Chapter 5

4.6K 106 17
                                    

Chapter 5




Naalimpungatan siya ng maramdamang may ibang tao sa silid na kinaroroonan niya. Nakita niya ang may katandaang babae na itinaas ang mga kurtina kaya bumaha ang liwanag sa buong kwarto na nagmumula sa sumisikat nang araw.

Tila naramdaman din nito ang kanyang titig kaya tumingin ito sa gawi niya at ngumiti.

"Magandang umaga sayo hija. Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" may himig pag-aalala sa boses nito ng lumapit sa kinahihigaan niya. Napansin din niya ang agahang nakalagay sa paanan niya at inilipat ito sa naroong bedside table.

Umayos naman siya at akmang babangon ng kumirot ang bahagi ng may balakang niya patungo sa kaliwang paa niya. Naipikit niya ang mga mata ng ilang sigundo dahil sa sakit na naramdaman.

Dali-dali namang sumaklolo ang matandang babae sa kanya at tinulungan siyang maka sandig sa headboard ng malapad na kama.

"Salamat po." aniya dito sa nahihiyang boses. Medyo nakakaya na niya ang sakit sa balakang kaya mahina siyang umayos ng upo. Mabuti nalang ay napakalambot ng kamang kinahihigaan niya.

"Ako nga pala si Nanay Cora mo, asawa ako ni Kanor." pagpapakilala nito sa sarili ng ngitian niya ito ulit.

Napaisip naman siya kung saan narinig ang pangalang Kanor ng maalala ang maliit na matandang tumulong din sa kanya ng maligaw siya pagdating niya dito sa probinsya. Kay liit yata ng mundo at kaharap pa niya ngayon ang asawa ni tatay Kanor na hindi niya inakalang makakasalamuha pang muli.

"Naaalala ko ho si Tatay Kanor. Siya din ho ang tumulong sa akin ng maligaw ako sa baryo Bato. Ako nga ho pala si Zoe." aniya dito.

"Naikwento nga sa amin ni Kanor ang bagay na iyan hija. Hindi ko inakalang makikita talaga kita. Totoo nga ang sabi ni tatay Kanor mo na ang ganda-ganda mo at para kang artista." sabi nito at ngumiti sa kanya.

Bigla naman siyang tinubuan ng hiya dahil sa sinabi nito.

"Salamat po nanay Cora." iginala niya ang tingin sa buong silid nang maalala ang nangyari. Ang rangya ng kwartong kinaroroonan niya. Para siyang nasa loob ng isang five star hotel sa Maynila.

"Nasaan nga ho pala ako?" tanong niya sa matanda na matamang nakatitig pa rin sa kanya.

"Nandito ka sa Hacienda Acosta hija. Dinala ka dito ni señorito Emmanuel kahapon. Nakita ka niyang walang malay malapit sa falls at dinala dito. Ano nga ba ang nagyari sa iyo?" sabi nito at nag-aalalang tumitig sa kanya.

Nginitian muna niya ito bago ipinaliwanag ang nangyari kahapon maliban sa parteng pagpi-piyesta niya sa katawan ng sinasabi nitong señorito Emmanuel.

"Naku diyos na mahabagin. Mabuti at walang malalang nangyari sayo. Sa taas ng bangin na kinabagsakan mo. May awa nga ang diyos hija at hindi ka pinabayaan." sabi pa nito matapos niyang sabihin dito ang nangyari.

"Uo nga ho nay Cora. Buti nalang ito lang ang inabot ko sa pagkakabagsak." nahihiyang sabi niya dito.

Alam kasi niya sa sarili na kung hindi umiral ang kamanyakan niya na hindi naman niya alam kung paano tumubo ay hindi sana niya sasapitin ang kalagayan ngayon. Buti nalang talaga at iyon lang ang inabot niya sa taas ba naman ng bangin. Idagdag pa ang tulis ng mga bato sa lawa kung saan bumabagsak ang tubig ng falls. Ni hindi niya maisip ang maaaring sapitin kung doon siya bumagsak.

Buti nalang din ay may tumulong sa kanya. Ang lalaking nakahubad nga ang tumulong sa kanya. Hindi na niya alam kung paano nakarating sa kinaroroonan niya ang lalaki pero malaking pasasalamat niya at nakita siya nito. Kung hindi ay baka nandoon pa rin siya sa kinabagsakan.

"Never Alone Again"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon