hindi kita naintindihan Vanerica. Ang alam ko Lang ngayon ay ang gusto kong lumayas ka sa pamamahay ko, sa buhay namin nang anak ko! At wag na wag ka nang tutontong sa pamamahay na ito kahit kailan!"
Humagolgol na si mommy habang ako naman ay nakatulala naman sa lahat nang nangyayari.
"Baby... Baby, im so sorry... Hindi sinasadya ni mommy ang ginawa nya." Hinawakan ako ni mommy sa kamay ko. But I shrugged it off.
"Your not my mom. Tapusin na natin ito. Sawang sawa na ako sa lahat nang excuses mo MOMMY. I swear to my grave, this is the last time na tatawagin kitang MOMMY. Umalis ka na... Dalawa kayo nang lalaki mo, magsama kayo! Mga ahas!" Pinasadahan ko nang tingin ang lalaking katabi ni mommy. Wala man lang syang reaksyon simula pa kanina. Natatakot na siguro sya dahil buking na sila pareho ni mommy.
BINABASA MO ANG
Living with VAMPIER (EDITTING)
VampirePaano kapag ang pinuntahan mo na lugar ay tahanan pala nang mga bampira? Magtatagal ka kaya kung ang kasama mo sa bahay ay isang suplado at sungit na bampira na may weird na pangalan na Vampier?