Sa tulong nang pinagdugtong dugtong na tela galing sa mga damit ko at kobre kama ay nakagawa ako nang tali paibaba.
Hindi ako pwedeng lumabas gamit ang pintuan sa harapan dahil may mga bampirang nakabantay.
Talagang walang tiwala sa akin si Vampier at naglagay talaga sya nang magbabantay sa akin para hindi ako makalabas. Pwes, mas matalino ako kung magaling sya.
Ibinaba ko na ang ginawa kong tali sa bintana at sinimulan ko na ang pagbitin paibaba. Mukha tuloy akong unggoy sa hitsura ko. Pero mabuti na lang talaga at maganda ako. ^___________^
Maayos ko namang natunton ang lupa at patakbo akong nagtago sa mga likod nang puno nang may dumaang isang bantay.
Mabuti na lang at suot suot ko ang amulet na bigay ni Vampier. Hindi nila ako magagawang tuntunin nang madali. Nang mawala na sa paningin ko ang bantay ay patakbo na naman akong nagtungo sa daanan.
Nakapantulog lang ako kaya pinagtinginan naman ako nang mga bampirang nakakasabay ko. Patay malisya naman akong sumunod sa kanila. Di na ako nag-abalang magbihis sa pagmamadali kong makatakas.
Mga 30 minuto din ang nilakad ko bago ko narating ang isang palasyo!
Marami nang mga bampira ang nagpapasukan sa loob at may mga bantay naman na naglilibot. Kailangan kong umikot para Hindi nila ako makita. Naiiba pa naman ang suot ko sa kanila kaya madali lang akong masisita.
Nagawa ko namang matunton ang likod nang palasyo. Nagkubli muna ako sa likod nang halamanan nang may isang babaeng katulong na lumabas sa back door dala ang mga puting tela.
Kailangan kong makapasok sa loob nang palasyo.
Isineradu nang babae ang pinto bago sya umalis. At nang wala na akong makitang ibang bampira ay patakbo akong lumapit sa pinto.
Swerte ko naman dahil hindi naman talaga naka lock ang pinto.
Patakbo at lakad ang ginawa ko nang makapasok na ako sa loob nang palasyo.
May nagkalat na mga babae suot ang mga apron nila. Sa tingin ko ay sila ang mga cook sa palasyo.
Abala sila sa ginagawa nilang pagluluto. Nang may isang kumpon na gwardya ang papunta sa pwesto ko ay agad akong pumasok sa isang maliit na pinto.
Wew! Malapit na ako dun ah. Para naman akong magnanakaw nito sa ginagawa ko. Pero nandito na ako wala nang atrasan ito.
Napag-alaman ko na storage room ang pinasukan ko. Maraming mga prutas at gulay na naka kahon kahon.
Ayuko nang maghalungkat sa mga nakatakip na mga galoon dahil baka mapag-alaman ko pang dugo iyon nang tao. Baka mabisto pa ako.
Nagsuot ako nang apron na nakalagay sa isang maliit na cabinet. Nagpanggap ako na isang cook.
Nagawa kong makalabas nang storage room na walang nakakapansin sa akin. Madadaanan ko muna ang kusina bago ko mantunton ang hagdan paakyat.
Palagpas na ako nang kusina nang marinig ko ang pag-uusap nang dalawang katulong.
"Nawawala daw ang alaga ni Master Vampier at hinahanap na sya ngayon."
Alaga? Hayop? O ako?
"Kailangang maging alisto tayo, baka nasa tabi-tabi lang iyon."
Kung ganun alam na nila na nawawala na ako, kailangan ko nang mag-ingat sa bawat kilos na gagawin ko.
Nang marinig kong may kaluskos na palapit sa akin ay patakbo akong umakyat ng hagdanan.
Maraming mga kwarto pa ang nadaanan ko. Hindi ko naman alam kung anong laman nang mga iyon kaya hindi na ako nag-abala pang sumilip sa mga pinto. Basta deretso lang ang lakad ko.
BINABASA MO ANG
Living with VAMPIER (EDITTING)
VampirePaano kapag ang pinuntahan mo na lugar ay tahanan pala nang mga bampira? Magtatagal ka kaya kung ang kasama mo sa bahay ay isang suplado at sungit na bampira na may weird na pangalan na Vampier?